Share

Chapter 2 - Pagpapanggap

Hahakbang na sana ako upang puntahan si Dylan at kausapin nang may kamay na humila ng braso ko pabalik. 

“Saan ka pupunta, Bria?” 

“Lia?” Ang paraan nang titig sa akin ni Lia ay tila magkahalong inis at galit na hindi ko alam kung bakit? Hindi ba siya masaya na narito ako sa birthday ni daddy?

“Yes, saan ka pupunta? Bakit narito ka?” Hindi ko na lang pinansin ang pagkamaldita nito. 

“A-ah… Su-surpresahin sana kita, eh!” 

“Talaga? Well, I'm not surprised, Bria!”

Nangunot ang noo ko! Bakit ba siya ganito?

“Lia? Ano ba ‘ng nangyayari sa iyo? Hindi kita maintindihan.”

“Follow me!” Pagtalikod niya ay agad naman akong sumunod hanggang sa makarating kami sa k’warto niya. 

“Nakita mo ba ‘yong boyfriend ko?” tanong niya agad sa akin na tinanguan ko naman. 

“Siya nga pala, paano mo nakilala si Dylan?” tanong ko. Inaamin kong may kirot sa puso ko nang sabihin niya sa harap kong boyfriend niya na ito. Ang tagal kong hinintay si Dylan tapos ito pa ang malalaman ko. 

“Ah, iyan ba? Siya lang naman ang kusang lumapit sa akin isang araw, nagulat nga ako, eh! Ang sabi pa niya ay masaya raw siya kasi nakita niya akong muli at dun nga sa probinsya una niya raw akong nakita at nakilala. So, naisip kong ikaw ang tinutukoy niya. Isa pa, hindi niya pa alam ang pangalan mo kaya ayun– nagpakilala na lang ako. Sinakyan ko na lang din iyong mga sinasabi niya,” mahabang saad ni Lia at nakaramdam ako ng galit.

‘Kaya ba hindi na siya nakabalik?’

“Bakit mo ginawa iyon? Dapat sinabi mo iyong totoo, Lia,” may hinanakit kong sabi sa kan’ya. 

“Bakit pa? Ako na ang nasa harap niya eh! Sayang, guwapo pa naman!” pagmamayabang pa ni Lia, naiinis ako sa pagiging makasarili niya! Pero, hindi! Kailangan kong makausap si Dylan upang malaman nito ang totoo. 

“Hindi! Kakausapin ko si Dylan!”

“Don't you dare. Brianna! Boyfriend ko na siya ngayon at ‘wag na ‘wag kang magpapakita sa kan’ya!” 

Biglang isinara ni Lilianna ang pinto at hinarangan ako upang hindi makalabas. 

“Lia, palabasin mo ‘ko! Hahanapin na ‘ko nina Daddy.”

“No! You stay here!” 

“Are you insane? Anong gagawin ko rito sa kuwarto mo?!

Tumaas na rin ang boses ko dahil sa tensyon sa pagitan namin ni Lia, nagpanggap siya bilang ako! Nagpumilit akong lumabas ngunit hindi niya talaga ako hinayaan na makalabas. 

“Hindi ka niya puwedeng makita!”

“Bakit? Natatakot ka baka ako ang piliin niya kapag nalaman ni Dylan ang totoo?” Lihim akong napangiti nang matigalan si Lia. Hindi Malabo iyon!

“Shut up! He doesn't know that I have a twin sister!” singhal niya sa akin. Huh?! Pati pala ang pagkakaroon niya ng kakambal ay inilihim niya rin? Ibang klase!

“What’s wrong with it? We should tell him, mabuti iyan at magka-alaman na.”

“I said, no! Subukan mo lang, Brianna! Pagsisisihan mong naging kakambal mo ‘ko!” 

Biglang bumukas ang pinto at pumasok sina mommy at daddy. 

“Anong kaguluhan ito?!

“Mom!”

“Dad!” 

Sabay naming sambit ni Lia. Siya ay lumapit kay mommy at ako naman kay daddy.

“Daddy, ayaw ho akong palabasin ni Lia dahil ayaw niyang malaman ni Dylan ang totoo!” ako na ang naunang magsalita at sinamaan naman ako nito nang tingin. 

“Ano? Anong toto, Lilianna?” 

