Share

Chapter 5 -

“Are you okay, hmmn?” mahinang sabi ni Dylan. Sakay kami ng bridal car patungong reception. Ewan ko ba, bakit parang pakiramdam ko mas lik

sinad'ya Niya maging gano'n ang boses. Ang hot at sexy nang dating nun. Lalong din itong dumikit sa akin at hindi ako manhid sa kung ano man ang gusto nitong iparating.

“O-okay, lang. Ikaw ba? Okay ka naman?”

“Uhuh! What if– ‘Wag na lang tayo tumuloy sa reception, love? malambing na tanong niya pa. Pakiramdam ko ay pinagpapawisan na ako hanggang singit! Diyos ko!

“Ah– Ano ka ba, hindi puwede. Nakakahiya sa mga bisita natin.” Humalik pa siya sa pisngi ko. My gosh! ‘Wala pang kahit sino ang nakahalik sa akin tapos ito lng!

“Puwede bang umusog ka na muna? Ang init Kasi,” sabi ko. Hindi ako mapalagay na ganito’y sobrang lapit niya sa akin, baka hindi ako makapagtimpi at bigwasan ko na talaga ‘to!

Tila nagtatakang pa ako nitong tinitigan. “Why? Malakas naman iyong aircon, love. wait palakasan ko iyon aircom–”

“‘Wag na! Okay lang ako. Umusog ka na lang.”

“Okay,” tugon nito saka umusog na nga at umayos nang upon. Nakahinga naman ako nang maluwag sa wakas ay sumunod din ito sa akin.

Buong biyaheng tahimik lamang ako. Si Dylan naman ay tila may sariling mundo, minsan napapangiti pa ang loko!

‘May sapak yata ang isang ‘to!’

Pagkarating namin ay inalalayan na ako nitong makababa. Panay pa ang kuha ng pictures sa amin kaya wala akong magawa kun ‘di ang ngunit sa camera.

“You want me to carry you?”

“Hindi na, kaya ko naman maglakad.”

Gusto pa ako nitong kargahin. Nakakahiya kung nagtaon. Sobra!

“Lilianna, congratulations to the both of you! Ang guwapo ng napangasawa mo,” Sabi ng babaeng lumapit sa akin.

“A-ah. Thanks for coming, po,” tugon ko habang nakangiti dahil hindi ko naman ito kilala.

Nang makaalis ang bumati sa amin ni Dylan ay sakto namang lumapit sina mommy. Parang gusto ko na sila yayain na umuwi kung hindi ko lamang ito kasal.

‘Buwisit kaseng Lilianna iyon! Kapag nakita kita, kakalbuhin ko talaga siya!’

“Anak, ano? Okay ka lang ba?” nag-aalalang tanong ni mommy.

“Ano pa nga po ba ‘ng magagawa ko? I have no choice naman po ‘di ba?” Bakas sa mukha ni mommy na naaawa ito sa akin, kahit hindi naman nila ako pinilit ay tama lang na ginawa ko itong desisiyon ko.

‘Sa rami ba naman ng mga bisita bruha, lakas ng loob mag-imbita tapos tatakas lang naman pala! Nakakapang-init ng ulo!’

“Everyone! Let's give them a round of applause, our new married couple. Mr. and Ms. Monteverde!” Sumigabong ang palakpakan ng lahat na naroon.

Nang lumingon ako upang hanapin sina mommy ay saktong nakatingin sa akin si daddy at tumango.

'Ito na iyon? Paano?'

Hud'yat na tuloy na ang plano. Kailangan kong makaalis dito ngayon. Bigla naman ako nakaidlip nang paraan kaya nagpaalam na muna ako kay Dylan na mag-restroom lang muna ako.

"Love, rest room lang ako, ah? Babalik ako agad."

"Sure, sasamahan na kita." Paktay!

"Ahh... No. It's okay, 'wag ka nang sumaman. Ikaw na Muna ang bahala sa mga bisita. Ikaw na muna kumausap sa kanila," pangungbinsi ko pa sa kan'ya.

"Sigurado ka? Baka mahirapan ka sa gown mo."

"Hindi, kaya ko na 'to. please?" pinalambing ko ang pagkasabi nun at mabuti na lang pumayag naman.

"Okay, call me if you need help, okay?"

"Okay."

Nakita kong Wala na si dad sa puwesto niya kaya alam kong naghihintay na ito sa akin. Naadali na akong umalis at hinanap kung saan ang daan patungong exit pero hindi ako puwedeng mahalata.

"Oh, Lilianna. Sa'n ang punta mo? Lalabas ka ba?"

'Shit naman!'

"Ahm... Hindi, rest room lang."

"Ay gano'n ba? Hindi iyan ang daan. Doon pa sa kabila Ang rest room. Samahan na lang kita, kailangan ko rin mag-retouch eh."

"Naku, okay lang talaga ako. Mauna na ka, punta na muna ako sa friend ko." Agad ko na itong tinalikuran.

'Bahala ka diyan!'

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status