Share

4. TRAPPED SERIES#4

[Gail]

"Abigail!"

Humawak siya sa ulo. Pakiramdam niya mas lalo itong sumakit dahil sa matinis na boses ni Nerissa.

"Paano mo nagawa sa akin 'to, Gail? Iniwan mo na nga ako kagabi, hindi ka pa nagreply at sumagot sa mga text messages ko. Alam mo ba kung gaano ako nag alala?" Naiiyak na yumakap ito sa kanya. Pero agad din napahiwalay ng may maalala. "Siya nga pala, ang sabi ni Ate Zera hindi ka umuwi. Alam mo ba na sinabi ko nalang na kasama kita kagabi para pagtakpan ka at hindi siya mag alala,"

Nagdududa siya nitong tiningnan.

"Don't tell me... nakipagkita ka sa boyfriend mo ng hindi ko alam?" Nanlalaki ang matang tanong nito.

Inikutan niya ito ng mata. "You know I don't have one, Nerissa." Mabuti nalang pala at nakapag alibi ito sa kapatid niya, kung hindi ay baka malagot siya sa ate niya, tiyak din na mapapagalitan siya ng daddy nila.

"Alam ko, pero paano kung mayro'n pala." May ngiting tumingin ito sa bandang leeg niya. "Aminin mo nga, sino siya? Ikaw ha, magbestfriend tayo pero mukhang naglilihim ka na sa akin."

Natahimik lamang ang kaibigan niya ng dumating ang kanilang professor. Pansin niya ang panaka-nakang pagtingin ng mga kaklase niya sa leeg niya. Kaya pagka-break time ay agad siyang nagtungo sa restroom para tingnan ang leeg. Then she saw some red marks on her skin, na hindi niya alam kung saan nanggaling.

Kagat ng lamok?

"Sandy?" Nagkagulatan pa sila pareho ng magkita.

"Oh my god, Gail?!" Agad na yumakap ito sa kanya sabay beso pa. Nailang man ay hindi nalang niya pinahalata. Hindi naman kasi sila talaga magkaibigan, nagkakilala lang dahil kay Nerissa at sa fans club.

Kaka-transfer lang pala nito. Nalaman din niya na nasa third year college na ito sa kursong Business Management.

"Ang sabi ni Nerissa wala kang nobyo. Eh sino ang naglagay ng kiss mark sa leeg mo?" May tudyong tanong ni Sandy.

Kiss mark?

Mahina siyang natawa. "Naku mali ka, hindi kiss mark 'to, kagat lang ito ng lamok." Paliwanag niya. Kaya pala pinagtitinginan siya ng lahat kanina— dahil iyon siguro ang iniisip ng mga ito.

Hindi nalang niya binigyan ng pansin ang nanunuksong tingin nito. Mukhang hindi naniniwala sa sinabi niya.

"Sana ayos lang si Fafa Miguel. Kailan kaya siya gagaling?" Nangalumbabang wika ni Sandy, pare-parehong tapos na ang klase nila kaya naman may oras na sila para lumabas. "Nakaka-disappoint kasi hindi man lang natin nakita ang kagwapuhan niya kagabi. But it's okay, as long as he is well, walang kaso sa akin ang nangyari."

Nalaman niya na hindi nagpakita kagabi si Miguel sa lahat ng fans niya. Ayon daw sa Manager nito ay nagkasakit ang lalaki.

Napaingos siya. Hindi niya alam kung uto-uto ba sina Nerissa at Sandy para maniwala sa alibing 'yon. Halata naman na hindi iyon totoo. Kung totoong nagkasakit ang Miguel na 'yon, bakit hindi agad sinabi ng mas maaga?

Humawak siya sa ulo. Inaalis niya sa isip ang masamang panaginip niya kanina, hindi lang basta masamang panaginip, kundi nakakakilabot na panaginip.

Sa panaginip niya ay may malaking lamok na kumakagat sa leeg niya. Kasalanan 'to ng pulis sa presinto, kung ano-ano ang sinasabi sa kanya.

"My god, he's so damn good looking as hell!" Halos tumulo ang laway ni Nerissa habang nakatingin sa screen ng cellphone. "You're mine, Fafa Miguel... someday you will be going to be my husband, ihhh!!!"

