Share

Filling The Abandoned Holes
Filling The Abandoned Holes
Author: Tataiyah

Chapter 1

It's the usual day, I was adjusting the pedal when someone appeared on my side. 

"Ready ka na para bukas?" 

It was Prime. Hindi ko alam kung bakit lagi n'ya akong kinakausap kahit na madalas ay tipid na ngiti lamang ang sagot ko. 

"Hindi ko alam, medyo kinakabahan," tugon ko rito bago s'ya balingan ng tingin. 

Bagsak ang balikat, mapungay ang mga mata at bahagya itong nakanguso kaya kahit pilit ay ngumiti ako sa kan'ya. 

Did I just made him feel uneasy? 

But knowing Prime, hindi 'yon titigil hangga't hindi n'ya nakikita ang ngiti mo. And just like what he usually does, there it comes to his hands doing strokes on his brown curly hair. 

"Sure ako na magiging maganda ang performance natin bukas! Syempre andito ako," he cheered me up with an instant wink. 

Napairap ako. Oo na, magaling ka na. 

Pero minsan hindi ko maisip kung saan mo nakukuha ang mga sinasabi mo. 

Nadako ang tingin ko sa mga mata n'ya. Mapang-akit 'yon na kung titingnan mo ay baka malunod ka at hindi na makaahon pa. 

At hindi ko namalayang nangingiti na pala ako habang tinititigan 'yon. 

Napabungisngis s'ya nang makita ang pagngiti ko. "Ayun! 'Wag ka kasing laging nakasimangot! Nakakapangit yon. Ngiti ka lang lagi, ganito oh!" wika n'ya habang pinapakita ang pisnging binibira paitaas ng dalawa n'yang kamay. 

Naningkit ang mga mata ko at napasabay na rin sa kanya na kasalukuyan nang tumatawa. Ang sarap titigan ng ngiti n'ya. 

"Oo na, bumalik ka na don. Itono mo na yung gitara mo, baka dumating na yung tatlo. Isang rehearse ulit tayo."

"Yes, Ma'am!" usal nito bago sumaludo. 

For the next few minutes, I was lost in thoughts about him being too close. He's giving me false hopes and it's not a good sign. Ayoko rin namang mag-assume, mahirap na. 

Natigil ang pag-iisip ko nang bumungad ang isang lalaking nakasuot ng sumbrero sa pintuan. May hawak itong fries sa kaliwang kamay at isang 1.5 liters na coke naman sa kanan, kitang kita ang mapuputi nitong ngipin dahil sa bungisngis n'yang tila nanalo sa lotto. 

Sa likod n'ya, naroon ang dalawa ko bang kabanda. Katulad ni Brix, nakangisi rin si Jew habang si Ephraim ay nakahalukipkip at tila walang pakialam sa nasa paligid n'ya. 

"Andito na kami! Namiss n'yo ba ako?"  

Inirapan ko lamang si Brix. Napakahangin talaga. 

 

"At bakit ka naman ma-mi-miss?"

Napahawak s’ya sa dibdib at saka umaktong parang batang inagawan ng ice cream. "Ang sakit naman no'n momshie, hindi ba pwedeng magkunwari ka na na-miss mo 'ko?"

Napairap na lang ulit ako. Sa bagay, sa ilang taon na samahan namin, hindi na bago 'yon. He's the life of the band, kaya malungkot ang banda 'pag wala s'ya sa practice. 

Magsisimula na sana akong tumugtog ngunit nagulat  ako sa paghagis ni Prime ng tuner kay Brix na tumama sa may dibdib nito. "Itono mo na ‘yong bass mo hoy!" 

Biglang nagbago ang reaksiyon ng kan’yang mukha. Mula sa kaninang masayahin, tila naging blanko ito at nakakatakot. Weird. What's wrong with him?

"Naku, naku, jellyfish ka na naman sa akin Optimus! Hindi mo ba alam na ako talaga ang gusto ni Gail?"

Jellyfish? Humagalpak ito ng tawa at saka iminwestra pa ang hinlalaking nakadikit sa sentido na s'yang naging dahilan ng lalong pagkunot ng noo ni Prime. 

Agad rin naman itong natigil dahil sa alingawngaw ng gitara ni Jew. "Practice na tayo, isang pasada lang lahat oh!" 

Wala pa rin silang pinagbago. Mula noong binubuo ko pa lang ang banda, hanggang ngayon. 

Ang saya sa pakiramdam na nakakilala ako ng katulad nilang binibigyan ng tuon ang musika. I know they have lots of priorities but they still choose to do their passion. That's what I love about them. 

~

People talking side by side, my fellow musicians tuning their instruments, and a deafening sound of music playing the song The Resistance by Skillet, welcomed us. Every time we're invited to perform on events, I always get this tingling sensation I can't address. You can't say what it is unless you experience it. Basta sobrang fulfilling lang. 

"Set-up na tayo tapos mabilisang sound check lang," Ephraim immediately got his keyboard up to its stand and started setting it up. 

We did the same. Mali, maliban pala sa akin. Drumsticks lang ang kinuha ko sa dala kong bagpack. Mayroon na kasing ready na drum set doon na gagamitin ng lahat ng banda na magpeperform.

The thing about being a drummer whenever we perform is that I don't need to bring pieces of stuff, just the drumsticks and myself which is a good thing. Nakaka-stress 'pag maraming dala. 

I almost laugh out loud with that thought when Prime came to me again. 

"Kinakabahan ka pa rin?" 

I gave him a genuine smile. "Hindi na, okay lang ako, 'wag kang mag-alala."

