Share

7. TRAPPED SERIES#5

[Gail]

Hindi na naging normal ang mga sumunod na araw niya dahil kay Miguel. Pakiramdam niya ay nasa paligid lang ito at sinusundan siya. Mas lalong umingay ang usap-usapan na may nobya na ang binata at ang pinag iinitan ng fans ay ang babaeng nakita umano na kasama nito malapit sa Police Station— na walang iba kundi siya.

“Nakakaasar si Kuya! Bigla nalang niyang sinabi sa akin na nawawala ‘yung kuha ng CCTV footage that day. Hindi tuloy natin malaman kung sino ang babaeng kasama ni Fafa Miguel! Nakakainis! Pakiramdam ko hindi lang niya gustong ibigay sa akin, e!” maktol ni Sandy.

Nakahinga siya ng maluwag sa narinig.

“Mabuti naman kung gano’n.”

Umirap si Nerissa. “Anong mabuti ro’n? Hello, dahil do’n hindi natin makikilala ang babaeng ‘yon. Sayang! Akala ko pa naman ay makikila na natin siya.”

“G-Ganyan ba kayo ka obsess na malaman kung sino ang babaeng ‘yon? Saka paano kung nagkataon lang na magkasama sila? E, di nagbintang kayo sa maling tao. Saka wag ninyo akong idamay sa inyo, no. wala naman akong pakialam kahit sino pa ang nobya ng lalaking ‘yon,”

Umingos si Sandy. Alam na kaso nito na hindi talaga siya fan ng iniidolo nito. “Gail, hindi mo kasi naiintindihan ang nararamdaman namin. Gusto namin, amin lang siya, kaming fans lang ang nababagay sa kanya at wala ng iba. We want him to be single forever. Kaya kung sino man ang babaeng aagaw sa amin kay Miguel, humanda siya!”

Nalukot ang kanyang mukha. Nakakatakot naman ang mga ‘to. Tao rin naman ang lalaking ‘yon, kaya imposible na hindi ito magmahal, o magkagusto sa iba.

“Saka wala pang nilapitan si Fafa Miguel na babae sa ilang taon niya na pagiging idol, no. that’s why we are desperate to know that woman. Sino ba siya at nagawa pa siyang ihatid ni Fafa Miguel sa Police Station?”

Sobra ang kaba na tumingin siya kay Sandy. “P-Paano mo nalaman na may hinatid siyang babae sa Police station?” sa sobrang kaba niya na marinig ang sagot nito ay nahihirapan siyang lumunok.

Sinong hindi kakabahan, eh si Dindin nasa likuran lang nila! Nakakatakot ang awra nito! Damang-dama niya! Mukhang nakikinig lamang ito sa usapan nila!

“Alam ko kasi nadulas si Kuya.” napanguso si Sandy. . “Pinipilit ko nga siyang sabihin sa akin kung sino, pero ayaw niya.” natigilan ito ng biglang may maalala. “Parang bigla nalang si Kuya natakot… rinig ko na kakilala daw kasi at kaibigan ng high officer si Miguel kaya hindi pwede maglabas ng impormasyon tungkol ro’n.”

“Hindi ka na naman uuwi?” takang tanong ni Nerissa.

“Hindi muna. Saka wala pa naman si daddy, si Ate Zera naman umalis din. Kaya do’n muna ako sa inyo.” pasilip-silip siya sa gate kung naro’n na naman sila Miguel. Nakahinga siya ng maluwag ng hindi niya ito makita.

Mabuti naman! Mukhang tumigil na ito sa apat na araw na pag aabang sa kanya. Pero mabuti na ang sigurado kaya do’n muna siya sa bahay nila Nerissa tutuloy. Sigurado naman na hindi darating si Santi dahil nasa ibang bansa daw ang binata at nagbabakasyon— na alam niyang kasinungalingan. Gusto lang siguro itago ng pamilya nito ang nangyari sa lalaki.

Naging tahimik din ang mga sumunod na linggo niya. Hindi na nagpakita si Miguel sa kanya. Natigil siya sa pag akyat sa kwarto niya ng makita ang Ate Zera niya na kadarating lang. Sumusuray ang lakad nito, at ilang beses pang muntik matumba.

“B-Bitiwan mo nga ako!” Napaigik siya sa sakit ng malakas siyang itulak nito ng magtangka siyang alalayan ito. “B-Because of you, I… I can’t get what I want! B-bakit ba ikaw nalang palagi, Gail?!”

