Share

6. TRAPPED SERIES#5

[Gail]

Hindi niya mabilang kung ilang beses siyang bumuga ng hangin habang nakatingin sa blankong sketchpad niya. Wala siyang maisip na design ngayong gabi dahil ang isip niya ay ukupado ng lalaking 'yon.

"Ano kaya ang kailangan sa akin ng lalaking 'yon?" mabuti nalang talaga at may baon siyang jacket, kung wala ay hindi siya makakalabas ng hindi napapansin ng binata at matandang inutusan nito.

Hindi kaya dahil ito sa damit at sapatos na binigay nito sa kanya? Gusto nitong singilin sa kanya ang ginastos?

Mahina niyang napukpok ang ulo. "Ahh, mukhang iyon nga ang dahilan." di bale, kapag nagkita sila ay magbabayad siya.

Kinabukasan ay nagpunta sila ng Z-mall nila Nerissa at Sandy. Sabay na wala silang mga pasok kaya nakaalis sila ng magkakasama. Gustuhin man niya na magkulong sa kwarto at mag aral ay kailangan naman niyang bumili ng bagong phone.

Nagkatinginan sina Sandy at Nerissa ng makita ang pagyakap niya sa sarili. Bigla kasi niyang naalala ang dahilan kung bakit nawala ang phone niya.

"Gail, oh my god, look at this!" tili ni Nerissa ng makita ang isang kulay purple na relo, hindi lang siya ang napa-wow, maging si Sandy. "I love it! Let's buy this together, Gail, Sandy!"

Pagkatapos suotin ang bagong bili na relo ay nagselfie pa sila ng magkakasama habang nakataas ang mga kamay para ipakita ang bagong relo na suot.

"Arghh! Look at your face here, Gail. You looked like a robot here! Ngumiti ka naman kahit sa picture man lang!" reklamo nito.

"Nerissa is right, Gail. You should smile often, para naman lalong lumitaw ang ganda mo." segunda ni Sandy.

Maganda daw siya; iyon ang sinasabi ng karamihan sa kanya. Five flat lang ang taas niya sa edad na seventeen, malayo sa taas nila Sandy at Nerissa na nasa 5'4 agad kahit disi-otso palang. Mahaba ang kanyang kulay brown na buhok na aabot sa kanyang baiwang, maliit din ang hugis ng kanyang mukha na binagayan ng bilugan niyang mata na mayro'ng natural at makapag na kilay at maliit at matangos na ilong. Maputi at makinis din ang kanyang balat. At ang pinakananapansin ng lahat ay ang shape ng labi niya na may pagkakatulad daw kay Angelina Jolie, na pinakaayaw niya sa lahat.

Yes, she hates her wide-lips-shaped, idagdag pa na wala siyang dibdib.

"What? Bibili ka ng bagong phone? Hindi ba matagal na sayo ang phone na 'yon? You told me that you were not going to buy a new one because it's a waste of money and time."

Napalunok siya. Dahil bata palang sila ay magkaibigan na sila ay kilala siya ni Nerissa. Nagloloko na ang speaker ng phone niya, but she refuse to buy a new one; and Nerissa knew why.

"I dropped it somewhere, so I need to buy a new phone. Hindi naman pwede na palagi nalang akong nakikitawag at nakikitext sayo kapag may pasok tayo." dahilan niya. Hindi rin niya mahingi sa Ate Zera niya ang mga old phone nito dahil hindi nga siya nito pinapansin at parang may galit ito sa kanya ngayon.

Dahil may bibilhin ang dalawa sa ibang store ay naghiwalay muna sila, magkikita-kita nalang sila mamaya before lunch sa isang restaurant sa ibaba ng Z-mall. Nang makapili at agad niya itong binayaran at inilagay ang bagong sim card na binili niya.

Napahinto siya sa pagkalikot ng bagong phone ng bigla nalang may umagaw sa phone niya. "Hey—

"Chill. I just put my phone number here,"

Napaawang ang labi niya makilala ito. Walang iba kundi si Miguel!

