[Gail]
"Are you okay, Gail?" May pag aalalang tanong ni Nerissa. "Huh?" Wala sa sariling sambit niya. Narito sila ngayon ng kaibigan sa isang coffe sho habang hinihintay pa ang ibang kasama ni Nerissa sa fans club. "Alam mo no'ng isang araw ko pang napapansin na wala ka sa sarili. Tell me, may problema ba sa bahay ninyo? Napagalitan ka ba ng daddy mo? O nag away kayo ng ate Zera mo?" Umiling siya sa kaibigan. "Yung tungkol lang sa design ko ang iniisip ko, wala ng iba." Pagsisinungaling niya. Dalawang araw na niyang napapanaginipan ang lalaking nakita niya sa mall. Sa panaginip niya ay sinasakal siya nito. Kaya heto, hindi siya makatulog ng maayos dahil sa takot. "Ano 'to?" Kunot-noo niyang tanong kay Nerissa ng ihagis nito sa kanya ang may kalakihang paper bag. "Sa sabado ang mga iyan ang isuot ng lahat ng dadalo sa mall tour ni Miguel." Nagsimula na naman itong magtatalon dahil sa kilig. "Oh my god! Hindi na ako makapaghintay na makita uli siya!" Napangiwi nalang siya habang pinapanood ito na parang batang tuwang-tuwa habang tumatalon-talon pa. Ganito ba talaga ang epekto ng mga artista sa kanilang fans? Seventeen palang naman siya. Pero bakit pakiramdam niya ay napakatanda na niya? Hindi man lang kasi niya naranasan na magkaro'n ng isang crush, o lalaking nagugustuhan. Tapos pati sa mga artista, o mga kanta man ay wala siyang alam. Sobrang tutok ang isip niya sa pinangako nila ng kanyang Ate Zera para sa kanilang ama, kaya naman wala na siyang oras para sa ibang bagay. "Nerissaaaa!!!" "Sandyyyyy!!!" Napatakip siya ng tenga. Sa sobrang lakas ng tili ng mga miyembro ng fans club, parang mababasag ang eardrum niya. Sa palagay niya ay nasa bente, o higit pa ang edad ng iba, ang iba naman ay mukhang mas matanda pa. Hindi niya mapigilan ang mapangiwi ng mapansin ang suot ng mga ito. Green tube na hindi aabot sa pusod ang haba, tapos short-shorts na napakaikli, isang maling galaw ay makikita ang perlas ng silangan. At isa pang agaw pansin, ay ang suot ng mga ito na headband banner na mayro'ng nakasulat na, 'Miguel, anakan mo ako' Halos maglabasan ang kapeng iniinom niya sa ilong ng masamid siya. Who made this shít? Mukhang wala na sa katinuan ang gumawa nito. Wala siyang maintindihan sa pinag uusapan ng mga kausap ni Nerissa, hindi rin siya makasabay dahil wala naman siyang alam sa ganitong bagay— o tungkol sa sinumang artista. Saka sikat ba talaga ang Miguel na 'yon? "Welcome to the club, Gail! Nakakatuwa dahil nadagdagan na naman ang pipila para mapansin ni Fafa Miguel!!!" Sabi ng isang miyembro ng fans club na si Kaitlyn. "Marami akong binibentang mga pictures ni Fafa. Kung gusto mo mayro'n din akong limited edition na pinag inuman niya ng tubig ihhh!!!" Sabay tili nito. Nalukot ang mukha niya. Really? Pati pinag inuman ng tubig ng lalaking 'yon ay binibenta? Gano'n kabaliw ang mga babaeng ito sa lalaking 'yon? "No, thanks." Tanggi niya. "Ang totoo, hindi niya ako fan, hindi ko nga kilala ang—" sinamaan siya ng tingin ni Nerissa kaya napangiwi siya at nanahimik nalang. My god! Paano ba siya napunta sa sitwasyon na 'to? Ang usapan ay ipapaalam lang niya ang kaibigan. Pero ngayon ay kailangan pa niya itong samahan. Bilin iyon ng mommy ni Nerissa, kapag walang pictures together with her friend ay hindi na ito muling makakalabas pa. And that's the reason why she needs to hangout