Share

3. TRAPPED SERIES#5

[Gail]

Panay ang iyak niya habang hawak ang labi, nanginginig pa ang katawan niya sa sobrang takot. Mabuti nalang at hindi na siya sinundan pa ng lalaki.

Yakap niya ang sarili habang nakatanaw sa Z-mall. Narito siya ngayon sa labas at wala sa sariling nakatanaw sa gusali. Ayaw niyang pumasok. Natatakot siya na baka naro'n pa ang lalaki at binabantayan siya.

Gusto na niyang umuwi. Pero nasa kaibigan niya ang bag, wala siyang pera pamasahe. Tumingala siya ng biglang bumuhos ang ulan.

"Shit naman talaga!" Nagmamadali siyang tumakbo para humanap ng masisilungan. Pero sadyanh malas niya ngayong araw dahil wala siyang nahanap. Sobrang lakas ng ulan, sinabayan pa iyon ng malakas na kulog. Dahil kakarampot na tela lang ang kanyang suot ay mabilis na nanuot ang lamig sa kanyang katawan.

Ito ba ang tinatawag nilang kamalasan? My god! Simula nang magpunta siya sa Z-mall na ito ay minalas na siya ng husto. Nabastos na siya sa public restroom, pati ba naman rito?

Napapitlag siya ng bumusina ng malakas ang kulay puting sasakyan sa kanya— no, hindi ito basta sasakyan lang.

Isa itong limousine.

Napaatras siya ng lapitan siya ng tatlong lalaki na mayro'ng dalang tig-iisang payong. Akmang tatakbo na siya ng biglang pumitik ang mga daliri nito.

"Girl, ang lakas ng ulan. Gusto mo bang ihatid ka namin sa inyo?" Pinasadahan nito ng tingin ang kanyang katawan, "basang-basa ka na, baka magkasakit ka ni'yan."

Sumang ayon naman agad dalawang gay na kasmaa nito. "Jay is right. I'm sure na magkakasakit ka... come on, ihahatid ka na namin."

Pinayungan siya ng nito. Mukhang friendly naman ang tatlo. Pero mahirap na magtiwala ngayon.

"N-no thank. M-may kaibigan ako sa loob, palabas na rin po siya kaya maghihintay ako rito." Nginig ang tinig na sagot niya.

Ang lamig!

Nagkatinginan ang tatlo, nag uusap ang mga tingin nito at sabay pa na tumango. Mayamaya ay naglabas ng pang-spray ang pinakamalaking lalaki sa tatlo, at saka nag-spray banda sa kanyang mukha.

Hilaw na tumawa ang lalaki. "M-may lamok, girl..." tila kabadong wika pa nito.

Awtomatikong napahawak siya sa kanyang ulo. Bigla siyang nakaramdam ng hilo. Sa kabila ng malakas na ulan ay dinig niya ang malakas na businang muli ng sasakyan. Sa nanlalabong tingin ay nakita niya ang pagbaba roon ng isang lalaki na hindi niya makita ang mukha.

"Good job. Now let me carry my sweet little angel." Boses iyon ng isang baritonong tinig.

Naramdaman na lamang niya ang pag angat ng kanyang katawan sa ere. She wants to scream and ask for help, pero hindi niya magawang ibuka ang bibig. Tuluyan ng nilamon ng kadiliman ang kanyang kamalayan.

***

"UHMM." Ramdam niya ang mainit na bagay na sumisípsíp sa kanyang leeg, patungo sa kanyang panga habang sa gilid ng kanyang labi.

"Oh my god!" Malakas na singhap ang kumawala sa labi niya ng magising.

Sobrang bilis ng tahip ng dibdib niya. 'Anong klaseng panaginip 'yon? Nakakadiri!' Hinawakan niya ang leeg at mukha. Parang totoo na mayro'ng humawak sa kanya. Mabuti nalang at panaginip lang pala.

Nanlaki ang mata niya ng mapatingin sa kanyang katawan. "What the..." agad na namutla siya ng makitang isang napakalaking t-shirt na ang kanyang suot. Sa sobrang laki nito ay nagmistula itong bestida sa kanya.

Nilibot niya ng tingin ang buong silid— hindi rin ito ang kwarto niya! Ang huli niyang naaalala ay mayro'ng tatlong gay na kausap siya kagabi.