"Kyaaahhhh!" tili ng mga kababaihan sa paligid.

Mabilis na inagaw niya ang phone niya sa kamay nito pagkatapos dumukot ng lilibuhing papel sa wallet at saka isinuksok sa bulsa ng suot nitong jacket. "Here, iyan ang bayad ko sa nagastos mo no'ng nakaraan. Now we are quits." akmang tatalikod na siya ng may makalimutan sabihin. "And please, kapag nagkita tayo ulit magpanggap ka na hindi ako kilala... ayokong masabunutan ng mga fans mo!" aniya bago tumakbo palayo sa binata. Mahirap na at baka makita pa siya nila Nerissa at Sandy na kasama ito.

"Gail!!!"

Napatakip siya ng tenga ng tawagin nito ng malakas ang pangalan niya na parang nananadya. Napatingala siya sa inis. "Walang hiyang lalaki 'yon! Gusto ba talaga niya na mapag initan ako ng mga fans niya? Arghh! That jerk!"

Napasinghap siya sa pagkabigla ng pagyuko niya ay nasa harapan na niya sina Nerissa at Sandy. "Woah! Kung makalakad ka naman parang may humahabol sayo!"

"H-Huh?" namutla siya sa sinabi ni Sandy.

"Gail!"

Napapikit siya... rinig niya ang malakas na tawag ni Miguel sa kanya.

"Wait, did you hear that?"

Bago pa makalingon si Nerissa ay kumapit na siya sa braso nito, maging kay Sandy. "Gutom na gutom na ako, guys... tara, kain na tayo," agad niyang niyakag ang dalawa palayo.

"Ang impaktong 'yon. Binayaran ko na siya, ano pa ba ang kailangan niya?" nakukulangan ba ito sa binayad niya?

Nagkatinginan sina Sandy at Nerissa ng makita na kanina pa siya bumubulong. Napansin ng dalawa na wala siya sa mood. Napahawak siya sa dibdib ng bigla nalang sabay na tumayo ang dalawa... nanlalaki pa ang mata ng dalawa habang nakanganga at nakahawak sa dibdib.

"F-Fafa M-Miguel!" kulang nalang ay mahimatay ang dalawa habang kumikinang ang matang nakatingin sa kanyang likuran.

Fafa Miguel daw! 'My god! Don't tell me nasa likuran ko ang lalaking 'yon?!'

Dahan-dahan siyang lumingon. Muntik nang maglabasan ang juice sa loob ng kanyang bibig ng makitang nakaupo si Miguel sa katapat nilang mesa. Kunwari ay nakatingin ito sa menu pero alam niyang para sa kanya ang ngising nakapaskil sa labi nito.

He also mouthed "Hi, Gail!"

This jerk! Mabuti nalang at hindi napansin iyon ng dalawa niyang kaibigan. Paano ay tulala lamang ang dalawa habang nakatitig sa gwapong binata. Lahat nang kababaihan sa buong restaurant ay nasa binata na ang atensyon, mapa-matanda man, o hindi.

Mabilis na tumayo siya at dinampot ang sling bag. "I have to go, guys! Tumawag si Ate Zera, ibili ko daw siya ng sanitary pads!" aniy sabay takbo nang makitang tumayo na si Miguel at palapit sa kanya.

Subukan lang talaga nitong isigaw ang pangalan niya! Ibabato talaga niya rito ang bagong bili niyang phone!

Ilang beses siyang napabuga ng hangin ng makalabas ng naturang restaurant. Akala niya, okay na dahil nakalabas na siya. Pero nakita niya si manong, ang tauhan ni Miguel na palinga-linga sa paligid. Alam niyang siya ang hinahanap nito.

"Ahhh! Nakakainis naman ang lalaking 'yon! Ano pa ba kasi ang kailangan niya?!" muli siyang kumuha ng cash sa wallet at lumapit sa matanda. "Manong, pakibigay ito sa amo mo. siguro naman sobra at sapat na 'yan. Please po, pakisabi na huwag na niya akong lapitan, hindi ko gustong mapaaway sa mga fans niya."