"No! He is mine, Nerissa! Dadaan ka muna sa sexy kong body!" Hirit naman ni Sandy.

Napatakip siya ng tenga ng sabay na tumili ang dalawa. Panay ang tawanan at kilig ng dalawa habang pinag uusapan si Miguel. Samantalang siya, heto nakokonsensya.

Nagsinungaling siya sa kanyang daddy at Ate Zera niya. Pinanindigan niya na natulog siya kina Nerissa. Hindi naman niya pwedeng sabihin na natulog siya sa bahay ng isang estranghero— kumunot ang noo niya ng ilapag ni Nerissa ang phone sa mesa.

Teka, kailan pa naglagay ng lalaking wallpaper ang kaibigan niya? At bakit pamilyar ang lalaking nasa wallpaper nito? Akmang kukunin niya ang phone ng kaibigan ng balikan ito ni Nerissa at mabilis na dinampot.

“Nerissa, wala ka bang balak takpan ang leeg mo?” Untag ni Sandy. May kinuha ito sa bag at saka inabot sa kanya. “Heto concealer, lagyan mo para hindi takaw pansin. Grabeng lamok ‘yan, may balak yatang ubusin ang dugo mo.” May panunudyo sa boses na dugtong pa ng dalaga.

Hindi nalang siya kumibo at nakipagtalo. Hindi rin naman ito maniniwala kung sasabihin niya na lamok lang talaga ang may gawa nito sa kanya.

“Oh my god, Gail, Sandy! Isa si Miguel na magiging celebrity guest natin sa darating na Event this month!” Nagtitili na hiyaw ni Nerissa nang makabalik sa mesa nila.

Para itong bata na tuwang-tuwa na siyang ikinangiwi niya. Napansin niya na hindi lang si Nerissa ang nagtitili— maging ang halos lahat ng kababaihang estudiyante na katulad nila.

“Gail, where are you going?” Tanong ni Nerissa.

“Uuwi na ako.”

“No! Samahan mo muna ako mag explain kay mommy,” lumapit ito at kumapit sa braso niya. “Sige na, sinabi ko sa kanya na pupunta tayo ngayon sa bahay. Sige na, sumama ka na, please.”

Saglit na napaisip siya. Wala pa naman ang Ate Zera niya kaya sasama muna siya. Maging si Sandy ay sumama na rin sa kanila.

“Abigail!”

Agad na nasira ang kanyang mukha ng makarating sila sa bahay nila Nerissa. Nang tingnan niya ang kaibigan ay tumabingi rin ang ngiti nito at agad na iniling ang ulo, para iparating sa kanya na hindi nito alam na narito ang pinsan nito.

“Kuya Santi, ano ang ginagawa mo rito?”

“Bakit? Masama bang bumisita sa bahay niyo?” Balik-tanong ng binata kay Nerissa. “Hi, Abigail. It’s been two months ng huli tayong nagkita. Natatanggap mo ba ang mga messages ko? Hindi ka kasi nagrereply.”

Nang makita ang mommy ni Nerissa ay agad niyang nilapitan ito para iwasan ang binata. “Hi, Tita.” Sinadya niyang tagalan ang pakikipag usap rito, kaysa ang bigyan ng chance si Santi na kausapin siya.

Hindi niya gusto ang ugali ng lalaki, ubod ng yabang at presko. Tinalo pa ang bagyo sa lakas ng hangin nito.

“Gail, siya ba ang boyfriend mo?”

Muntik na nilang maibuga ni Nerissa ang juice na iniinom ng marinig ang tanong ni Sandy.

“Hindi noh,” ang kaibigan na niya ang sumagot. “Malabong patulan ni Gail si Kuya Santi, mayabang kaso… saka hindi gusto ni Gail ang mas matanda sa kanya ng more than three years.”

Napahawak siya sa labi bigla. Naalala niya ang taong humalik sa kanya.

“Guys, may tanong ako sa inyo.” Tumikhim siya. “Mako-consider ba na first kiss ang hindi inaasahang halik?”

