Share

5. TRAPPED SERIES#5

[Gail]

"Ano? You mean, okay lang si Santi? Pero sigurado ako na..." hindi makapaniwalang tiningnan niya ang pulis na kaharap. Sigurado siya sa nakita niya, binubugbog ito!

"Miss, naman! Bakit ang kulit mo? Kagagaling lang namin do'n pero ang sabi ng magulang niya ay nasa bakasyon ang anak nila. Hindi siya nasaktan o nabugbog kagaya ng sinabi mo."

Hindi na niya pinilit sa pulis ang tungkol sa nakita dahil katulad no'ng una, sa tingin niya ay hindi na naman ito maniniwala.

"That's good, fvcker. Huwag ninyong lumpuhin, ako ang lulumpo sa lalaking 'yan—"

Mabilis na lumihis siya ng daan ng makita si Miguel na may kausap sa cellphone. This jerk! Sinabi na niya kanina na hindi siya sasakay rito kailanman. Eh ano ang ginagawa nito sa labas ng Police station? Akala niya ay umalis na ito, pero narito pa rin pala ito.

Naghihintay ba ito sa kanya?

Saka may lulumpuhin ito? Tama nga ang hinala niya. Isa itong bayolenteng tao sa kabila ng mala-anghel nitong mukha. Kaya hindi dapat humuhusga ayon sa panlabas, e.

Napangiwi siya ng may humawak sa braso niya. Si Mister Migs, nakangiti na naman ito. Pero agad din nawala ang ngiti ng binata ng makita ang pasa niya sa braso na gawa no Santi.

"Damn that bastard!" galit at mahinang mura nito. "Ihahatid na kita."

Napalunok siya ng laway ng maalala kung paano ito magmaneho kanina. "W-wag ka nang mag abala, k-kaya kong umuwi ng mag isa ng LIGTAS." Aniya na pinagdiinan ang salitang 'ligtas'

Baka hindi siya umabot ng bente kapag sumakay pa siya rito. Balasubas kung magmaneho, akala yata pag aari ang daan. Hindi ba ito natatakot na baka maka-disgrasya?

Napahinto siya sa paghakbang nang makakita ng malaking tarpaulin sa daan. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa binata at sa tarpaulin... teka, vote for Fafa Mig?

Pulitiko ito?

Lumapit siya at sinipat ng maayos ang tarpaulin. Muntik ng malaglag ang panga niya ng makita nang buo ang pangalang Miguel. Sa ibaba ng tarpaulin ay naroon ang oras at lugar ng nasabing Mall tour.

'Fafa Miguel?' Hindi kaya— natuptop niya ang bibig. Nanlalaki ang matang nagpalipat-lipat ang mata niya at sa binata na ngayon ay tatawa-tawang nakasandal sa kotse. Mukhang pinagtatawanan ang reaksiyon niya.

"Ikaw si... Fafa— I mean, si Miguel?"

Mayabang na hinaplos ng binata ang baba. "Yes, the one and only."

Naalala niya ang suot niya at headband banner na suot no'ng mawalan siya ng malay... ibig sabihin ay nakita iyon ng lalaking 'to?

Natampal niya ang noo.

Baka mamaya isipin nito na isa siya sa babaeng nagkakagusto rito. Now she knew why he looks so handsome, isa pala itong artisa, slash, singer, slash, dancer, slash, idol ng lahat.

"Come on, Gail... I will take you home... wag ka na magmatigas pa, gusto lang naman kita maging ligtas— hey!" Tawag nito sa kanya.

Hindi na niya ito nilingon, mabilis at nagmamadaling lumayo siya rito.

Delikado!

Alam niya kung gaano kabaliw ang mga fans ng lalaking ito. Paano kapag may makakita sa kanila na magkasama? Baka mamaya ay masangkot siya sa balita tungkol rito. Bukod pa ro'n, baka mapag initan siya ng mga fans nito... mahirap na, siguradong hindi na matatahimik ang buhay niya.

Nang makakita ng taxi ay agad niya iyong pinara. May pamasahe naman siya dahil nakuha na niya kay Nerissa ang kanyang bag.

