Share

Chapter 26

TINAKPAN ng gabing iyon ang karahasan nang nagdaang gabi. Sa buong magdamag ay dalawang beses siyang nagising sa maiinit na halik mula kay David. At muli at muli ay nagpaubaya siya. Muli at muli rin ay dinala siya ni David sa dako pa roon ng kaligayahang walang katulad.

Narinig na niya ang tilaok ng mga manok at nasisilip na ni Helaena mula sa kanyang bintana ang liwanag ng araw na nagsisimulang umahon mula sa mga bundok. Napansin niyang wala si David sa tabi niya.

Bumangon siya at napahinto siya sa tapat ng tokador at napansin ang note na iniwan ng binata para sa kanya. Sa tabi niyon ay may ilang one thousand bills. Dinampot niya ang mensahe at binasa.

Huwag ka nang pumasok. I've left some money.

Do some shopping. May sorpresa ako sa iyo.

SA OPISINA ay hindi naman mapalagay si Yvone. Tina-tap ng ball pen ang mesa nang muli siyang tawagin ni Sir Sebastian.

"Another termination, Yvonne," wika nito nang sumungaw siya sa pinto ng silid ng manager. "Please type another notice."

" P-para
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status