Share

Expect The Unexpected Marriage
Expect The Unexpected Marriage
Author: Katana

Prologue

Nakangiti si Dylan nang muling pagmasdan ang kwintas na binili nito para kay Liliana. Second wedding anniversary na kasi nila kaya ito ang naisipan niyang iregalo. Nasa labas na ito ng gate nang namataan nito ang isang sasakyan, nangunot ang noo ni Dylan dahil mukhang may bisita pa yata sila. Ang alam niya ay wala namang nabangit si Lilianna tungkol doon. 

“Lia, please… ‘Di ba sinabi ko naman sa iyong bigyan mo muna ako ng panahon para makaalis? Hindi madali para sa akin ang gusto mong mangyari,” pakiusap ni Bria kay Lilianna. Ngayong nagbalik na ito mula sa kung saang lupalop man ito nanggaling ay tila laruan lamang si Dylan ngayon na puwede niyang bawin hangga't kailan nito gusto!

“At bakit, Bria? Ha? Hulog na hulog ka na ba? Baka nakalimutan mong ako ang tunay na asawa!!” may diing sabi pa ni Lilianna. Alam ni Bria na isang araw ay magbabalik ang kakambal sumabalit hindi siya handa sa biglaang pagdating nito.

“It's our second wedding anniversary, for the last time, baka puwedeng kahit ito na lang ay ibalato mo na sa akin,” pagsusumamo pa nito kay Lilianna ngunit walang epekto ang mga salita ‘t pagmamakaawa ni Bria kay Lilianna. Babawiin niya na ang kan’ya!

“No way, Bria! I think this is the best timing upang magpalit na tayo, ako na ang bahala ngayong anniversary na pala namin ng ASAWA KO!” masayang sambit pa nito. Napatutop ng bibig si Bria dahil talagang hindi papayag si Lilianna sa hiling niya. Sobrang nasasaktan ngayon si Bria na tila tinutusok ang puso niya dahil sa isang iglap ay mawawala na si Dylan sa kan'ya. 

“Lia, ano ba?! Hindi pa ako handa–”

“Shut up! Hindi ka rin naman handa noon bilang ako, but you did great! Umabot pa nga ng dalawang taon ‘di ba?” Nakangising sabi pa ni Lilianna. Hanggang ngayon ay mahina pa rin ang tingin nito kay Brianna. Napakatanga!

“Sino ka?” Natigilan pareho sina Brianna at Lilianna nang biglang magsalita si Dylan, kanina pa ito nakikinig sa kanilang dalawa. Nang mai-park ang kotse ay nakangit pa itong naglakad patungo sa loob, natigilan lamang ito nang may tila nag-uusap. Nawala ang ngiting nakapasksil sa labi nito.

“D-Dylan…” sambit ni Brianna. Lalo itong nangamba dahil ngayon na mismo malalaman ni Dylan ang totoo. Paano na siya?

Dahan-dahan namang humarap si Lilianna kay Dylan at gano'n na lamang gulat sa mukha ni Dylan. Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa asawa niya at sa babaeng kamukhang-kamukha nito. 

“Hi Love, I missed you!” Biglang sinalubong nang mahigpit na yakap ni Liliana si Dylan, ni akala mo ay walang nangyari. Iniwas naman ni Brianna ang kaniya paningin nang yumakap ito kay Dylan. Parang pinupunit ang puso niya maging ang mga luha ay hindi niya mapigilang magsibagsakan. 

Naguguluhang tinulak ni Dylan si Lilianna sa pagkakakap sa kan’ya. Nilingon ang asawa na umiiyak. 

“A-anong– paanong nangyari ‘to? Dalawa kayo?” 

Ngunit tila baliwala lamang kay Lilianna ang gano’ng reaksyon ni Dylan sa halip ay lumapit pa itong muli at yumapos sa leeg ni Dylan habang nilaro-laro ang kurbata nito. 

“I will explain to you everything, love. Happy second wedding anniversary.” Agad na hinalikan ni Liliana si Dylan sa harap ni Brianna. Parang sasabog na si Bria sa sobrang galit ngayon at halo-halo na ang kaniyang emosiyon. Bakit ito nagagawa ni Lilianna sa kan’ya? Bakit siya nito pinapahirapan?

“W-wait! Paanong ikaw ang asawa ko? Siya ang asawa ko.” Turo ni Dylan kay Brianna na ngayon ay nakayuko habang umiiyak. 

“Dylan, love… I am your real wife, she's Brianna. My twin sister,” sabi ni Liliana. Parang bombang sumabog naman iyon sa tainga ni Brianna. Hindi man lang siya binigayan ng pagkakaon ni Liliana upang magpaliwanag kay Dylan. 

“WHAT? Is this true?” Baling naman na tanong ni Dylan kay Bria. Niloko lamang siya nito! 

“I-i’m sorry,” tanging lumabas sa bibig ni Brianna. Hindi na niya alam ang gagawin, ayaw niyang mawala sa kan’ya si Dylan. Akala niya noon ay tuluyan na niyang nakalimutan ang lalaki at nawala na ang nararamdaman para rito sumabalit bumalik ang lahat nang ikinasal sila ‘t nagsama. 