Nang makabayad sa taxi ay agad siyang bumaba. Akmang papasok na siya sa kanilang gate ng mapansin ang dalawang tao hindi kalayuan mula sa tarangkahan nila.

"Ate Zera?"

Pinilig niya ang ulo. Malabong ang kapatid niya ito. May kayakap kasi na lalaki ang babae— kaya malabong ate niya ito. Nangako kasi sila na hindi magnonobyo hangga't hindi nakakatulong sa kanilang ama.

"Ma'am Gail, bakit ngayon ka lang? Kanina pa tawag nang tawag ang daddy mo sa telepono. Nag aalala siya dahil hindi ka niya matawagan. Oh siya, pumasok ka na, nari'yan na ang Ate Zera mo, lumabas lang siya saglit dahil mayro'n siyang pinuntahan na kaibigan sa labas."

Natigilan siya. "Si Ate Zera nasa labas?" ibig sabihin ay ito nga ang nakita niya kanina?

Nagmamadaling tumakbo siya para lumabas, pero nakasalubong na niya ang Ate Zera niya papasok ng gate. Dahil maliwanag sa parteng ito ng kanilang bahay ay napansin niya ang namumula nitong mata at ilong. Mukhang galing ito sa pag iyak.

"Ate Zera..."

"Bakit ngayon ka lang, Gail? Alam mo ba kung gaano ako nag alala sayo? A-Akala ko... a-akala ko ay hindi ka na rin babalik." parang takot na takot na saad nito.

Tumalikod si Zera, umalog ang balikat nito, rinig din ang mahinang pag iyak nito.

"Ate..." Hindi niya mapigilan ang mag alala. Kilala niya ito na matapang at hindi basta-basta iiyak. "May problema ba? Tungkol ba ito sa lalaking kasama mo kanina?"

Napaatras siya sa gulat ng biglang humarap ito. Paano ay nanlilisik na ang mga mata nito ngayon sa kanya. "Oo! Dahil nga sa kanya. Nakipaghiwalay na ako sa kanya dahil gusto kong tuparin ang pinangako ko sa sarili ko," lumapit ito sa kanya at dinuro siya. "Kaya ikaw, itikom mo ang bibig mo, Gail. huwag na huwag mong sasabihin kay daddy ang nakita mo kung ayaw mong malintikan sa akin!"

Kanina pa nakaalis ang kapatid niya, naiwan siyang tulala. Sanay na siyang nasisigawan at napapagalitan nito. Ang hindi niya mapaniwalaan ay may nobyo pala ito.

"Akala ko ba bawal kaming magnobyo hangga't hindi nakakatulong kay daddy?" hindi niya makatulog kakaisip. Kaka-twenty lang ng Ate Zera niya, siya naman ay mag i-eighteen sa loob ng anim na buwan. Mga bata pa sila, marami pa dapat gawin at ma-abot. Hindi dapat sila pumasok sa relasyon at magaya sa Ate Marian niya.

Kinabukasan ay hindi niya nakasabay sa pagkain ang Ate Zera niya. Dumaan lang ito na parang walang nakita. "Ma'am Gail, okay lang ba si Ma'am Zera? Madalas ko siyang makitang umiyak nitong nakaraan. Nakita ko na may kausap siyang lalaki sa labas. Parang kinukulit ho yata siya," pagbabalita ng kasambahay sa kanya na si Nena, baguhan lang ito sa bahay nila, kasing edad ito ng Ate Zera niya.

Natigilan siya sa narinig. Ang sinabi ng Ate niya, kagabi lang ito nakipaghiwalay.

"Nobyo niya ba iyon, Ma'am? Hindi ba bawal kayo makipagrelasyon-" natigil ito sa pagsasalita ng itapat niya ang daliri sa bibig. "A-Ah, sige po, Ma'am Gail, secret lang natin 'yon." ani nito ng makuha ang ibig niyang sabihin.

Kahit paano ay nakahinga siya ng maluwag at kampante na siya kasi nakipaghiwalay na ang kapatid niya bago pa iyon malaman ng kanilang ama. Sa ngayon ay iintindihin niya muna ang aksyon nito. Alam naman niya na nagdaramdam pa ito sa nasirang relasyon.