Naguguluhang tiningnan niya ang kapatid na ngayon ay lumuluha, habang mabagsik na nakatingin sa kanya.

“I-Ikaw ang dahilan, Gail! I-Ikaw ang dahilan kaya hindi ko makuha lahat ng bagay na gusto ko! B-bakit kasi naging kapatid pa kita!”

Naiwan siyang tahimik na umiiyak. Simula ng bumalik ito ay lalong lumaki ang pinagbago ng Ate Zera niya. Lalo itong nanlamig, at parang galit na galit sa kanya.

“A-ano ba ang nagawa ko?” hindi siya nagsumbong sa kanilang ama tungkol sa pakikipagrelasyon nito. Nilihim niya ang bagay na ‘yon kahit alam niya na kapag nalaman ng daddy nila ang tungkol ro’n ay magagalit ito. Kung tutuusin, ang Ate Zera niya ang sumira sa pangako nila— ang hindi makikipagrelasyon.

Bakit parang kasalanan pa niya ngayon?

Pagdating sa kwarto ay pabagsak siyang nahiga sa kama. Hindi niya mapigilan ang maluha. Hindi talaga siya sanay na galit at malamig ang trato sa kanya ng Ate niya. Oo, siguro nga ay ampon lang sila. Pero kahit gano’n ay mahal nila ang isa’t isa dahil magkakasabay silang lumaki sa ampunan.

“M-Mommy, A-Ate Marian,” hindi niya maiwasan na sisihin ang dalawa. Kung hindi sila iniwan ng mommy at ate Marian nila para sa ibang lalaki. Mabubuhay sana sila ng normal ng Ate Zera niya… walang obligasyon, walang inaabot…

Pinahid niya ang luha ng makarinig ng katok. “Pasok!”

“Gail!!!”

Napabangon siya bigla ng marinig ang tili nina Nerissa at Sandy. Teka, anong ginagawa ng dalawang ‘to rito?

“Gail, naman! Bakit hindi mo sinasagot ang tawag namin? Mamaya na ang party ni Dindin, nakalimutan mo ba?”

Tinaasan niya ng kilay ang kaibigan. “Sinabi ko naman sa inyo ni Sandy, hindi ako sasama.” bukod sa wala pa siya sa tamang edad ay hindi rin naman sila close ni Dindin.

“Don’t tell me, idadahilan mo na naman sa akin na minor ka pa?”

“Exactly.” aniya.

“Eh, bakit si Ate Zera? Nabanggit sa akin noon ni Kuya Santi na madalas niyang makita noon ang ate mo sa mga party.”

“So?” aniya sa dahilan nito.

“Anong ‘so?” hinila siya ng dalawa sa tig isang kamay. “Meaning, pwede kang magpakasaya! Saka malapit ka na mag eighteen, Gail! Walang masama ang paglabas paminsan-minsan sa comfort zone mo!”

Mas matanda si Nerissa at Sandy sa kanya ng isang taon. Nang tumuntong si Nerissa sa tamang edad ay nagsimula na itong sumama sa ibang circle of friends nito katulad ng mga party, clubbing— at minsan siya pa ang ginagawang palusot nito sa magulang. Hindi siya kunsintidor pero wala naman siyang magawa para pigilan ito.

Walang nagawa ang pag-ayaw niya sa dalawa. Pinagtulungan siya nitong dalhin sa bathroom. Napatili nalang siya ng itapat siya ng dalawa sa shower at basain.

Mga walang hiya! Porke mas matangkad at malaki sa kanya ay kinaya-kaya lang siya!

Nang makita siya ng mga kasambahay ay napanganga ang mga ito. Namumulang hinila niya ang maikling silver cocktail dress na suot. Nakakahiya! Sa sobrang ikli ay ramdam niya ang pagsigid ng hangin sa singit niya!

Hindi siya pumayag na lagyan ng makeup ni Sandy sa mukha. Pero hindi ito pumayag na hindi siya lagyan ng manipis na lipstick sa labi. Katulad niya ay kulay silver cocktail din ang suot ng dalawa. Pero hindi katulad sa kanya; makapal ang makeup ng dalawa. Kung ang dalawa ay nakatali ang buhok, sa kanya naman ay nakalugay lang.