Dumilim ang mukha ni Dylan, mataalim ang mga titig nito kay Brianna at gayun din kay Lilianna. Bakit nagawa ng asawa ang bagay na ‘to? Hindi rin nito alam ngayon kung sino na nga ba ang totoong asawa sa dalawa! Hindi magbabago ang katotohang niloko lamang siya ng mga ito! 

“Get out!” may pagtitimpi ngunit may diing sambit ni Dylan. Napangiti naman si Lilianna dahil hindi man lang siya umano nahirapan na mabawi ang asawa. 

“Oh, Brianna? Hindi mo ba narinig ang asawa ko? You may–”

“And you also. Both of you, get out!” napataas ang boses ni Dylan kung kaya't napa-atras naman si Lilianna. 

“Dylan, mag-usap tayo sandali,” hinging pakiusap pa muna ni Brianna. Gusto niyang sabihin lahat kay Dylan mula sa umpisa at kung paanong nangyari ang pagpapanggap niya. 

“Huh! I can't believe this! Nagpakasal ako sa taong hindi ko pala kilala. And what the hell are you trying to say this time?” nasasaktan si Brianna sa paraan nang mga titig sa kan’ya ni Dylan ngayon. Ang dating puno ang pag-ibig nito para sa kan’ya, ngayon ay tila walang emosiyon na ito. Parang bulang naglaho.

“Love, let me explain… Let's talk, I will tell you everything. I'm sorry, I love you,” sabi naman ni Lilianan. Handa siyang gawin ang lahat makuha lang ang asawa, alam niya naguguluhan lamang ito at kapag nagkausap na sila ay alam niya sa sarili na siya pa rin ang pipilitin nito kesa kay Brianna. 

“Yeah! We need to talk but not this time, you can leave now,” malamig na sagot naman ni Dylan. Kahit na ayaw pang umalis ni Lilianna ay sinunod na lamang nito si Dylan. 

“Okay, love. I’ll wait for you!” Humalik pa ito sa labi ni Dylan at hindi man lang umiwas ang lalaki. Kitang-kita iyon ni Brianna, halos mabuwal na siya sa kinatatayuan. Alam niyang talo na siya! Mabuti pa si Lilianna ay binigyan ni Dylan nang chance upang makapag-explain, bakit siya ay hindi?

“Dy–”

“Umpisa ngayon, ayaw na kitang makita o makausap. Tapos ka na sa pangloloko mo sa akin kaya makakaalis ka na–”

“Dylan, makinig ka naman sa akin. Nakikisap ako.” Hindi na napigilan ni Brianna ang lumapit kay Dylan at hinawakan niya ito sa braso ngunit inalis lamang iyon. ,”paki iwan na lang ng susi na nasa iyo bago ka lumabas.” 

Hindi na nakaimik pang muli si Brianna sa lamig nang pakikitungo sa kan’ya ni Dylan. Gustong-gusto niya itong yakapin, miss na miss niya ito dahil buong araw na hindi sila nag-uusap tona dalawa simula nang umalis ito kaninang umaga. Kung alam niya lamang na ito na pala ang huli ay sinulit na niya sana. 

Magbibigat ang bawat hakbang ni Dylan habang papalayo sa babaeng nakasama niya ng dalawang taon. Galit siya sa babae ngunit nasasaktan siyang makita itong umiiyak, sa huli ay mas pinairal pa rin ni Dylan ang galit dahil hindi lang iyon basta biro lang. 

Nagulat pa ito nang may mga kamay na yumapos sa kan’ya mula sa likuran. Yumakap nang mahigpit si Brianna kay Dylan, ito na ang huling pagkakataon na mayayakap ang lalaking mahal niya. 

“Mahal na mahal kita, Dylan,” buong pusong inaalay nito ang katagang iyon para sa lalaking para sa kan’ya ay una’t huling mamahalin. Nagtagal ng ilang minuto sina Bria at Dylan sa gano'ng tagpo ngunit nagmatigas si Dylan. 

Nang hindi man lang gumalaw si Dylan at hinarap si Brianna ay ito na ang kusang bumitaw. Humahaguhol itong kumalas sa pagkakayakap kay Dylan at tumalikod na. Walang lingon-likod itong umalis na walang dala na kahit na ano. 

Kasabay ng kaniyang mga luha ay siyang patak rin ng ulan, masama ang panahon at tila nakisimpat’ya sa damdamin ni Bria. Napadapa ito dahil sobrang hinang-hina ang mga tuhod at talagang masama ang pakiramdam. 

Napangiti si Bria nang may maalala. Kinuha nito ang maliit na box sa kaniyang bulsa, hilam ang luha nang buksan niya ito. Laman nun ay ang relago kay Dylan. Ang pregnancy test, buntis siya ‘t magkakaanak na sila!

‘Kaya ka ba dumating ka, kasi sasamahan mo si Mommy? Hmmn? Mahal na mahal kita, anak ko.’

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status