with this people. Kailangan niyang makisama hanggang hindi pa natatapos ang mal tour ng Miguel na 'yon. Natapos din ang 'walang kwentang meeting' ng mga ito patungkol sa iniidolo. Pati ba naman paggalaw ng kamay at pagtili kaylangan sabay-sabay? Bawal magtulakan para makalapit kay Miguel... at ang nakakabigla pa. Hindi pwedeng hawalan ang lalaki! "My god, anong klaseng rule iyan ng artistang 'yon?" Umiiling na wika niya habang nasa loob ng cubicle sa isang public restroom rito sa fast food chain. Ang haba ng pila sa restroom ng cofe shop kaya dito na siya nagbanyo. Ihing-ihi na siya at hindi na makakatagal pa. Artista na bawal hawakan? Bawal kamayan? Bawal yakapin? Anong klaseng artista, o public figure 'yon? Akmang itataas na niya ang suot na panty ng biglang bumukas ng malakas ang pinto, nasira pa ang lock nito dahil sa lakas ng pagkakasipa ng lalaking nakasuot ng sumbrero at mask sa mukha. "Pervert—" natigil siya sa akmang pagsigaw ng takpan ng malaking kamay ang kanyang bibig. Namumutla na siya, kung ano-ano na ang pumapasok sa isip niya. Sa diin ng pagkakatakip ng lalaki sa kanyang bibig ay halos hindi siya makahinga. Ni hindi niya magawang tumingala dahil sa takot. Nanginginig ang kamay niya habang hawak ang magkabilang gilid ng garter ng suot niyang underwear. 'Oh my god!' Tili ng kanyang isip ng maalala na nakababa ang underwear niya. Mabuti nalang nakababa ang mahaba niyang palda, kung hindi ay makikita ang tinatago niya! "Miggy, baby! Ilang beses ko bang sasabihin sayo na huwag mo akong ipapahiya?!" Umalingawngaw sa loob ng restroom ang boses ng isang matandang babae. "Ma'am, mukhang wala siya rito," boses iyon ng isang matandang lalaki. Tumingala siya. Pamilyar ang mata ng lalaki. Parang nakita na niya ito noon. Nakahinga ng maluwag ang lalaking nakahawak ang kamay sa bibig niya. Pero imbis bitiwan siya ay napansin niyang nakatingin lang ito sa kanya. Nanlaki ang mata niya ng yumuko ito— hindi lang basta yumuko, sobrang lapit ng mukha nito sa puson niya. Damang-dama niya ang pagdampi ng kamay nito sa kanyang balat. "P-P-Pervert!!!" Malakas niyang sigaw ng maramdaman na ito na ang nagtaas ng underwear niya. Imbis mataranta ito sa kanyang pagsigaw ay narinig niya ang mahina nitong pagtawa, parang natutuwa pa sa kanyang pagkataranta at takot. Dahil sa panginginig ng kanyang katawan sa takot ay hindi niya magawang habulin ito at humingi agad ng tulong... naiwan siyang tulala at shock sa nangyari. Hindi pa nangyari na hindi siya nakinig sa mga lessons sa buong buhay niya. Pero ngayon, heto siya at lutang... naiiyak sa nangyari kahapon. Hanggang ngayon ay dama niya ang mainit nitong kamay na dumampi sa gilid ng balakang niya. 'Walang hiyang lalaki 'yon!' "Bakit ba hindi kayo naniniwala sa akin, Sir? I swear, may lalaking pumasok sa ladies restroom at... at tinulungan niya akong magsuot ng underwear ko!" Namumula ang pisngi na ulit niya. Kanina pa siya narito sa istasyon ng pulisya, nagsusumbong, at binibigay lahat ng detalye na kanyang natandaan. Pero imbis na tulungan ay ginigiit ng mga ito na walang pumasok sa restroom na iyon. "Miss, baka nobyo mo lang ang kasama mo do'n. Naku, miss... kung ako sayo ay mag aral ka nalang muna ng mabuti. Masyado ka pang bata para makipagnobyo!" Kumuyom ang kanyang kamao. Mukha ba siyang nagsisinungaling? "Kung gusto ninyo ay pwede