'Nawalan ba ako ng malay?' Nang makakita ng isang pares nang tsinelas ay agad niya itong sinuot. Sakto pa ang sukat nito sa kanyang paa na parang sinukat sa kanya.

Muli niyang nilibot ng tingin ang paligid. Ang isang buong pader ng kwarto at gawa sa salamin. Isa itong wall aquarium na mayro'ng iba't ibang klase ng isa. Dim blue light ang nagbibigay liwanag sa buong kwarto.

Whoever own this room, natitiyak niya na mahilig ito sa dagat.

Pinilig niya ang ulo— this is not the right time to be amused by the things here. Kailangan niyang makaalis at makauwi. Sigurado na nag aalala na ang kanyang ama at kapatid.

Napaawang ang labi niya ng makalabas ng kwarto. "W-where am I?" Sa sobrang lawak ng kanyang nakikita ay hindi niya tiyak kung nasa palasyo ba siya, o nananaginip siya.

All she could see is color light blue, and all the furniture here is surely expensive! Mula sa ceiling, sa mga painting, sa mga figures na kanyang nakikita ay natitiyak niyang lahat ay nagkakahalaga ng mahal.

"Hello!" Nag-echo ang boses niya sa paligid. Nag iisa lang ba siya sa lugar na 'to ngayon? Wala siyang makitang tao, o kahit isa sa mga maids.

Marahan ang hakbang na bumaba siya ng hagdan. Mukhang tama ang hinala niya, walang tao sa lugar na 'to.

'Mabuti pa ay umalis na ako.' Ewan ba niya, pero malakas ang kutob niya na hindi ang tatlong gay kagabi ang may ari ng lugar na ito.

Nang makababa ay agad na tumakbo siya sa maindoor para lumabas na. "Bakit naka-lock?!" Hindi niya ito mabuksan, na siyang nakapagtataka.

"Are you leaving without telling me? That's rude."

Napasandal siya sa maindoor sa sobrang gulat. Nang mag angat siya ng tingin ay napaawang ang labi niya— "Y-You?!" Hindi siya pwedeng magkamali, ito ang lalaking nakita niya sa Z-mall.

Ang lalaking bumasag ng istante ro'n para magnakaw ng relo! Ano ang ginagawa nito rito. Imposible naman na ito ang may ari ng lugar na 'to. Kung mayaman ito, hindi na ito magnanakaw pa— unless narito ito para magnakaw!

My god! Sa dinami-dami ng pwedeng makasalamuha, bakit ang lalaking ito pa?

"You looked pale. Did I scared you?" Nakataas ang sulok ng labi na tanong pa ng lalaki. Parang natutuwa pa itong nakita na namumutla siya.

What a scumbag jerk!

Gusto niyang umatras ng humakbang ito palapit sa kanya pero wala na siyang ma-atrasan. Nahigit niya ang kanyang paghinga ng dumampi ang mainit nitong kamay sa bandang leeg niya.

"That mark looks good on you." Sumungaw ang mapaglarong ngisi sa labi nito. "It says that someone owned you."

Malakas na tinabig niya ang kamay ng lalaki. "G-Get off your hands on me, you jerk!" Wala siyang pakialam kung gwapo ito. Bukod sa matanda ito sa kanya, this jerk touched someone without a permission! Mali iyon!

Napalunok siya ng laway. 'My god, Abigail, gusto mo bang mapahamak? Remember, that man is a criminal!' Kastigo ng kanyang utak.

Tumalikod pa ito at napasabunot sa buhok. "Jerk?" Mahina itong natawa.

Hindi siya makapaniwala. Ano ang nakakatawa? Nasisiraan na ba ito ng ulo?

Napangiwi siya ng mapatingin sa likuran nito. Maski ang likuran nito ay malaki at malapad. Kaya siguro hindi ito takot sa pinasok na trabaho dahil kaya nitong ibalibag ang kung sino.

Naalala niya ang ginawa nitong pagbasag sa istante sa Z-mall. Sigurado na sisiw lang rin sa lalaking ito na basagin ang kanyang mukha. Ang kaninang tapang niya ay nawala... natakot siya bigla, lalo nang mapatingin siya sa malaki at maugat nitong kamay.

'Sigurado na isang sapak lang siya!'

"Mabuti pa kumain na muna tayong dalawa bago mag usap."

Kumain? Nagagawa pa nitong kumain sa bahay na pinagnanakawan? My god! Gaano kakapal ba ang mukha ng lalaking ito? Kung hindi niya nakita ang pagnanakaw nito sa Z-mall ay iisipin niya na ito ang may ari ng bahay na 'to.

