Share

Chapter 4 - Substitute

Naroon na sina mommy at daddy sa simbahan habang ako ay palabas pa lang ay paalis pa lang. Sobrang ganda ng wedding gown na ‘to. Hindi na rin kailangan mag-adjust sa sukat dahil saktong-sakto lang talaga ito sa akin nang isuot ko.

Ang sabi nina mommy ay konti lang daw ang may alam na kambal kami ni Lia at ang alam ng iba ay hindi na talaga ako umuuwi kila mommy. Habang ang magaling kong kakambal ay talagang tinago na ako. Ano ba ang mayroon sa akin at ayaw niyang ipalaam na nag-e-exist ako?

“Grabe, ma’am. Parang kang Royal Princess sa wedding gown mo iyan, bagay na bagay,” sabi pa nang nag-ayos sa akin.

“Hindi naman siguro, pero agree akong maganda iyong gown.” Ngiti ko.

Sumakay na ako sa bridal car patungong simbahan. Kumakabog ang dibdib ko sobra! Hindi ko man lang nabalitaan si Cella sa nangyari sa buhay ko ngayong araw.

Nang makarating ako sa simbahan ay agad nang pinaalam ng organizer upang magready na ang lahat. At doon, dahan-dahan magbukas ang tarangkahan ng simbahan kasunod ang malam’yos na musika.

“The Bride is here!” anuns’yo ng organizer. Kasabay ng nang pag-angat ang aking paningin sa mga taong naro’n. Nakatayo ang lahat na may mga ngiti sa kanilang mga labi. Pumapalak sa aking pagdating, akalain mong perfect wedding talaga ng isang bride.

Naroon sa gilid si daddy at dahan-dahan akong lumapit rito.

“Are you ready, anak?” tanong nito. Sa totoo lang ay kabadong-kabado ako. Paano kung mahalata nilang hindi talaga ako si Lilianna?

“Yes, Dad,” tipid kong tugon. Kumapit na ako sa bisig ni daddy at sabay na kaming naglakad sa aile. Nakangit ako habang naglalakad habang isa-isa Kong kinikilala ang mga naro’n hangga sa nagtama ang mga mata Namin ni Dylan.

‘Oh my god! Ituloy ko ba talaga?’

Trumiple ang kaba sa dibdib ko, halos gustong lumabas ng puso ko sa sobrang lakas ng kabog nito. Ngumiti ito nang napakatamis sa akin, tila na-hipnotismo naman ako sa dahil dun. Tila may sariling isip ang aking labi at kusa rin itong gumati sa matamis ng ngiti.

‘Gosh! Ikaw na talaga, Brianna!’

Ang tanga lang sa part na ‘to ni Lia upang ipagpalit ang lalaking ‘to sa kung ano man ang dahilan ng pag-alis nito.

Nang nasa tapat na kami ni Daddy ay b****o Muna ako kina mommy at daddy. May lumapit din sa akin at malamang ito ay ang parents ni Dylan. B****o rin ako kanila, talagang pinangatawanan kong ako si Lilianna.

“Hijo, Ikaw na ang bahala sa anak ko, ha?” bilin pa ni daddy bago inabot nito ang aking mga kamay kay Dylan.

Nanginginig ang mga kamay ko at ginawa ko ang lahat nang pagpipigil upang hindi iyon mahala ni Dylan.

“Of course, Dad! I really love your daughter with all of my life, hindi-hindi ko po kayo bibiguin,” madamdamin namang tugon ni Dylan kay daddy. Niyakap Siya ni dad at tinapik-tapik ang balikat.

“Salamat, anak.”

“You're so beautiful, my wife,” sabi ni Dylan at kita ko ang ningning sa mga mata nito.

“Hindi pa, hindi pa tayo kasal,” sabi ko. Ewan ko ba at iyon nasabi ko.

“Why? Are you changing your mind? Sa tingin mo ay papayag akong makawala ka pa, Mrs. Monte Verde?” Hinapit ako nito kaya nailang ako, nakakahiya dahil sa rami nang taong narito.

“Woi! Mamaya na iyan!” sigaw nang kung sino man kaya nagsitawanan naman ang lahat. Pulang-pula na yata ang mukha ko sa sobrang hiya.

‘B’wisit na ‘to!’

“L-love, ano ka ba! Umayos ka nga!” saway ko pa kay Dylan bahagyang lumayo sa kan’ya.

