Share

Chapter 40

Umasim ang mukha ni Elyssa nang makita kung sino ang papalapit. Hindi na naman niya kayang pigilan ang pait na namuo sa kanyang lalamunan na pilit niyang nilunok at baka masukahan pa niya ang kaharap.

The happiness that she felt when she saw Louie only lasted for a moment before it was finally ruined by this woman. Tracy na naman!

"Hello, sweetie! Nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap." Malawak ang ngiti na nakapaskil sa labi ng dalaga at ang tingin ay parang lalamunin na si Louie. Kumikembot-kembot ang beywang nito habang naglalakad sa gilid ng swimming pool papunta sa kinatatayuan nila. Nang halos dalawang dipa na lang ang layo nito ay dahan-dahan nitong tinanggal sa pagkakatali ang suot nitong roba at inilantad ang suot na two-piece.

Umangat ang kilay ni Elyssa sa nakita. Pero hindi siya nilamon ng insecurities dahil kung seksi si Tracy ay kaya rin namang humabol ng katawan niya. Pakiramdam niya ay lumiit ang espasyo ng pool, bagama’t napakalawak niyon, dahil sa halatang-ha
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status