Napahinto ito ng mapansin ang hindi niya pagsunod. "G-Gusto ko nang umuwi." Hindi niya alam kung saan siya kumuha ng lakas ng loob na sabihin iyon. "L-Look, I p-promise, hindi ako magsusumbong sa pulis. J-Just do your business here, I don't care,"

Natigilan siya bigla ng maalala ang tatlong gay na kumausap sa kanya kagabi. Bigla siyang nakadama ng konsensya.

"T-Tungkol do'n sa tatlong lalaki... h-hindi mo naman siguro sila p-pinatay, h-hindi ba?"

Baka kaya tahimik sa paligid dahil pinatay na nito ang mga nakatira rito?! N-no! Sana mali ang hinala niya!

Napamaang siya ng malakas itong humalakhak— na para bang may nakakatawa sa sinabi niya. Bigla ay natakot siya para sa sarili niya. Kapag hindi siya nakaalis sa lugar na ito ay sigurado na mapapahamak siya.

Nababaliw na ito!

Baka kung ano pa ang magawa nito sa kanya! Pasimple niyang binuksan muli ang maindoor, umaasa na bubukas ito—

"That door is locked." May ngiti na lumapit ito sa kanya. "Don't be afraid, hindi ako mamamatay-tao katulad ng iniisip mo." Yumuko ang lalaki at nilapit ang mukha sa kanya. "Hindi mo nga ako kilala... hmm, pero bakit naro'n ka sa mall?"

Hindi niya maintindihan ang sinasabi ng lalaking 'to. Pero isa ang sigurado siya— baliw ito. Saka sino ba ang kriminal na umaamin sa ginawang krimen?

Nabuhayan siya ng loob ng mayro'ng may edad na lalaki ang dumating. Tinulak niya palayo ang lalaki sa kanya at pumunta sa matanda. "M-manong, tulong po—" naputol ang kanyang sasabihin ng yumuko ito sa lalaking nasa likuran niya.

"Sir Migs, nakahanda na ang hapunan ninyo ni Ma'am," magalang na wika nito.

Namilog ang mata niya. "S-Sir? Kung gano'n..." muling humalakhak ang lalaking nasa likuran niya. Kaya naman naitakip niya ang kamay sa mukha sa sobrang pagkapahiya.

Napagkamalan niya itong magnanakaw sa sariling bahay. Nakakahiya! Pero nakahinga siya ng maluwag at the same time. Ibig sabihim ay safe siya— natigilan siya.

"S-Sino ang nagpalit ng damit ko?" Kung hindi ito, ibig sabihin si Manong, gano'n?

Dumilim ang mukha ng lalaki ng makita ang pagtingin niya sa matanda.

"As if I will let anyone see what's mine." Mahinang sabi nito. Nang mapabaling siya rito ay biglang ngumiti ito. "Don't worry, matandang babae ang nagpalit ng suot mo,"

Nakahinga siya ng maluwag.

Habang kumakain sila ay hindi niya maiwasan ang suriin ang mukha ng lalaki. Sigurado siya na sa Z-mall niya ito unang nakita, pero bakit parang pamilyar ito sa kanya? Has she seen this guys before?

"Salamat po, mister." Pasalamat niya ng abutan siya nito ng isang basong tubig. "Siya nga po pala... nasaan na 'yung tatlong gay na kausap ko kagabi?" Naalala niya na bago siya mawalan ng malay ay may lalaking lumabas sa limousine, baka ito ang lalaking 'yon. Ibig sabihin lang no'n ay magkakakilala ang apat.

"They are working at this hour. Hindi mo ba tanda, nawalan ka ng malay kagabi... kaya narito ka ngayon sa bahay ko dahil ibinilin ka nila sa akin," binaba nito ang hawak na kubyertos at tumingin sa kanya. "How's school, Gail?"

Kumunot ang kanyang noo. Paano nito nalaman ang pangalan niya?

Sumandal ang lalaki at ngumiti. "Narinig kong sinabi mo kay Manong ang pangalan mo kanina." Tumingin ang lalaki sa katawan niya. "You look young, so I guess, nag aaral ka pa."

Napatango siya. 'My god, Gail!' Mabuti nalang at nagpaliwanag agad ito. Kung hindi ay baka kung ano-ano na naman ang tatakbo sa utak niya.

