Share

Chapter 3 - Pagbabalik

Kalalapag lang ng eroplano at sa wakas. After 2 years ay nakauwi na rin ako. Nag-message na ako kay mommy na nakating na ako at hindi na rin ako nagpasundo dahil isang maleta lang naman ang dalawa ko. 1 week lang ang leave ko dahil wala naman akong balak na matagal pa.

Tumuloy ako sa condo unit ni Cella, pinapaupahan niya ito at dahil nakalipat na umano ang nangupahan ay inalok niya na doon na lamang ako tumuloy. Ayaw ko rin na maglagi sa bahay.

‘Pero, baka naman nagbago na talaga siya?’

Bukas na raw ang kasal nila kaya mamayang gabi na lamang ako uuwi sa bahay, gusto ko na munang matulog dahil med’yo makirot ang ulo ko.

Nang magising ako ay agad na akong nag-asikaso upang makauwi na. Pagdating ko ay namangha ako sa ginawa nilang decorations. Mukhang pinaghandaan talagang mabuti. Agad na namataan ng mga mata ko si lola kaya nagmadali akong lapitan ito at tinakpan ng aking dalawang palad ang mga mata nito.

“Apo ko?” Napangiti ako dahil nakilala ako agad ni lola.

“Ang daya naman! Hindi naman po muna kayo nagulat,” kunwaring nagtatampo kong sabi.

“Na-miss kita, Brianna. Ang ganda-ganda mo naman apo ko.” Yumakap ako kay lola dahil sobrang na-miss ko rin talaga sila ni lolo.

“Nasaan po sina Mommy?”

“Ay tara sa loob. Siguradong matutuwa sila ‘t narito ka na.” Naka-akbay ako kay lola habang ito naman ay nakayapos sa katawan ko. Grabe, ang ganda ng palibot. Parang ito rin noon ang pangarap ko kapag ikinasal ako eh!

“Lucy! Narito na si Brianna!”

“Brianna… Ikaw ba talaga iyan? Naku! Ang anak ko.” Sinalubong ako ni mommy nang mahigpit na yakap. Hindi ko mapigilan ang mga luha ko nag-uunahang magsipatakan. Parang nakaramdam ako ng bigat sa dibdib na mukhang naipon ko lamang sa loob ng dalawang taon.

“Mommy,” tanging nasambit habang umiiyak. Ramdam ko naman na panay ang halik ni mommy sa ulo ko.

“Shhh…tahan na, welcome back. Anak.”

“Uhh… Na-teary eyed naman ako sa tagpo ninyo, mom.”

Heto na ang kakambal kong magaling!

“Narito na ang kapatid mo, Lilianna. Dapat ay masaya ka dahil dalawang taon siyang nawalay sa atin,” sabi naman ni mommy.

“Yeah. I know, right? Sino ba ‘ng may gusto na umalis noon? Hindi ba at siya?”

“Lilianna!”

“Okay, okay, relax. It's my wedding tomorrow. So, my dear sister. Welcome back,” sabi pa nito na may pekeng ngiti bago umakyat.

‘Akala ko pa naman ay nagbago na siya!’

Kinaumagahan ay nagulat ako dahil sa uma-alingawngaw ang boses ni daddy. Dito na kasi ako nakatulog dahil nag-usap kami ni daddy at nagkaayos na rin sa wakas. Tila nabunutan ako ng tinik nung mga sa dibdib ko at ang sarap sa pakiramdam.

Pagtingin ko sa wall clock ay alas sais pa lang ng umaga at ang kasal ni Lilianna ay ala una pa ng hapon. Nagsuot ako ng robe bago lumabas upang tingnan ang nagaganap sa labas.

“Walang hiya iyang anak mo, Lucy! Bakit niya nagawa ang bagay na ito?! Binigyan niya pa tayo ng kahihiyan!”

“Anton! Kumalka, please. Tatawagan ko si Lilianna.”

“Paanong kakalma? Iyong anak mo tumakas sa araw ng kasal, pakakalmahin mo ako?!

“Mom, Dad? What's going on here? Why are you shouting?”

“Hay naku, Brianna. Ang magaling mong kapatid, ayun! Umalis nang walang paalam at iiwanan tayo ng kahihiyan!”

“W-what? Saan naman daw po siya pupunta? God! How about the wedding? Ready na ang lahat ‘di po ba?”

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ng kakambal ko at naisipang mag-run away bride.

“Ito, para sa iyo iyan! Basahin mo!” Inabot sa akin ni dad ang isang sulat galing umano ito kay Lilianna para sa akin. Pagkakuha ko nun kay daddy ay minadali ko na iyong basahin.