“I don't care! Mommy, boyfriend ko na si Dylan at gusto niyang agawin ang boyfriend ko,” pagsusumamo niya kay mommy. Nanggigigil ako sa pagkukunwari niya!

“Hindi ko siya inaagaw! Alam mong ako ang tinutukoy niya pero nagpanggap kang ako!” 

“Enough! Ayaw kong nag-aaway kayo!” galit na awat ni daddy sa amin. 

“Bria, anak. Pagpasensyahan mo na ang kapatid mo, please? Wala na rin naman tayong magagawa dahil boyfriend na niya si Dylan.” 

Nadismaya ako sa sinabi ni mommy, ang akala ko ay itatama nito si Lia ngunit hindi pala. Nanubog Ang mga mga mata sa luhang nagbabbad’yang tumulo. Pakiramdam ko ay kumakampi siya kay Lia. Kitang-kita ko pa ang lihim na pag ngiti nito. 

“Hindi po siya puwedeng makita ni Dylan, hindi ko po sinabing may kakambal ako,” dagdag pa ni Lia. Napabuntonghininga na lamang si daddy at naghihintay akong kakampihan ako nito ngunit nadismaya lamang ako. 

“Anak, Brianna. Sa k’warto ka na lamang muna. Hintayin mong makaalis na muna ang boyfriend ng kapatid mo bago ka lumabas.” 

“Dad?! Pati ba naman ho kayo?” 

“Bria, please… Birthday ng Daddy niyo ngayon kaya ‘wag na kayong mag-away!” 

Hindi na ako sumagot pa at patakbong nagtungo sa k’warto ko. Sobrang sama ng loob ko ng mga oras na iyon! Sising-sisi ako kung bakit pa ba ako lumuwas. 

Kahit nang ipatawag ako ay hindi na ako bumaba ulit. Sinong pa ‘ng may ganang bumaba at humarap sa kanila kung mugto ang mga mata kaiiyak? 

Hindi na ako nagtagal sa bahay, masama talaga ang loob ko at ayaw kong magkunwari. Na-approved ang visa ko papuntang France kaya hindi na talaga ako nagdalawang isip na umalis. 

“Aalis ka, Brianna?” tanong ni daddy. Kahit gano'n ay nagpaalam pa rin ako sa kanila ni mommy.

“Opo,” tanging tugon ko. 

“Kaluluwas mo pa lang, aalis ka na naman? Ayaw mo ba kaming makasama?! may himig na tampo ang boses ni daddy ngunit buo na ang loob ko. 

“Anak, ‘wag naman muna. Hindi pa nga tayo nakakapag-bonding gaano,” sabi naman ni mommy. Kahit ano pa ang sabihin nila ay hindi magbabago ang desisyon ko. 

“Nariyan naman po si Lia, ‘di ba?” 

“Let her, Lucy! Kung iyan ang gusto ng anak mo ay ‘wag mo nang pigilan. Tama! Narito naman si Lilianna. 

Pagkasabi nun ni daddy ay tumayo na ito at umalis na. Mapagpasensyang tingin na lamang ang ginawa ni mommy bago nito sinundan si daddy. 

“Paano ba iyan? Two points for Lilianna!’’ 

Bigla naman lumabas si Lia sa kung saan habang pumapalakpak. Mukhang nakinig ito sa usapan namin nina mommy.

“Puwede ba, Lia. Ayaw ko nang ganito! Hindi ka ba nahihiya sa parents natin?” Naglakad siya na parang walang narinig sa mga sinabi ko. 

“Bakit? Inaano ko ba sila? Sa pagkakaalam ko ay sa iyo lang masama loob ni Daddy. Hindi sa akin. Hayst… Kawawa ka naman, twinnie. So, maiwan na kita– Loser!” 

Kaikuyom ko ang aking kamao sa sobrang pagtitimpi! Kapag pinatulan ko si Lia ay siguradong ako na naman ang magiging masama sa paningin ng parents namin at ayaw ko nang dagdagan pa ang sama ng loob ni Daddy.

Naputol ang paglalakbay ng isip ko nang mag-pop up ang message ni mommy at agad ko naman iyong binasa; 

Mommy : “Anak. Here's the date of your sister's wedding. See you soon.” 

June 16, 2024 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status