"Arghhh! Hindi ko matatanggap 'to! Imagine, may swerteng babaeng nakasama si Fafa Miguel kagabi!" halos maibato ni Sandy ang hawak na phone, samantalang si Nerissa naman ay sobra ang pagtitig sa pamilyar na babaeng nasa stolen photo na kuha ng isang fans na katula nito.

Hindi niya mabilang kung ilang beses siyang napalunok habang tinitingnan ang dalawa na halos mabaliw na sa galit.

'Sinasabi na nga ba, siguradong yari siya kapag may ibang fans na makakakita sa kanila ni Miguel!'

Kaya hindi na dapat pa magkrus ang landas nilang dalawa at hindi na sila mag usap pa. Paano nalang kapag nalaman ng mga ito na nakatulog pa siya sa bahay ng mayabang at hambog na lalaking 'yon?

Baka maging katapusan na niya!

Hindi lamang sina Nerissa at Sandy ang nababaliw, maging ang mga estudiyante sa kanilang cafeteria, mapa-baba, o man binabae ay halos magwala sa galit. Hindi matanggap ng mga ito na may tinatagong 'babae' kuno ang iniidolo nila.

"Kapag nalaman ko talaga kung sino ang babaeng 'yon, tatanggalin ko ang buhok niya! Sa akin lang si Fafa Miguel! Sa atin lang na mga fans niya!"

Muntik na niyang makagat ang dila ng marinig ang galit at malakas na sigaw ni Dindo, o mas kilalang Dindin; fourth year criminology student. Isa itong gay na ubod ng laki ang katawan, kinatatakutan ng lahat dahil kapag sinasabi nito ay ginagawa nito. Hindi na rin mabilang kung ilang lalaki, o babae na rin ang nalagas ang buhok at nalatayan ang katawan rito. Sa lapad at laki ng katawan ba naman nito ay talagang malalamog ka.

"Gail, ang putla mo. may sakit ka ba?"

Pilit siyang ngumiti, pero nagmukhang ngiwi iyon dahil sa kaba. "A-Ayos lang ako, Nerissa. Mabuti pa tigilan mo na ang katitingin sa stolen photo na 'yan, hindi mo rin naman makikilala ang babaeng iyan dahil madilim."

"Anong hindi? Madali lang namin malalaman kung sino 'to dahil pulis ang kuya ko." pagmamalaki ni Sandy. "Itatanong ko sa kanya kung sino-sino ba ang mga babaeng nagpunta do'n ng gabing 'yon. Saka pwede ko rin ipa-check ang CCTV sa buong lugar... sasabihin ko kunwari na may nambastos sa akin don para mas mabilis umaksyon ang kapatid ko, teka ayos ka lang ba?" nag aalalang tanong nito ng mabilaukan siya.

Namumutla ng husto ang mukha niya. Nang makita niya na napatingin sa pwesto niya ang grupo nila Dindin ay napatayo na siya. Pakiramdam niya, anumang sandali ay masusuka siya dahil sa niyerbiyos.

"S-Sandali, sumama ang pakiramdam ko... r-restroom lang ako," agad siyang tumayo at iniwan ang dalawa. Panay ang buga niya ng hangin ng makapasok sa cubicle. Pinagpapawisan ang buo niyang katawan sa sobra.

"Sigurado ka ba na nag aaral dito ang kinababaliwan ng pamangkin ko? Kung gano'n ay hanapin niyo siya. Gusto kong makilala siya bago matapos ang araw na 'to!" utos ng boses babae. "Hay naku naman talaga ang batang 'yon! Masyadong malihim! Kung sinabi niya agad sa akin na may nagugustuhan na siya, hindi ko na sana siya pinipilit na makipag-blind date sa iba!" palatak nito.

"Excuse me po, makikiraan po." magalang na paalam niya sa babaeng may edad na. Paano ay nakapamewang ito sa mismong tapat ng pintuan.