"Miss Gail—!"

Umalis na siya dahil nakita niya na palabas na si Miguel ng entrance. Nakapagtataka ang lalaking 'yon. Sikat na sikat ito, ayon sa na-search niya sa internet kagabi ay mayro'n itong offer kahit sa ibang bansa. Eh bakit parang hindi naman 'yon totoo? Bakit may oras ito para gumala at kumain sa hindi kilalang restaurant kagaya nito?

Pasakay na sana siya ng mapansin ang isang may edad na babae na patawid ng kalsada. Base sa paghawak nito sa ulo at pagpikit ay mukhang nahihilo ito. "Oh my god!" nanlaki ang kanyang mata ng makitang may parating na truck, at sakto ang tinutumbok nitong daan sa matanda.

Hindi niya alam kung paano siya nakatakbo ng mabilis palapit rito; siguro dahil sa sobrang pag aalala at takot na masagasaan ito ay nabura ang takot niya na baka mapahamak din siya katulad nito.

DALAWANG oras na siyang naghihintay na magising ang matandang hinila niya sa kalsada para hindi masagasaan kanina. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nagigising. Wala naman itong galos, o tama sa katawan.

"She is just drunk" Iyon ang sinabi ng doktor kanina na tumingin rito.

Napailing nalang siya habang sinisipat ang matandang babae. Hindi siya pwedeng magkamali, ito ang babaeng nakita niya sa unibersidad nila, 'yong babaeng malaki at nakakatakot ang boses.

"Ahh, ang sakit ng ulo ko!"

Napahawak siya sa dibdib sa gulat ng bigla itong umupo at magsalita. "M-Mabuti naman at gising na po kayo. Wala po kayong cellphone, o ID na dala kaya hindi ko matawagan ang family niyo po, kaya hinintay ko nalang na magising kayo."

Makakauwi na rin siya sa wakas.

Humawak ang matanda sa ulo, bahagya pa itong napapangiwi dahil sa sakit. Mukhang marami talaga itong nainumin.

Tumikhim siya. Mukhang hindi na rin naman sila magkikita kaya lulubus-lubusin na niya ang sasabihin niya.

"Alam niyo ho, hindi naman sa nangingialam ako, Ma'am. Dapat ay hindi ko kayo pagala-gala kapag nakainom kayo. Paano po kung nasagasaan kayo kanina? Hindi lang ang sarili mo ang malalagay mo sa alanganin, maging ang driver na makakabangga sa inyo. Maging responsable naman po tayo paminsan-minsan sa maliit na bagay. Sige po, aalis na po ako."

"Ano ang pangalan mo?"

Nanigas ang katawan niya sa takot ng sa isang iglap lang ay nakahawak na sa braso niya ang malaking kamay ng matanda.

"P-Po?" nagalit ba ito sa sinabi niya?

Napalunok siya.

The old lady looked at her with amusement in her eyes. "Don't Be afraid, hmm. Wala akong balak na saktan ka, hindi rin ako galit. I just want to show my gratitude to you."

"N-Naku, hindi na po—" wala siyang nagawa ng hilahin siya ng matanda at iupo sa upuang naro'n. "H-Hindi na po talaga kailangan, Ma'am.

"Anong hindi kailangan? You're too young to do such a thing in a dangerous situation. Kahit mapapahamak ka ay niligtas mo ako... and that's amazing!"

"'Ah... e-eh..." napangiwi siya ng hawakan ng matanda ang kamay niya.

"I know, it's my fault. I came from the party last night that's why I'm drunk. Sinundan ko kasi ang pamangkin ko ng hindi nag iisip kaya nakarating ako rito ng lasing. I can't blame you if you think I'm too immature for that. That's why I am saying thank you and sorry at the same time. I'm really sorry and thank you for saving me."

Mukhang hindi naman pala ito nakakatakot katulad ng inaakala niya.

"What's your name again?"