“Kita mo na? Kahit sila gandang-ganda sa’yo! Tara, magpaalam na tayo kay Ate Zera bago umalis.”

“Naku, ma’am, Nerissa, hindi pwedeng istorbohin si Ma’am Zera dahil iyon ang bilin niya sa lahat. Mainit ang ulo niya kaya hindi kami pwedeng kumatok sa kwarto niya.” napapakamot na paliwanag nito. “Mabuti pa ay lumakad na kayo, ako na ang magsasabi sa kanya mamaya kapag bumaba na siya sa kanyang kwarto. Siya nga pala,” baling nito sa kanya. “Nagpaalam ka na ba sa daddy mo, ma’am Gail?”

Tumango siya. “Opo, nagpaalam na po ako,”

Habang sakay ng kotse ni Sandy ay panay ang kanta ng dalawa ng “Lost In Touch” kanta daw ni Miguel.

Singer din pala ang lalaking ‘yon. Hindi halata na magaling pala itong kumanta at sumayaw. Sabagay, wala nga pala siyang hilig sa ibang bagay, maliban sa pagdedesign.

Napanganga siya ng makarating sila ng Hotel kung saan pagdadausan ang birthday party ni Dindin, hindi dahil sa maganda ang lugar, kundi dahil lalaking-lalaki ang porma nito. Tumikhim pa ito bago umakbay kay Sandy.

“Dad, meet my girlfriend, Sandy.”

“Oh, so you are my son’s girlfriend, huh? Nice to meet you, iha!”

Siya lang yata ang walang alam sa nangyayari dahil nakanganga lang siya habang nagpapalipat-lipat ng tingin sa mga ito. Kung hindi niya napansin ang namamawis na noo ni Dindin ay maniniwala siyang totoo ang arte nito.

Muntik ng mangudngod si Sandy ng malakas itong itulak ni Dindin palayo rito ng makaalis na ang magulang. “Yuck! My god! Bakit humalik ka pa sa pisngi ko? Gusto mong sapakin kita?!” nandidiring asik nito kay Sandy na tumatawa na nang malakas katulad ni Nerissa.

Inabala niya ang tingin sa buong lugar. Pamilya pala ng mga Pulis at sundalo si Dindin, kaya lihim ang pagiging bading nito sa pamilya. “Gail! Dito ka lang sa tabi ko, okay! Baka mamaya narito pala si Santi,”

Agad siyang namutla na ikinatawa ni Nerissa ng malakas.

“Binibiro lang kita, okay!”

Napangiwi siya habang nililibot ng tingin ang paligid. Naghahalo ang mga minor ang mid-twenties na bisita. Mukhang lahat sa kanilang unibersidad ay inimbitahan ni Dindin. “Let’s party everyone!!!” lumantad ang malanding tili nito ng mawala ang magulang, kasabay ng pagbaha ng dilim sa paligid, tanging disco ball nalang ang naiwan na nagbibigay liwanag. Maging ang tugtugin ay napalitan ng maingay, malakas at malaswang kanta.

Napaubo siya ng kanya-kanyang labas ng sigarilyo ang mga narito, mapa-minor man, o hindi. Daig pa nila ngayon ang nasa isang club. “Arghh! Hindi na talaga dapat ako sumama rito, e!”

“No, thanks!” tanggi niya agad sa waiter nang abutan siya nito ng alak.

Dahil masyadong maingay rito ay nagpunta siya sa terrace, narito kasi sila fifth floor ng Hotel. Naging abala na sila Sandy at Nerissa sa pakikipag- socialite sa iba kaya naman iniwan niya muna ang mga ito, paano ay puro lalaki na ang kasama ng mga ito.

Pumikit siya at sinamyo ang malamig. Kahit paano ay gumaan ang dibdib niya dahil sa nangyari kanina. Siguro kailangan lang niyang intindihin ang Ate Zera niya. Siguro ay nasasaktan pa rin ito sa pakikipaghiwalay sa nobyo.

“Teka, si manong ba ‘yon?” kinusot niya ang mata. Baka kasi namamalikmata lang siya— pero hindi talaga! Ang matandang tauhan ni Miguel ang nasa ibaba!

Teka… hindi naman siguro imbitado ang lalaking ‘yon rito? Kung imbitado kasi ito ay baka nabanggit na iyon nila Nerissa kanina.