ninyong i-check ang CCTV sa lugar, Sir. Saka ninyo sabihin sa akin 'yan kapag napanood niyo na ang footage ro'n... I'm not lying, I am telling the truth!" Giit niya. "Sir!" Agad na nagsi-saludo ang mga ito ng biglang dumating ang isang gwapong pulis na mayro'ng kulay asul na mata. "Check the CCTV you moron! Paano ninyo mapapatunayan na nagsasabi ng totoo ang batang iyan kung wala kayong gagawin?!" Malakas na bulyaw ng lalaki sa mga pulis na kasamahan. "Bumalik ka bukas, bata. Tatawagan ka nalang kapag na-confirm na ang sumbong mo." Sabi ng lalaki sa kanya. Kung kasama niya si Nerissa ngayon, sigurado na nagtatalon ito sa kilig. Sobrang gwapo ng pulis na kaharap niya ngayon... parang prinsepe sa kagwapuhan. Maihahambing sa lalaking nakita niya sa Z-mall. Napabuntong hininga siya. Akala niya wala nang makikinig sa kanya pero mayro'n pa pala. May inis na tiningnan niya ang mga naunang pulis na sinumbungan niya ng reklamo. Inuna pa ang pangaral at haka-haka kaysa ang umaksyon. "Si Ate Zera po? Si dad?" Tanong niya agad ng makauwi. "Wala pa ho si Ma'am Zera, ang daddy niyo naman ay umuwi na kanina. Pero nagkaro'n siya ng urgent meeting sa China. Hindi ba siya tumawag sa'yo, Ma'am Abigail?" Nagmamadali siyang umakyat sa kwarto para magcharge ng cellphone. Tama nga siya ng hinala, maraming text messages ang kanyang ama. Pagkatapos magpadala ng message na nakauwi na siya ay agad siyang naligo— hindi lang isang beses, kundi apat na beses pa. Maisip palang niya ang paghawak sa kanya ng lalaking 'yon ay nangingilabot na siya. Kailangan na mahuli ang lalaking iyon bago pa makabiktima ng iba. Mabuti nalang at hanggang gano'n lang ang ginawa sa kanya... paano kung higit pa? Nakadama na naman siya ng kilabot. 'Di bale, mahuhuli din naman ang lalaking 'yon. Iyon ang akala niya. "Po? Ano ang ibig ninyong sabihin na walang nakita sa CCTV footage? That's impossible!" Aniya na hindi maipinta ang mukha. "Eh 'yon ang sinabi ni Sir Alejo... nagkakamali ka lang daw, Miss. Teka, nari'yan na pala si Sir Alejo... bakit hindi mo siya tanungin para maniwala ka na iyan ang sinabi niya." Wika ng pulis sabay turo sa lalaking may kulay asul ang mata na kadarating lang. Sumaludo ang lahat ng naroon. Mukhang mataas ang posisyon ng lalaking ito dahil ginagalang ito ng lahat. Nang mapatingin sa kanya ang lalaking may asul ang mata ay napailing ito. "Sir, tungkol sa sinasabi kong lalaki na—" "Oh, that fvcker?" Putol ng lalaki sa kanya. Umiling-iling pa ito na animo'y nagpipigil ng ngisi. "Just imagine that he is a mosquito, a mosquito that surely come back for you from now on..." Errr... ano daw? Sinasabi ba nito na isipin niya na insekto ang lalaking 'yon? "Sandali po!" Tawag niya sa lalaki, pero nakalayo na ito. Sobrang sama ng loob niya habang pauwi. Dapat siguro ay sinabi niya sa kanyang ama ang nangyari para may kasama siya na magsampa ng reklamo. Porke bata siya ay hindi siniseryoso. Umiling-iling siya. Hindi pwede! Sigurado na kapag sinabi niya ang tungkol sa bagay na ito ay baka umuwi agad ito. Inis na tiningnan niya ang Police station kung saan siya nanggaling. "Akala ko pa naman matino ang lalaking 'yon, pero mukhang mali ako dahil katulad din siya ng ibang pulis." Niyakap niya ang sarili ng makaramdam ng kilabot. Pakiramdam niya ay mayro'ng nakasunod ng tingin sa kanya. Paano kung nasa paligid