Share

Chapter 6

“Dad, tuloy pa ba? Paano?”

“Sobrang maraming tao anak. T’saka nakakahiya sa mga bisita, sa ibang araw na lang kaya?” Napabuntonghininga ako dahil iyon din ang inaalala ko. Pero paano ako makakatakas kay Dylan mamayang gabi? Hindi pa ako handa na isuko ang bataan ko!

“Pero iyong honeymoon ang inaalala ko, Dad. Hindi naman ako papayag ng gano'n,” maktol ko kay daddy. Parang ayaw ko na nga lang bumalik dun sa loob kung puwede lang eh!

“Ikaw na lang ang bahala, anak. Pasensiya ka na talaga,” sabi pa nito.

“Sige, ako na po ang bahala mamaya. Pumasok na lang po kayo ro’n sa loob.

“You okay now?” tanong ni Dylan nang makabalik na ako. Hindi pa rin ito kumakain at mukhang hinintay pa ako. Ang mga bisita naman ay abala na sa pagkain nila.

“Yeah, Thank you. Bakit hindi ka pa kumakain?”

“Hinintay kita. Ayaw kong kumain nang hindi kita kasabay,” malambing na sabi nito. Ngumiti naman ako at nag-umpisa nang sumadok ng kakainin nang biglang inagaw nito ang servings spoon sa kamay ko at siya na mismo ang naglagay.

‘Gentleman talaga siya noon pa!’

Dylan's Pov

Nakatanaw lang ako ngayon kay Lilianna habang may hawak pa itong bote ng alak na iniinum niya. Napapailing na lamang ako dahil nagpakalasing talaga siya ngayon. Umiinom naman talaga siya pero hindi pa siya naging ganito kung maglasing.

“Whhooh… Cheers! Tagay pa!” Abay tungga na naman. Muntik pa itong matumba kaya agad na nilapitan ko na ito at baka masubsob pa.

“Hey love. Careful.” Naniningkit ang mga mata nitong tumingala sa akin upang pagmasdan ako.

“U-uyyy, p-pogi! Tara shot tayo!” Pinipilit pa nitong umayos nang tayo subalit mukhang hindi na nito kaya pa kaya kukunin ko na sana iyong bote ngunit ayaw niya pang ibigay.

“S-shaandali! Hindi pa ‘ko lasheengg. Sinong lashhenng? Ikaw yata eh,” sabi niya pa.

“Love, enough. You're drunk. You look so wasted, let's go home.”

“Opss… Stop!” Pigil niya sa akin. ,”gusto ko pang uminom. Wala! Mahina ka pala eh!”

“Dylan, lasing na iyang asawa mo. Mabuti pa ay i-uwi mo iyan,” sabi ni daddy. Lumapit ito sa akin at mukhang paalis na nga sila. “,malakas palang uinom iyan? Ibang klase,” natatawang sabi pa ni daddy.

“Okay, Dad. Dadalhin ko na nga ‘to at sobrang lasing ma. Mauna na po kayo.”

“Love, come on. Let's go home now!” Inakay ko na ito palabas. Sinenyasan ko naman agad ang driver na salubungin na kami nito sa entrance.

“Hmmn… Bakit? Nasa bahay naman ako, ah? Cella…kuha ka pa ng alak gusto ko pa…”

“Sir, saan ko kayo uuwi?”

“Sa condo ko, po. Mas malapit iyon dito. Sa backseat na kaming dalawa at mabuti na lamang ay nakatulog na ito.

‘Seriously? Nagpakalasing ka ngayon kasal natin ah!’

Inayos ko ang ulo nito nakasandal dibdib ko at pinagmasdan ko ang mukha niya, kinintalan ko ito ng halik sa noo. Buti na lang sa susunod na araw pa ang flight namin for honeymoon dahil may kailangan pa akong tapusin na trabaho para makabakasyon naman ako ng matagal.

Siguraduhin kong pagbalik namin ay may laman na ang tiyan nito. Sabik na ang parents kong magka-apo pero nasasabik ako, gusto kong alagaan na silang dalawa at sa tuwing umuuwi ako from work ay sila ng sasalubong sa akin ng anak namin.

“Nakakainis ka naman… Sino ka ba? Ha? Porket pogi ka noon ay magiging pogi ka pa rin ngayon. Akala mo madadala mo ako sa paganiyan-ganiyan mo!” Kumunot ang noo ko dahil hindi akalm kung sino ang tinutukoy niya.

‘Nagsisisi ba siyang nagpakasal sa akin?’

“Love, wake up. Malapit na tayo at para makapagbihis ka na lang namin,” ani ko.

Minabuti ko na lang buhatin ito kesa mabuting sagot niya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status