“Gail! Nandito ka lang pala!” Hinila siya ni Sandy. “Meet, Darren, my friend,” Bumulong ito sa kanya. “Good boy si Darren, kaya iiwan ka muna namin ni Nerissa sa kanya. Kausapin mo para hindi naman kayo mainip pareho!”

“Sandali—“ napabuga na lang siya ng hangin ng mabilis itong naglaho. Nang mapatingin siya sa lalaki ay napangiwi siya. “Ahmm, pasensya na, ha. Pero tinatawag na ako ng Ate ko!” Kunwari ay pinakita niya ang cellphone. “Umuwi na daw ako!”

Bastos man sa paningin nito ay wala siyanh paki– ayaw niya talaga sa mga lalaki, good boy man, o hindi.

Nagmamadali niyang iniwan ang lalaki at bumaba. Ilang beses pa siyang muntik matapilok sa pagmamadali. Hindi na talaga siya magsusuot ng 3 inches heels sa susunod!

Napahinto siya sa paghakbang ng makita ang pamilyar na bulto ng mga lalaki sa entrance. Dahil sa pahapyaw-hapyaw na liwanag ng disco ball ay nasilayan niya ang pamilyar na mukha ng mga ito.

Hindi siya pwedeng magkamali! Mga tauhan ito ni Miguel! Ang mga ito ang kasama ng binata na mag abang sa labas ng unibersidad nila nang nakaraan!

Ramdam niya ang paghawak ng kamay sa braso niya. “Gail, sandali!” Boses ni Darren. “Pwede ko bang mahingi ang number mo?”

Napaatras siya ng makita na tinutumbok ng mga ito ang kinatatayuan niya.

“Gail—“

“Ano ba?!” Gigil na asik niya. “Wag mo nga akong hawakan!” Aniya bago nagmamadaling iniwan ang lalaki.

Iniwasan niyang mapansin ng mga bisita, kapag nalaman kasi ng mga ito na siya ang pakay ng mga tauhan ni Miguel ay magtataka ito. Siguradong mapapasama siya!

Nang makitang wala nang nakabantay sa entrance ay sinamantala niya ‘yon para lumabas. Nakahinga siya ng maluwag ng makasakay ng elevator.

“Woah! Muntik na ako ro’n. Kainis! Kailan ba nila ako titigilan?” Mabuti pa ay umuwi na siya. Nasira na ang gabi niya.

Pasara na sana ang elevator ng may kamay na pumigil rito— nanlaki ang mata niya ng makita ang lalaking iniiwasan niya.

“Good evening, my little sweet angel…” nawala ang magandang ngiti sa labi nito ng pasadagan ng tingin ang suot niya. “Fvck…”

Napaatras siya… kita niya ang pagdilim ng gwapong mukha nito, na para bang hindi nagustuhan ang nakita.

“You let them see what suppose to be mine.” Nawala ang madilim na awra nito, bigla ay ngumiti ito na parang hindi nagalit kanina lang. “Are you avoiding me, Gail?”

“Hindi, Mister… bakit naman kita iiwasan, di’ba?” Umusod siya palayo ng humakbang ito palapit sa kanya. “How about you? B-bakit mo ako sinusundan? Bayad na ako sayo, wala na akong utang… ano pa ba ang kailangan mo?”

Nakasinghap siya ng ilagay ng binata ang dalawang kamay sa magkabilang gilid niya. Kulang nalang ay magkanda-duling siya ng ilapit nito ang mukha sa kanya.

Masyado itong malapit!

“Answer me first, my sweet little angel. Why are you avoiding me?”

‘My sweet little angel?’

Ganitong-ganito ang tinawag sa kanya ng lalaking humalik sa kanya hg gabi ng Mall tour nito.

Nanlaki ang kanyang mata. Ngayon lang niya napagtanto na pareho ang boses ni Miguel sa lalaking iyon. H-hindi kaya…

“W-waaaahhhhh!!!! S-stalker— uhmmmpppp!!!” Bago pa siya makasigaw ay naramdaman niya ang mainit at basang labi nito na nakalapat sa labi niya.

Sa ikalawang pagkakataon, ninakaw nito ang halik niya!!!

SEENMORE

🫶🫰✨

| 1
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
cessn
... tenc u ms a
goodnovel comment avatar
Kulot Mo Leysa
ms A more update.please
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status