Napalunok siya ng yumuko ito. 'My god!' inalis nga niya ang bulto ni Dindin sa isip niya, pumalit naman ang babaeng ito. Halos magkasing katawan ito at si Dindin, mas matangkad lang ito dahil si Dindin ay nasa 5'6 lang ang taas. Itong babae sigurado siya na nasa 5'9. Mukhang nasa late 50's din ito.

"Oh, I'm sorry, baby girl." agad itong gumilid. Naiilang man ay ginantihan niya ang magandang ngiti nito. Mukhang friendly naman kasi ang matanda. "Ano, nahanap niyo ba?!"

Napatalon siya sa gulat. Hindi lang malaki ang katawan ng matanda, maging ang boses nito ay nakakatakot! Halos takbuhin niya ang daan palayo, rinig niya ang pagsagot ng mga lalaki rito ng "Hindi po, Ma'am"

Bakit halos lahat ng nakasalamuha niya ngayong linggo ay puro wirdo? Pati ang mga nangyari sa kanya ay gano'n din- natigil siya sa pag iisip ng makita ang malalaking hakbang ni Dindin palapit sa kanya, nagbubukas-sara pa ang ilong nito na animo ay galit.

'Nalaman kaya nito na siya ang babaeng kasama ni Miguel kagabi sa daan?'

Napapikit siya; mukhang sa kauna-unahang pagkakataon ay makakatikim na siya ng suntok.

"Hello, Gail. Birthday ko next week, invited kayo nila Nerissa, punta kayo ha!"

Dumilat siya. "H-hindi mo ako sasapak... A-Ah, sige... salamat sa pag-imbita." Mabilis na tinalikuran niya ito matapos matanggap ang invitation card at magpaalam.

My god! Dahil sa artistang 'yon ay nanganganib ang kapayapaan ng mundo niya! Bakit kasi sa dinami-dami ng pwedeng makilala ay ito pa?

May humintong kulay pulang kotse sa tapat ng gate ng kanilang unibersidad. Bumukas ang bintana nito at nakangiting sumungaw ang driver nito. Gano'n na lamang ang panlalaki ng kanyang mata ng makilalang si Miguel ito.

Kumaway pa ito sa kanya!

Umatras siya... batid niyang sa kanya ito nakatingin at kumaway. Malakas ang kutob niya na lalapitan siya nito— at kapag nangyari iyon ay tiyak na katapusan na ng tahimik niyang mundo!

Oo, wala naman sila at hindi naman sila magkakilala talaga. Pero hindi maniniwala ang mga baliw na fans nito! Tiyak siya sa bagay na 'yon!

"Si Fafa Miguel nasa labas daw ng gate, kyaaahhhhhh!!!" Rinig niya na tili ng mga kababaihan.

Mabuti na lamang talaga ay pinili niyang tumakbo, kundi ay baka madumog siya kasama nito.

"Miss Gail!"

Napaawang ang labi niya ng makita ang matandang tauhan ni Miguel, ito ang nakilala niya sa bahay nito.

"Bakit po?" tanong niya, kahit na may hinala na siya.

"Gusto ka daw makausap ni Sir Migs." Kumamot ito sa ulo. "Pagbigyan mo na siya, Miss Gail, hindi rin naman titigil si Sir— sandali, Miss Gail!!!"

"Pasensya na, manong, pero ayoko po!" hindi niya itataya ang katahimikan ng buhay niya dahil sa lalaking 'yon! Wala siyang pakialam kung sikat man na artista man ito, o hindi. Rinig niya ang paulit-ulit na pagtawag sa kanya ng matanda habang siya ay papalayo.

"Miss Gail!"

SEENMORE

MARAMING salamat sa mga nagmahal sa TRAPPED SERIES ko🫶‼️ Salamat sa GEMS mga ka-seeni!!!

| 2
Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Elleboj
ano to, runaway lagi ang peg ni gail dahil kay migs... grabe din pala kung tamaan ang isang miguel... nakakaloka... thanks miss a!
goodnovel comment avatar
Marz Santonia
habulan na to hahaha...ayyy tinamaan n c baby Miguel qo..thank u po
goodnovel comment avatar
Chew Tsai
ty sa ud miss a
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status