Share

Chapter 24

Umuwi akong bagsak ang balikat. Maingay pa sa bahay pagdating ko, kompleto marahil ang mga kapatid ko ngayon kaya nagkakatuwaan. May araw at maaga pa kaya wala akong narinig kay mama. Tahimik lamang siyang nag-ce-cellphone sa sulok, ngunit kahit pa tutok ang mata niya sa aparatong hawak ay batid kong umiikot iyon para obserbahan ang kinikilos ko. Nagkibit balikat na lang ako saka mabilis na pumasok sa silid ko. 

Pag pasok ko ay agad kong binagsak ang bag ko. Sumunod ako sa pag-upo ng pabagsak sa aking higaan. Mabigat pa rin ang aking dibdib dahil sa nangyari. Bakit ba kasi ganoon si Quirou? Bakit niya sinabi na pupunta siya tapos ay biglang babawiin? Hindi naman marahil ako magtatampo kung sinabi niya ng maaga na hindi na siya pupunta o kung hindi na siya nagsabi pa na pupunta. Oo nga't gusto ko siyang makita pero nakakaintindi naman ako, alam kong abala siya. 

Agad kong dinampot ang kulay dilaw na kwaderno, bahagya itong nakausli sa dulo ng shoulder bag na d

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status