Tinaasan siya ng kilay ni Nerissa. Mayamaya pa ay ngumisi ito sa kanya. “Don’t tell me iyan ang unang experience mo? Teka, kanino? Sino siya?” Sunod-sunod na tanong nito.

Iniwas niya ang tingin, kinagat niya ang labi ng madiin para pigilan ang sarili na huwag umiyak at magsumbong. Hindi niya kailanman sasabihin na n*******n siya ng lalaking hindi niya kilala, at worst, baka matanda pa!

Kinuha niya ang bag at sinukbit.

“Gail, uuwi ka na?”

“A-ah, oo… may bibilhin pa kasi ako.” Kailangan niyang makaalis dahil sigurado na uulanin niya ng tanong ni Nerissa at hindi titigilan hangga’t hindi napapaamin.

Bakit ngayon lang niya narealized na ito talaga ang plano ng babaeng ‘to? Dahil siguro sa kagat ng lamok sa leeg niya kaya siya niyaya siya nito.

“Gail!” Magkapanabay na tawag nila Sandy at Nerissa na hindi niya pinansin. Pagkatapos magpaalam sa ina ng kanyang kaibigan ay nagmamadali siyang umalis.

Napapitlag siya sa gulat ng bigla nalang may humablot sa braso niya. “Kuya S-Santi, ikaw pala.” Narinig niya na umalis na ito kanina, kaya nga naglakas-loob siyang umuwi ng mag isa.

“Iniiwasan mo ba ako, Gail?”

Hinila niya ang braso na nasaktan pero hindi ito pinakawalan ng lalaki. Mas lalo lamang humigpit ang hawak nito sa kanya.

“Gail, naman… gusto ko lang naman na kilalanin natin ang isa’t isa. Saka ano iyong narinig ko kanina? Ayaw mo sa matanda sayo ng tatlong taon? Saka may nakahalik na sayo?” Dumilim ang mukha nito, “diba ang sabi mo sa akin ay wala ka pang balak magnobyo dahil bata ka pa? Eh pakipot ka lang pala!”

“B-bitiwan mo nga ako!”

Isa ito sa dahilan kaya hindi niya kailanman nagustuhan si Santi, kahit maging kaibigan ito ay hindi niya masikmura. Bukod sa mayabang, mahangin ay mapilit ito sa gusto. May itsura naman ito, moreno at matangkad, pero para sa kanya ay isang ‘plain’ lang na lalaki ito. Walang kadating-dating, idagdag pa ang masamang ugali nito na tinatago sa pamilya. Hindi nga alam ni Nerissa ang mga pinagsasabi nito sa kanya sa mga messages— puro kabastusan! May sira yata sa ulo ang lalaking ito!

She only met this jerk in two months! Pero kung umasta ito ay parang nobyo.

“Come on, Gail, hindi mo kailangan matakot, dahil lalabas lang naman tayo para kilalanin ang isa’t isa.” Gumuhit ang kakaibang ngisi sa labi nito. “Kung gusto mo sa bahay tayo magpunta… wag ka nang magpakipot pa!”

Naalala niya bigla ang lalaking nanamantala sa kanya. Bigla ang pag ahon ng takot sa dibdib niya. Pakiramdam niya ay may gagawin na hindi maganda sa kanya si Santi.

Akmang sisigaw na siyang muli ng makita ang paglapit sa kanila ng anim na lalaki, katulad ni Santi ay matangkad din ang anim, lahat ay nakasuot ng kulay itim na suit katulad ng mga bodyguards ng mga mayayaman.

“Gag0 ka ah! Sino ba kayo?!” Galit na sigaw ni Santi ng hawakan ng lalaki ang kamay nito na nakahawak sa braso niya. “A-ahhh! T-Tangina, bitiwan ninyo ako!”

Natuptop niya ang bibig ng biglang pilipitin ng lalaki ang kamay ng binata, sa sobrang sakit ay halos maglabasan ang ugat sa leeg nito sa pagsigaw.

“Pasensya na, napag utusan lang! Sige, bugbugin na ‘yan!” Utos ng isa sa mga kasama.

Nangangatog ang tuhod na napaatras siya. Pakiramdam niya ay mawawalan siya ng malay sa takot, lalo na nang makita na may mga baril sa tagiliran ang mga ito.