“What? I don't care! Kung puwede na ngalang itakas na kita Ngayon ginawa ko na, eh! Ang tagal naman ni father!” naiinis niyang Sabi.

‘Aba! Masiyado namang atat ang ‘sang ‘to! Ano ‘siya, sinus'werte? Virgin pa ang petchay ko!

Nang dumating na si father ay agad na nitong sinumulan ang seremonyas ng aming kasal. Subalit ang utak ko ay naglalakbay sa kung saan kaya wala akong naintindihan sa mga sermon ni father.

‘Paano nga ba ako nito mamaya? Teka, Wala sa usapan ‘tong honey moon ah!’

Parang gusto kong tampalin ang noo ko dahil hindi man lang naisip ang bagay na iyon!

Nagbalik na lamang ang diwa ko nang sabihin ni father na magpapalitan na kami ng vows at nang singsing.

“Dylan, Since the day I first saw you, I knew you were my soulmate. I love you for the way you make me feel when we’re together and miss you so much when we’re apart. We’ve grown so much together and you enrich my life and inspire me to be better. I promise to love you and always be by your side, through all of the ups and downs.”

Iwan ko pero hindi ko mapigilan ang umiyak habang sinasabi ko iyon kay Dylan. Nagpakatotoo na lamang ako sa talagang nararamdaman ko ngayon, ang awkwardness kanina ay tila natunaw sa pagitan namin. Ay mali! Ako lang pala ang nakaramdam nun. Dahan-dahan kong isinunoot Ang singsing sa palasingsingan niya, ingat na ingat akong hindi iyon mabitawan. Nakahinga naman ako nang maluwag dahil hindi iyon nalaglag.

“Lilianna. Love, since the day I watched you get yanked around on a rope on your skis by a horse named Spica – I knew that I couldn’t picture my life without you ever again. On the ski lift at Sundance, you told me I was the partner you’d only dreamed about. That moment felt perfect because I felt the exact same way about you. Before our family and friends, for richer or poorer, in sickness and in health, for better or worse, I promise to love you and spend the rest of my days with you.”

Sa kamay ko naman isinunoot ni Dylan ang napakagandang singsing at talagang sakto lang din ang sukat sa daliri ko. Nagtinginan kaming dalawa ni Dylan habang nakangiti, inaamin kong Masaya ako Ngayon at hindi Isang pagpapanggap lamang.

“I love you,” mahinang sabi ni Dylan.

“I-i love you, too,” tugon ko naman. Ramdam ko sa kaibuturan ng aking puso na mahal ko pa talaga si Dylan. Hindi iyon nawala!

“Now, I announce you as a husband and wife,” sabi ni father. ,” you will kiss your bride.”

“Ito na! Oh my god!”

Dahan-dahang itinaas ni Dylan ang belo na na nakatip sa aking mukha. Pakiramdam ko ay ang bagal nang oras habang hinihintay kong halikan ako nito.

“Kiss! Kiss!” sigaw ng lahat.

‘Excited kayo masiyado, kayo kaya rito!’

Hinapit ako ni Dylan sa baiwang at unti-unti nitong nilapit ang kaniyang mukha sa akin. Napapikit na lamang ako, Hanggang sa naramdaman ko na lamang ang malambot nitong labi sa aking labi.

Gumalaw ang kaniyang labi at hindi ko alam ang gagawin ko.

‘Shit! Paano ba gawin iyon?’

Parang may sariling isip na rin ang labi ko nang kusa itong gumalaw ay sumabay sa kung ano ang ginagawa ng labi ni Dylan. Lunod na lunod na ako sa halik na iyon!

‘Shems… Ang sherep!’

“Woi! Mamaya na iyan! Gutom na kami!” sigaw na naman nang kung sino. Saka na lamang ako natauhan at sa gulat ko ay bigla kong naitulak si Dylan.

“Why, Mrs. Monte Verde?” ngisi nitong tanong sa akin. Inirapan ko na lamang ito! Nakakainis dahil bumigay agad ako sa halik niya!

“Okay, picture taking na Muna!” sigaw nang photographer.

Nang matapos ang pictures taking ay agad na kaming umalis patungong reception. Bago pa kami makasakay ay sakto naman na naroon si daddy sa labas papasok ng kotse. Tumango ito sa akin bilang go signal na tinanguan ko rin naman dahil tuloy ang plano.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status