lang ito? At dahil nalaman nito na nagreport siya ay tambangan siya at i-salvage? "Oh my god," pinilig niya ang ulo. "Kasalanan 'to ng lalaking iyon. Kung ano-ano na tuloy ang iniisip ko." Aniya bago nagmamadaling pumara ng taxi. HINDI pa niya mapigilan ang mapanganga habang nakatingin sa laman ng paper bag na binigay sa kanya ni Nerissa noong nakaraan. "What the..." nanlalaki ang butas nang ilong na lumabas siya ng cubicle, pero agad din siyang itinulak ni Nerissa pabalik, na para bang alam nito na lalabas siya at magpo-protesta. "Nerissa, hindi ko kayang magsuot ng ganito!" Maisip palang niya ang sarili na suot ang tube green na ito at maikling short-shorts ay napapangiwi na siya. "Gail, naman. Look at me, at us," iminuwestra nito ang suot at ng iba pa na nakabihis na rin. "We looked so beautiful and sexy. Ito ang tamang outfit para i-cheer si Fafa Miguel!" Ani nito sabay tili, na sinundan ng tilian ng lahat na nakapagpabingi sa kanya. "N-no way..." pati headband banner isusuot niya?! Di bale nalang— "Please, Gail... I'm begging you... minsan lang naman ako humingi sayo ng pabor kagaya nito. Gusto lang naman kitang makasama dahil palagi ka nalang busy sa pagdedesign. You have no time for me, your best of friends." Napangiwi siya. Best of friends? Eh nag iisa lang naman niya itong kaibigan. Napabuntong hininga nalang siya. "Ano pa nga ba ang magagawa ko?" Napatili si Nerissa sa narinig, at katulad kanina, nagsitili rin ang mga kasama nito sa fans club. Ano 'yon, rules? Kapag titili o tatawa si Nerissa ay kailangan gumaya ang mga ito? Mas lalo lamang nadagdagan ang kanyang inis ng masuot ang green tube. Dahil dito ay mas lalong nahalata ang flat niyang dibdib. Sabi ng Ate Zera niya ay baka late bloomer lang siya at lalabas ang dibdib kapag tumungtong ng bente. Pero hindi siya naniniwala. Lahat ng kaklase nila ay mayro'ng dibdib maliban sa kanya. Mabuti nalang at bumawi ang balakang niya sa laki. Panay ang hila niya sa suot na short-shorts nang lumabas siya. Napaiksi, hindi siya kumportable. Samantala, napaawang naman ang labi ng lahat ng lumabas siya, napapalakpak pa si Nerissa. "Oh my god, Gail! You looked so perfect!" Tili nito na sinang ayunan ng iba. Mas sanay siyang magsuot ng jeans at mahabang palda, na hindi naman pang-manang ang dating. She just wanted to hide her legs. Hindi niya kasi gusto ang pinagtitinginan ng iba, especially ng mga lalaki. At sa pang-itaas naman, she always chose a simple crew neck shirt para hindi takaw pansin sa mga kalalakihan. Pinasadahan siya ng tingin ni Sandy, ang leader ng fans club nila Nerissa. Mayamaya ay lumapit ito sa kanya at tinali ang kanyang buhok pataas, at saka ipinatong ang headband banner sa kanyang ulo. "Now it's perfect!" Papuri nito sabay tili kasabay si Nerissa. Mall tour lang naman ang pinuntahan nila— pero sa dami ng tao ay daig pa nila ang umattend ng concert. Mabuti nalang at napakalaking mall nitong Z-mall, kung hindi ay tiyak na hindi magkakasya ang lahat ng narito. Napa-ohh ang lahat ng biglang mamatay ang mga ilaw. Napatakip siya ng tenga ng sabay-sabay na nagsitili ang lahat. Sigurado na mabibingi siya kapag nagtagal pa siya sa lugar na 'to. "Si Reysa Augustin oh my god!" May kumantang babae sa stage. Mukhang mamaya pa lalabas ang inaabangan ng lahat. Kinuha niya ang cellphone sa bulsa ng maramdaman ang pag-vibrate nito. Baka ang daddy niya ito. