Share

Chapter 1 - Invitation

“Bria, pauwi ka na?”

Nagliligpit na ako ng mga gamit ko sa table upang umuwi nang tawagin ako ni Cella, kaibigan ko. 

“Oo, eh, ikaw?” balik Kong tanong rito. Ang akala ko ay sasabay na ito kay Sven, ah!

“Alam mo, sagutin mo na iyong manliligaw mo para may kasabay ka nang umuwi. Hindi ‘yong ikaw na lang din palagi ang kasama ko,” aning biro ko. Ito na kasi ang routine naming dalawa sa araw-araw, simula pagpasok hanggang sa pag-uwi. Sumimangot naman ang loka na akala mo nasaktan sa sinabi ko. 

“A-aray! Mukhang sawang-sawa ka na sa pagmumukha ko, friend, ah? Hayaan mo. Last na ‘to dahil kami na ni Sven.”

“ Totoo?” 

“Kita mo ‘to! Kasasabi mo lang na gusto mong magka-boyfriend na ‘ko, tapos ngayon sinabi kong mayroon na, ay, ayaw mo namang maniwala.” Natawa na lang ako dahil mukhang mauubos na yata ang pasensiya ng kaibigan ko.

“Wow! Congrats, I'm so happy for you,” bati ko pa. Matagal na rin namang nanliligaw si Sven sa kan’ya, siya lang ‘tong nagpapakipot. 

“Kuh! So, happy. Saan? Dahil hindi mo na ‘ko makakasama palagi? Uy, hindi! Magiging tatlo na tayo dahil dalawa na kami ni Sven ang kasabay mo.”

“Loka! Ginawa mo pa akong third wheel? Tigilan mo nga ‘ko, Cella,” sabing protesta ko dahil ayaw ko namang maka-istorbo sa kanila. 

“Ayaw mo? Eh, ‘di mag-boyfriend ka na rin para double date!” Inirapan ko na lamang si Cella dahil ni manliligaw nga ayaw ko, boyfriend pa kaya. 

“Sakit lang sa ulo ‘yan at sa una lang masaya. Thank you na lang!” Tapik ko sa balikat niya. 

“OA mo! Palibhasa gusto mong tumandang dalaga. Aba ‘y tikim-tikim din ng luto ng Diyos.” Sabay na lang rin kaming nagtawanan nang biglang mag-ring ang cellphone ko. Kinuha ko ito sa loob ng bag. Nang tingnan ko ay si mommy ang tumatawag.

“Hi Mom!’’ masiglang bati ko. Bigla ko itong na-miss. Nasa france ako habang sila ay nasa pinas. 

“Hello, Brianna. Kumusta ka na? Miss na miss na kita,” may himig na lungkot ang boses ni mommy, parang gusto ko na tuloy umuwi. 

“I miss you, too. Mommy. Soon, magagawan ko na ng paraan para makauwi.”

“Sana nga anak. Ikakasal na ang kakambal mo kaya kailangan mo na talagang makauwi,” sabi pa ni mommy. 

‘Ikakasal na?’ 

“Really? Anong nakain niya at gusto nang magpakasal?” Sa dami pa ng gustong gawin ni Lia, biglang gustong magpakasal?” pinagsawalang bahala ko na lamang ang tila pagbigat ng pakiramdam ko.

“Yes, anak. His boyfriend proposed to her last night at minamadali na ng lolo mo ang kasal dahil gusto nang magka-apo,” natatawang sabi pa ni mommy. 

‘Ikakasal na sila ni Dylan? Sila pap rin kaya?’ 

“Brianna?” 

“Ah– Yes, I'm coming. Just send me the details para makapag-file po ako ng leave kahit two weeks lang, mom.” 

“Good. ‘Wag mo akong biguin anak, umuwi ka talaga!”

“Opo. How's Daddy? I-kumusta mo na lang po ako sa kanila ni Lilianna pati kina lolo at lola.”  Alam kong may tampo pa rin si daddy dahil sa pag-alis ko noon. Ni minsan ay hindi ako nito kinumusta. 

“Okay naman ang Daddy mo. Hayaan mo, kapag nakauwi ka na rito ay matutunaw rin ang tampo nun sa iyo. Sige na, anak. Magpahinga ka na ‘t alam kong pagod ka na rin.” 

Napabuntong-hininga na lamang ako, halos dalawang taon na mula nang pumunta ako rito sa France. Kahit pa sabihin ko kay mommy na gusto ko itong makausap. Palagi raw itong wala kapag tumatawag ako. Alam kong ayaw lang talaga ni daddy kaya hinayaan ko na lang muna.

“Friend, okay ka lang? Ang tahimik mo bigla.”

“O-oo naman. Si Mommy tumawag, ikakasal na raw si Lilianna kaya kailangan kong umuwi.”

“Ha? Invited ka pala?” Natawa na lang ako sa itsura nitong si Cella, kapag wala ‘tong isang ‘to? Paano na lang kaya ako noon?

“Sira! Tara na nga, gutom lang iyan!” Hindi ko na siya pinagsalita pa at hinila ko na ito paalis. 

Ngayon ay nakahiga na ako ngunit hindi dalawin ng antok. Biglang nanariwa sa isip ko kung bakit ako nagdesisyon na umalis ng Pilipinas. 

After kung makapagtapos ng pag-aaral ay isang taon muna akong namalagi sa probinsya at nakahanap naman agad ako ng trabaho pansamantala. Sa lumipas na isang taon na iyon ay hindi ko pa rin makalimutan si Dylan. Umaasa akong magkikita kaming muli kung kaya't isa rin iyon sa pasya kong sa probinsya na muna ako mamamalagi dahil baka isang araw ay bigla kaming magkita. 

Subalit nabigo lamang ako. 

Hanggang sa isang araw ay natuloy na akong lumuwas ng Maynila dahil Birthday ni daddy. 

“Happy birthday, Daddy,” bati ko at yumakap pa ako rito nang mahigpit. Kulang na kulang ang mga panahong dinadalaw nila ako ni mommy kina lola sa probinsya. 

“Thank you, anak. Sobrang saya ko at buo na tayo ngayon,” maluha-luha pang sabi ni daddy. 

“Dito na lang po, ako. Hindi na ako aalis at gusto ko pong bumawi sa inyo.” Pinahid ko ang luha sa ‘king mga mata dahil hindi ko namalayan pati ako ay umiiyak na. 

“Sure, anak. Pati sina Lolo at Lola mo ay dito na lang din siguro dahil alam kong mag-alala ka sa kanila.” 

Habang nag-uusap kami ni Daddy ay narinig ko ang boses ni Lilianna. Hindi niya pa alam na lumuwas kami kaya balak ko pa sana itong i-surprised kung kaya't nagpaalam ako kay daddy at nagtago na muna ako sa pull area. 

“Love, dito ka na muna, okay? Papahatiran kita ng drinks kay Manang.”

“Okay. I'm fine here, sabay na tayong bumati sa daddy mo,” dinig ko sabi ng alaking may boritonong boses. tanging ang boses lang ni Lia ang kilala ko.

‘Love? May boyfriend na pala si Lia?’ 

Mga sampong minuto na ang lumipas at hindi pa yata nakabalik si Lia kaya nagpasya akong silipin ang boyfriend niya. Na-curious ako kung g’wapo ba ito.

Ngunit tila na estat’wa ako sa aking nakita. Hindi ako maaaring magkamali sa taong ‘to! 

“D-Dylan…”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status