“Miss, ayos ka lang—“ kumunot ang noo ng lalaki ng wala nang malingunan.

Mabilis siyang tumakbo. Pakiramdam niya ay hindi na sumasayad ang mga paa niya sa lupa. Halos magkadapa-dapa pa siya. Sa takot na baka maabutan ay hindi nag iisip na pinara niya ang sasakyan na dumaan.

“M-Manong, tulong po! M-may mga lalaki na nakakatakot sa kantong iyon! M-mga armado po sila!”

“Relax, Gail. Hindi ka na niya makikita pa…”

Natigilan si Gail ng marinig ang pamilyar na boses nito. Gano’n nalang ang pag awang ng kanyang labi ng malingunan ang lalaki… ito ang lalaking napagkamalan niyang magnanakaw— si Mister Migs!

Imbis kumalma ay nakadama siya ng kakaiba… bakit parang narinig na niya ang boses nito noon? Saan nga ba?

“Ayos ka lang ba, Gail?” May pag aalalang tanong ng lalaki sa kanya.

Napapitlag siya ng ipatong nito ang malaking kamay sa ibabaw ng kanyang hita. Bigla ang pag ahon ng kilabot sa kanyang katawan ng maramdaman ang marahan nitong pagpisil…

Dahil naiilang siya ay kanyang inalis ang malaki nitong kamay sa ibabaw ng hita niya. Namamalikmata ba siya? Nakita kasi niya ang pagtaas ng sulok ng labi nito… kung para saan? Hindi niya alam.

“Mister Migs, p-pwede bang samahan ninyo ako magreport sa pulis? Si Santi kasi… b-baka mapatay siya ng mga lalaking ‘yon!” Kahit na hindi niya gusto ang ugali nito ay hindi niya maatim na may mangyaring masama rito. Pinsan pa rin ito ni Nerissa, saka paano kung hindi lang ito masaktan? Paano kung patayin ito ng mga lalaking iyon?

“Mister—“ napapitlag siya sa gulat ng biglang umandar ng mabilis ang sasakyan… nakita niya kung paano ito pumilig at maglabasan ang ugat sa leeg… parang galit na galit ito.

“You shouldn’t thinking about another people, Gail…” bumaling ito sa kanya na mayro’ng ngiti sa labi. “especially men…”

Napaawang ang labi niya. Hindi naman masama ang mag alala sa iba, lalo na kung nasa panganib sila. Ibang klase ang lalaking ito, mukhang walang konsesnya at awa.

“Salamat sa pagsakay sa akin, Mister Migs. Pero pwede mo na akong ibaba ri’yan sa kanto.” Siya nalang ang magsusumbong sa pulis ng mag isa. Imbis na ibaba siya ay mas lalo lamang nito pinatakbo ng mabilis ang kotse. “M-Mister, dahan-dahan naman!”

Tumatawang bumaling pa ito sa kanya na parang tuwang-tuwa.

“Hindi ko ako mahilig sa dahan-dahan.” Makahulugan itong bumaling sa kanya. “Gusto kong kinukuha ang gusto ko sa mabilis na paraan.”

“Oohhhhh myyyyy gggoooooddd!!!”

Tila hihiwalay ang kaluluwa niya sa katawan sa sobrang takot ng mas lalong bumilis ang takbo nito.

“Y-You jerk! H-hinding-hindi na ako sasakay sayo!” Mukhang may pinagdadaanan ito ngayon sa buhay at gusto nang mamatay.

Pero bakit kailangan mandamay?! Gusto lang naman niya makisakay?!

Humalakhak ito. “Well, let see that.” Nagawa pa nitong bumaling at kumindat sa kanya. “Kahit hindi ka sumakay, magaling naman akong sumakay.” Makahulugang sabi nito ng mayro’ng mapaglarong ngisi sa labi.

Announcement ‼️

Sali po kayo sa F* Group ko: Seenmore Stories.

THANK YOU🫶♥️

SEENMORE

Thank you sa po mga readers ko na talagang nakasuporta🫶

| 2
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
cessn
may new realis story ka pala ms.a hehhe hindi ako ininform ni g
goodnovel comment avatar
Elleboj
thanks miss a!
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status