Akmang kakagat na siya ng hotdog ng mapatingin sa lalaki. Bigla siyang nakaramdam ng pagkailang, lalo na nang mapansin niya ang kakaibang titig nito sa kanya.

"M-may problema ba, Mister?"

Nakangiting umiling ito. "Walang problema, Gail. Pero kung magtatagal kang kasama ako," lumunok ito, "baka magkaro'n nga."

Nang makita nito ang paglunok niya ay mahina itong natawa. "I was talking about the time. Mali-late ka kung hindi mo bibilisan ang pagkain."

Nanlaki ang mata niya sa sinabi ng lalaki. Tama ito, mali-late nga siya!

"Mister, pwede bang makiusap... please, pautang ng pamasahe," kinapalan na niya ang mukha niya. Hindi siya makakauwi ng walang pera.

"Hindi mo na kailangan umuwi, Gail. May bagong damit sa kwarto sa itaas. You may take a bath after your meal, ako na ang maghahatid sayo sa university mo."

"Talaga?" Kulang nalang ay mapatalon siya sa tuwa. Inaalaagaan talaga niya ang attendance niya kaya ni isa ay wala siyang absent simula elementary palang siya. Gano'n niya pinapahalagahan ang pag aaral niya. Gusto niya na maging proud sa kanya ang daddy niya.

Pagkatapos kumain ay bumalik siya sa kwartong pinanggalingan niya kanina. Sa ibabaw ng kama ay nakita niya ang isang mahabang palda kapareho ng madalas niyang isuot, at isang white crew neck shirt, maay isa ring sneakers na mukhang bago pa sa tabi nito.

Kung hindi niya nakita ang pagbasag nito s istante sa Z-mall ay iisipin niya na talagang mabait ito. Pero sigurado siya na katulad lang ito ng ibang mayaman na may kanya-kanyang trip sa buhay. Marahil ng panahon na iyon ay trip nitong magnakaw. At dahil mayaman ito ay kaya nitong tapalan ng pera ang lahat.

Nang makapasok siya sa bathroom ay napaawang ang labi niya. Malaki sobra ang bathroom nila sa bahay pero walang sinabi ang laki no'n sa laki ng bathroom na ito.

Bago naghubad ay siniguro niya na naka-lock ang pinto. Nagbabad siya sa malaking jacuzzi. Bigla niyang naalala ang lalaking humalik sa kanya sa Z-mall kagabi. Hindi niya namalayan na nanginginig na naman pala ang katawan niya sa takot.

'Paano kung hindi agad ako nakatakbo?' Gumapang ang kilabot sa katawan niya sa naisip. Hindi na talaga ligtas sa panahon ngayon. Kahit saan pwede kang gawan ng masama, hangga't mayro'n silang pagkakataon.

Kung magsumbong kaya siya sa pulis?

Umiling-iling siya habang kagat ang kanyang daliri. 'Bakit pa?' Alam niya na hindi rin naman siya paniniwalaan. Baka sabihin pa sa kanya ng pesteng pulis na may asul na mata na isipin nalang niya na 'lamok' na naman iyon.

Inalis nalang niya ang masamang nangyari kagabi sa isip. Ang dapat niyang isipin ngayon ay kung anong alibi ang sasabihin niya sa daddy at Ate Zera niya... at simula ngayon ay kailangan niya ng dobleng pag iingat para hindi na maulit ang nangyari kagabi.

Naiiyak na sinubsob niya ang mukha sa kamay. "A-ang first ko, n-nakuha lang ng kung sino!" Gusto niyang isipin na 'lamok' lang iyon... pero hindi niya magawa. Hanggang ngayon ay dama niya ang mainit at malambot nitong labi sa kanya... na amoy sigarilyo pa!

SEENMORE

Hello everyone, this is Seni! This is STORY of Miguel and Gail❇️ Asahan niyo na may pagkabaliw ang mga bida sa TRAPPED SERIES ko♥️ They are territorial, possesive, and obsess. Enjoy reading everyone!

| 4
Mga Comments (13)
goodnovel comment avatar
SEENMORE
Malalaman niyo po kung bakit. Nasa TRAPPED SERIES#4 po ang sagot. Ang title ay TRAPPED IN HIS WRATH
goodnovel comment avatar
Josephine Flores
kc crush ni nikki c Miguel
goodnovel comment avatar
Josephine Flores
akala ko c Miguel and nikki
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status