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa ito umuuwi. Dahil abala naman si Nerissa sa panonood ay pasimple siyang umalis. Dahil madilim ay ilang beses pa siyang bumangga. Nainis pa ang iba sa kanya at namura pa siya. "Hello, dad?!" "Where are you, Abigail? I can hear the noise from there?" "I'm here at Z-mall, dad. Kasama ko si Nerissa. We are having fun right now— dad?!" Natampal niya ang noo ng makitang na-drain na naman ang phone niya. Kung kailan naman nag uusap sila ng ama. Napa-ouch siya ng pagpihit niya paharap ay tumama ang mukha niya sa matigas na bagay. "So, there you are, my sweet little angel." Haplos ang noong tumingala siya sa boses na pamilyar sa kanya. Hindi man niya makita ang mukha nito... bakit pakiramdam niya at nakatingin ito sa kanya? "Excuse me, mister. You're blocking my way–" Nanlaki ang kanyang mata ng maramdaman ang pagdampi ng mainit at malambot na bagay sa labi niya. 'Ano ang ito—' natigil siya sa pag iisip ng may mahabang bagay na pilit itong pinapasok sa kanyang bibig. Gano' na lamang ang panlalaki ng kanyang mata ng marealized kung ano ito. Pilit ipinapasok ng estranghero ang dilà sa loob ng kanyang bibig! Pinagsusuntok niya ang dibdib ng lalaki— but to her dismay, hindi man lang ito natinag. Para na siyang mamamataý anumang sandali sa kakapusan ng hangin. "H-huh!" Malakas na singhap ang kumawala sa labi niya ng pakawalan siya nito. "Damn... do you know how delicious your lip is?" Tanong ng lalaki sa malalim at paos na boses. Mabilis na umatras siya ng maramdaman ang paglapit nito. "Manyak! Tulong!" Malakas niyang sigaw. Nanginginig na siya sa takot, at umiiyak, pero nilamon lamang ng tilian at sigawan ang kanyang boses. Dahil sa takot ay hindi nag iisip na binato niya ang cellphone sa kanyang harapan, mukhang tinamaan naman ito dahil narinig niya ang pagmumura nito. "Damn!" Mabilis na tumakbo siya at hindi na lumingon. Wala siyang pakialam maski sino pa ang mabangga niya. Isa lang ang gusto niya sa mga sandaling ito— at iyon ay makalayo sa lalaking bumast0s sa kanya![Gail] Panay ang iyak niya habang hawak ang labi, nanginginig pa ang katawan niya sa sobrang takot. Mabuti nalang at hindi na siya sinundan pa ng lalaki. Yakap niya ang sarili habang nakatanaw sa Z-mall. Narito siya ngayon sa labas at wala sa sariling nakatanaw sa gusali. Ayaw niyang pumasok. Natatakot siya na baka naro'n pa ang lalaki at binabantayan siya. Gusto na niyang umuwi. Pero nasa kaibigan niya ang bag, wala siyang pera pamasahe. Tumingala siya ng biglang bumuhos ang ulan. "Shit naman talaga!" Nagmamadali siyang tumakbo para humanap ng masisilungan. Pero sadyanh malas niya ngayong araw dahil wala siyang nahanap. Sobrang lakas ng ulan, sinabayan pa iyon ng malakas na kulog. Dahil kakarampot na tela lang ang kanyang suot ay mabilis na nanuot ang lamig sa kanyang katawan. Ito ba ang tinatawag nilang kamalasan? My god! Simula nang magpunta siya sa Z-mall na ito ay minalas na siya ng husto. Nabastos na siya sa public restroom, pati ba naman rito? Napapitlag siya ng bum