Dearest Bria,

Brianna, I know that you will hate me after you read this. That's why I am really sorry but I have my reason.

Please, Brianna. Do my part, just continue the wedding as you are the bride. Isipin mo na lang na kasal mo talaga iyan! I owe you a lot for this, promise babawi ako.

I love Dylan but I have my dream too. Nagawa mo naman na ang gusto for the past two years kaya hindi naman siguro masama na gawin ko rin iyong akin.

Try to pretend that you are Lilianna. Dylan didn't know that I have you, my twin. I'll promise to be back soon. Do your best, okay? I'm sorry.

–Lia

Parang hindi pa nagsi-sink in sa utak ko ang mga nabasa ko sa sulat ni Lilianna.

“No! It can't be, Lilianna. No way!”

Nanginginig ako sa sobrang galit ngayon! Sobra-sobra na ‘tong pabor na gustong mangyari ni Lia. Hindi ako papayag!

“Bakit anak? Ano ang nakalagay sa sulat?” Kinuha ni daddy ang sulat sa kamay ko at binasa.

“This is bullsh*it!” nilakumos ni daddy ang sulat. Ang laking problema ang iniwan ni Lia sa amin.

“Lucy, saan ba nagmana iyang anak mo na iyan sa katigasan ng ulo? Ano ba ‘ng akala niya sa mga tao rito? Ipapakasal niya ba naman si Brianna sa mapapangasawa niya!”

“Hindi ko rin alam, Anton. Lahat naman ng hiningi niya binigay natin sa kan’ya.”

Maging si mommy ay umiiyak na rin. Hindi biro itong ginawa ni Lilianna. Kaya tumayo ako upang magbihis. Ibabalik ko siya rito!

“Saan ka pupunta, Brianna?”

“Ibabalik ko ang babaeng iyon dito, Mom. Sa ayaw at sa gusto niya!”

“‘Wag na! Masasayang lamang kayo ng oras. Matalino iyong lintik na batang iyon, kita niyo ngang umalis siya nang may sulusyon sa iniwan niyang problema.” Pigil sa akin ni daddy.

“At ano, Dad? Ako? Papayag kayong ikasal ako sa dapat ay pakakasalan ni Lia, gano'n ba?”

“Anak, wala na tayong ibang choice. Mapapahiya lang tayo.”

“Paano naman ako, Mom? Dad? Sasaluhin niyo na naman ba si Lilianna?” Parang gusto sumabog ang hinanakit ko sa nangyari noon sa pagitan namin ni Lia. Tapos ito na naman ngayon!

“Brianna, hindi kita pipilitin anak. Ikaw ang bahala kung ano desisyon mo. Mauna na ako sa kuwarto, gusto ko nang ymagpahinga.”

Ngunit natigilan kami pareho ni mommy sa sinabi ni daddy. Bagsak ang balikat nitong nagpaalam sa amin. Parang tinutusok ang puso ko ng sandamakmak na karayum na makita kong gano'n kalungkot si daddy. Pailing-iling pa ito habang naglalakad paakyat ng hagdan.

“Pag-isipan mo anak, sundan ko lang ang daddy mo. Sabihan mo ‘ko agad kung ano ang desisyon mo, okay?” Yumakap muna si mommy bago ako nito iwan. Gulong-gulo ang utak ko sa mga nangyayari. Dapat nasa France ako ngayon kasama ang kaibigan kong si Cella at masayang nagtatrabaho eh!

May ilang oras pa ako upang makapag-isip.

“Sigurado ka ba ba sa desisyon, Brianna?” malungkot na tanong ni daddy sa akin. Nakabihis na ito dahil mauuna na sila sa simbahan.

“Yes, Dad. Mas lamang pa rin po kayo sa akin. Hindi ko po kayang mailagay kayo sa alanganin,” sabi ko. Pinisil ni daddy ang palad ko bilang pasasalamat at simpat’ya.

“Thank you so much, anak. Ikaw ang nalayo sa tabi nami pero ikaw pa ang gumagawa nito para sa amin. Pasensiya ka na, anak, ha?” Pinigalan kong maiyak.

“Daddy, tama na. Masisira iyong make-up ko, oh! Baka mamaya mas lalong hindi matuloy ang kasal dahil baka magbago ang isip ni Dylan.” Pareho naman kaming natawa ni dad. Mukhang na-imagine niya rin yata ang ibig kong sabihin.

“Ayaw mo nun? E ‘di libre ka na.”

“Malabo po iyon mangyari!”

“Sige na, anak. Good luck. Tuloy ang plano mamaya, okay?”

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Katana
Sana subaybayan ninyo Ang kambal.
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status