"Abigail po... Abigail Floresca."

Pinisil ng matanda ang kanyang kamay. "Thank you, Abigail. I owe you this one. Someday, if you need help, just tell me. By the way, I'm Michelle... Michelle La russo."

Mukhang hindi basta-basta na pangkaraniwan tao lang si Auntie Michelle. Dahil paglipas lamang ng ilang sandali ay napakaraming kalalakihan ang dumating at nilipat agad ito sa mas malaki at kilalang hospital.

Habang sakay ng taxi ay hindi niya maiwasan ang mapangiti. Kahit nakakatakot ang dating ng personality nito ay masasabi niya na mabuti itong tao. Humingi pa ito ng tawad sa truck na muntik ng makasagasa rito, ang naghatid sa kanila sa hospital.

Agad na nawala ang ngiti sa labi niya ng makita ang pamilyar na lalaking nakasandal sa gilid ng gate nila— walang iba kundi si Miguel! Naninigarilyo pa ito na parang walang pakialam kung may makakita rito!

"M-Manong, huwag mong ihihinto, i-idiretso mo lang po!" kandautal na utos niya habang nakayuko.

My god! Paano nalaman ng lalaking 'yon ang bahay nila? Saka ano ang ginagawa nito sa mismong tapat ng bahay nila? Is he thinking straight?! Paano kung makita ito ng mga reporters at fans sa labas ng kanilang bahay? Sigurado na guguluhin ng mga paparazi ang pamilya nila!

Nakagat niya bigla ang kuko. 'Paano niya rin ito ipapaliwanag sa kanyang ama?'

Dahil marahan lang ang takbo ng taxi na sinasakyan niya ay nakita niya kung paano ito tumingala at bumuga ng sigarilyo.

Ang pula ng labi nito sa mga photos magazines, pero sa personal ay hindi naman... Pero kahit gano'n ay masasabi niya na kakaiba ang angking dating at kagwapuhan ng binata... walang kapares.

Sayang at may nakatagong ugali nga lang.

Napapitlag siya ng tumunog ang cellphone niya. Kumunot ang noo niya ng mabasa ang pangalan sa screen.

Sino itong 'My Love' na nakasave sa phone niya?

"Hello—"

"Where are you?"

Nanlaki ang kanyang mata ng makilala ang boses ng lalaki. Si Miguel! Naalala niya na sinave nga pala ng lalaking 'yon ang number sa phone niya.

That jerk! Talagang naiinis na siya rito! ‘My Love ‘ pa talaga ang nilagay nito. Baliw ba ito?

“I said,where are you?”

“Bakit tinatanong mo? Saka… ano naman sayo kung nasaan ako?” Hindi naman niya ito ka-ano-ano kaya bakit kailangan nitong malaman?

Hindi ito nagsalita… rinig lang lamang niya ang mabigat nitong paghinga.

"Hello? Nawalan ng signal, hello?" pinutol niya ang tawag at agad na tinurn-off ang phone. Kung hindi pa nagsalita ang driver ng taxi ay hindi niya malalaman na malayo na pala sila. Sa bahay nalang siya nila Nerissa nagpahatid matapos magpaalam sa daddy at Ate Zera niya. Nagbilin din siya sa mga kasambahay na kapag may nagtanong kung nakatira siya ro'n ay itanggi, maski sikat pa ito na tao.

Mabuti na huwag muna siyang umuwi. Siguro naman ay aalis si Miguel ro'n at iisipin na mali ito ng bahay na napuntahan. "Arghh!!! Makatulog na nga lang!" Mabuti pa ay alisin niya ang lalaking ‘yon sa isip niya. Ang dapat niyang isipin ay kung paano malalaman kung bakit siya nito sinusundan.

SEENMORE

♥️🫶

| 1
Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Marz Santonia
huhuhu ...bat wla pa Po update
goodnovel comment avatar
Lei Zyl
update please miss A
goodnovel comment avatar
Kulot Mo Leysa
next ms A please mababaliw talaga ako sayo fafa mig
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status