[Gail] "Abigail!" Humawak siya sa ulo. Pakiramdam niya mas lalo itong sumakit dahil sa matinis na boses ni Nerissa. "Paano mo nagawa sa akin 'to, Gail? Iniwan mo na nga ako kagabi, hindi ka pa nagreply at sumagot sa mga text messages ko. Alam mo ba kung gaano ako nag alala?" Naiiyak na yumakap ito sa kanya. Pero agad din napahiwalay ng may maalala. "Siya nga pala, ang sabi ni Ate Zera hindi ka umuwi. Alam mo ba na sinabi ko nalang na kasama kita kagabi para pagtakpan ka at hindi siya mag alala," Nagdududa siya nitong tiningnan. "Don't tell me... nakipagkita ka sa boyfriend mo ng hindi ko alam?" Nanlalaki ang matang tanong nito. Inikutan niya ito ng mata. "You know I don't have one, Nerissa." Mabuti nalang pala at nakapag alibi ito sa kapatid niya, kung hindi ay baka malagot siya sa ate niya, tiyak din na mapapagalitan siya ng daddy nila. "Alam ko, pero paano kung mayro'n pala." May ngiting tumingin ito sa bandang leeg niya. "Aminin mo nga, sino siya? Ikaw ha, magbestfriend tayo
[Gail] "Ano? You mean, okay lang si Santi? Pero sigurado ako na..." hindi makapaniwalang tiningnan niya ang pulis na kaharap. Sigurado siya sa nakita niya, binubugbog ito! "Miss, naman! Bakit ang kulit mo? Kagagaling lang namin do'n pero ang sabi ng magulang niya ay nasa bakasyon ang anak nila. Hindi siya nasaktan o nabugbog kagaya ng sinabi mo." Hindi na niya pinilit sa pulis ang tungkol sa nakita dahil katulad no'ng una, sa tingin niya ay hindi na naman ito maniniwala. "That's good, fvcker. Huwag ninyong lumpuhin, ako ang lulumpo sa lalaking 'yan—" Mabilis na lumihis siya ng daan ng makita si Miguel na may kausap sa cellphone. This jerk! Sinabi na niya kanina na hindi siya sasakay rito kailanman. Eh ano ang ginagawa nito sa labas ng Police station? Akala niya ay umalis na ito, pero narito pa rin pala ito. Naghihintay ba ito sa kanya? Saka may lulumpuhin ito? Tama nga ang hinala niya. Isa itong bayolenteng tao sa kabila ng mala-anghel nitong mukha. Kaya hindi dapat humuhusga ay
[Gail] Hindi niya mabilang kung ilang beses siyang bumuga ng hangin habang nakatingin sa blankong sketchpad niya. Wala siyang maisip na design ngayong gabi dahil ang isip niya ay ukupado ng lalaking 'yon. "Ano kaya ang kailangan sa akin ng lalaking 'yon?" mabuti nalang talaga at may baon siyang jacket, kung wala ay hindi siya makakalabas ng hindi napapansin ng binata at matandang inutusan nito. Hindi kaya dahil ito sa damit at sapatos na binigay nito sa kanya? Gusto nitong singilin sa kanya ang ginastos? Mahina niyang napukpok ang ulo. "Ahh, mukhang iyon nga ang dahilan." di bale, kapag nagkita sila ay magbabayad siya. Kinabukasan ay nagpunta sila ng Z-mall nila Nerissa at Sandy. Sabay na wala silang mga pasok kaya nakaalis sila ng magkakasama. Gustuhin man niya na magkulong sa kwarto at mag aral ay kailangan naman niyang bumili ng bagong phone. Nagkatinginan sina Sandy at Nerissa ng makita ang pagyakap niya sa sarili. Bigla kasi niyang naalala ang dahilan kung bakit naw
[Gail] Hindi na naging normal ang mga sumunod na araw niya dahil kay Miguel. Pakiramdam niya ay nasa paligid lang ito at sinusundan siya. Mas lalong umingay ang usap-usapan na may nobya na ang binata at ang pinag iinitan ng fans ay ang babaeng nakita umano na kasama nito malapit sa Police Station— na walang iba kundi siya. “Nakakaasar si Kuya! Bigla nalang niyang sinabi sa akin na nawawala ‘yung kuha ng CCTV footage that day. Hindi tuloy natin malaman kung sino ang babaeng kasama ni Fafa Miguel! Nakakainis! Pakiramdam ko hindi lang niya gustong ibigay sa akin, e!” maktol ni Sandy. Nakahinga siya ng maluwag sa narinig. “Mabuti naman kung gano’n.” Umirap si Nerissa. “Anong mabuti ro’n? Hello, dahil do’n hindi natin makikilala ang babaeng ‘yon. Sayang! Akala ko pa naman ay makikila na natin siya.” “G-Ganyan ba kayo ka obsess na malaman kung sino ang babaeng ‘yon? Saka paano kung nagkataon lang na magkasama sila? E, di nagbintang kayo sa maling tao. Saka wag ninyo akong idamay
[Gail] ‘Liligawan kita.’ Kanina pa siya hindi mapakali habang hawak-hawak. That jerk! After he kissed her, bigla na lamang sasabihin ‘yon! Nababaliw na ba ito? She is only seventeen years old! Is he a pedophile? Gawain ba nito ang pumatol sa batang katulad niya? He is twenty-five years old for heaven sake! Hindi ba ito kinikilabutan sa ginagawa? Naluluha na humiga siya. Naghahalo ang galit at takot niya sa lalaki. Pero wala siyang magawa para ireklamo ito. Kung gagawin niya ‘yon ay sigurado na maaabala ang daddy niya. Saka sigurado siya na siya pa ang masisisi ng mga fans ng lalaki. Sigurado na lalabas na inakit, o nilandi niya ito. Knowing them, they’re a bunch of crazy women! Siya pa at ang pamilya nila ang magiging usap-usapan. “What should I do?” Hindi lamang ang first kiss niya ang kinuha nito, maging ang second kiss niya. What if he will do something stupid and worse next time? Niyakap niya ang katawan. Bigla siyang kinilabutan sa naisip. Hindi malabong gawin iyon n
[Gail] ‘Dapat alam mo kung kanino ka lang.’ Hindi siya makatulog kakaisip sa sinabi ni Miguel. Dapat na magalit siya, mainis dahil higit pa sa halik ang ginawa nito— pero bakit ganito? Wala siyang makapang galit at inis? Kanina pa siya nakatingin sa blankog sketchpad na nasa harapan. She can’t draw any designs, unlike before. Hindi naman siya naaapektuhan ng basta sa ibang bagay. Pero ngayon ay hindi siya makapag-focus, walang pumapasok sa isip niya kundi ang ginawa ni Miguel sa kanya. “My god. Why am I thinking those lewd things?” humawak siya sa leeg. Hanggang ngayon ay dama pa rin niya ang mainit na labi nitong nakadampi sa balat niya. Naririnig niya sa tenga niya ang bulong nito sa kanya. “Zera, Gail, I’ll be leaving for two weeks. Always turn on your phone. Huwag kayong magpapagabi ng uwi.” Bilin ng kanilang ama. Bumaling ito kay Zera. “Ano itong nababalitaan ko na madalas kang lasing, Zera? Graduating ka na next year. Balit hindi mo tutukan ang pag aaral mo kaysa unahi
[Gail] NAKIKINIG ang lahat sa pagtuturo ng kanilang proffesor— pero hindi siya. Suot ang facemask, hawak niya ang labi na namamaga. Kung hindi kumatok ang kasambahay nila ay saan kaya aabot ang kapangahasan ni Miguel sa katawan niya? Pumikit siya at saka nagpakawala ng hangin. Hanggang ngayon ay dama pa rin niya ang init at lambot ng labi ng binata. Pati ang amoy ng hininga nito na mint na may halong sigarilyo ay parang naiwan sa pang amoy niya. Argh! Ano ba ang nangyayari sa kanya? Hindi ba’t hindi niya gusto ang amoy na yun pero bakit ngayon ay hinahanap-hanap niya? “Sigurado ka ba, Gail? Wala bang nangba-blackmail sa’yo?” Paniniguro ni Darren ng sabihin niya na hindi na nila kailangan pang gawin ang napag usapan nila. Umiling siya sa tanong nito. “Well, sige kung iyan ang desisyon mo. But if you need anything, or my help just tell me, hmm?” Nakangiti siyang tumango. Thanks a lot, Darren.” hindi na tumagal pa ang pag uusap nila. May kailangan pa kasi itong asikasuhin. Mabu