"Sure ka?" 

Tumango lamang ako bilang tugon kay Prime. Bumalik na rin naman s'ya sa pwesto n'ya at saka tumugtog ng ilang chords sa gitara. 

"Sound check na tayo, yung Don't Stop Me Now na lang," pag tukoy ni Jew sa awiting iyon ng Queen habang inaayos ang effects ng kayang gitara.

Wala nang paligoy-ligoy pang nagsimulang tumugtog ng keyboard si Ephraim saka sinundan ng tinig na lubos kong hinahangaan mula noon hanggang ngayon. 

Napatigil at napatingin ang ilang kapwa namin bandista sa stage. Hindi ko alam kung dahil iyon sa pagtugtog nila o dahil mismo sa kanila. 

I would lie if I told you they're not head-turner guys. Madalas silang tinitilian ng mga babae 'pag tumutugtog kami. Madalas din akong may napapansing nagbibigay sa kanila ng kung ano-ano pagkatapos naming tumugtog. 

I can see girls from the corner of my eyes giggling, pointing at Prime's direction. 

I almost rolled my eyes with the thought of Prime being kind to girls. Lagi s'yang gano'n. Mabait s'ya sa lahat at doon ako naiirita ng todo. 

Girls are fragile and they can easily fall for someone's trap. With the looks, the talent, and the attitude, I think no one wouldn't fall for him. 

"Okay na 'yon." Jew uttered those words when the song ended. "Gail, yung tunog lang ng bass drum hindi masyadong rinig, medyo diinan mo ng apak sa pedal," he added. 

Tumango naman ako bilang tugon. 

Nang makababa kami ng stage, bumungad agad ang boses ni Shillem, best friend ko. Nakangiti ito sa akin na akala mo'y mapupunit ang labi. 

"Sis! Ang ganda mo talaga kahit kelan! Nakakainis ka, hmp!" Lumingon-lingon s'ya, tila may hinahanap at maya maya din lamang ay natigil ang atens’yon sa iisang direksyon. 

That made me chuckle. "Hulog na hulog na ba?"

Napakunot ang noo n'ya na s'yang naging dahilan ng paghagalpak ko ng tawa. 

"Huh? H-hindi ah! Tinitignan ko lang 'yong keyboard n'yo, a-ano kasi, bibili ako! Oo 'yon! Bibili ako ng keyboard! Gusto kong matuto! 'Wag kang ma-issue d'yan! Anong magandang tatak ng keyboard?" 

Mas lalo lamang akong natawa sa reaksiyon n'ya. Hindi talaga marunong mag-deny.  

"Kunwari ka pa! Bakit hindi si bebe Ephraim ang tanungin mo? Akin bang keyboard ‘yon?" pang-aasar ko pa lalo sa kanya. 

She then rolled her eyes. "Duh, as if naman papansinin ako no'n."

"Mabait naman 'yon, tahimik nga lang talaga."

"Kaya nga, gusto kong mapa-sa 'kin ..."

Malisyoso ko s'yang tiningnan. "Ay wow, ano ‘yon instant na makukuha mo agad? Ligawan mo muna oy!" 

Hindi ko na napigilan ang paghagalpak ng malakas. May ibang bandista na tumingin sa direksyon namin, at maging si Ephraim ay napatingin din. 

"Hoy baliw ka bakit ka tumalikod, mas lalo kang mahahalata no'n!" Nagulat ako dahil tumalikod pa talaga s'ya, akala siguro ay hindi mapapansin.  

"Tulungan mo kasi ako sis, mukhang maganda ang lahi ni Ephraim," kinikilig pa nitong usal. 

"Ligawan mo nga kasi."

"Kaso study first ako, pero kung s'ya ang naman magiging jowa, magagawan ko naman ng paraan 'yon."

Sasagot pa sana ako nang biglang nagsalita ang emcee ng event.

"Good evening, ladies and gentlemen! Welcome to the Annual Rakrakan Festival with a theme Rakrakan Festival: Music for our Mental Health. Just like last year, this year we will be having six main stages, namely: Aklas Move Stage, Lakas Mosh Stage, Tm Center Stage, Slam Stage, Peace Stage, and introducing one that's never been on the lineup before, Lahi Stage. To all the bands here, kindly proceed to your respective stages. We'll start in five minutes, thank you!"

Nakakakaba lalo 'yong hiyawan ng mga taong nanonood. First time naming ma-imbitahan na mag-perform sa Rakfest. 

Parang dati lang nangangarap kami na makapag-perform sa ganitong event, ngayon nagkatotoo na. Ang sarap lang sa pakiramdam.

Katulad ng sinabi ng emcee ay nagtungo na kami sa Tm Center Backstage at doon na nagsimulang dagain ang dibdib ko.

Iba-iba ang estilo ng kasuotan ng mga bandista, may mga naka-leather jacket, mga babaeng halos lumuwa na ang dibdib dahil sa mga sexy na damit, at mayroon din namang mga simpleng pumorma. Napatingin ako sa suot ko. This is my usual look. Fitted black pants topped with saggy sleeveless shirt and then paired with ankle boots. Then, I just let my black with a streak of blue green bob cut hair loose. 

"Tayo raw ang huling magpe-perform so standby lang muna guys," Jew informed us after he talked with the emcee. 

Maya maya pa ay tinawag na ang unang bandang magpe-perform. Karamihan sa mga banda na inaanyayahan sa Rakfest ay mga dati na ring nagpeperform dito kaya medyo nag-aadjust pa kami dahil nga baguhan pa lang.

Naitanong ko pa sa sarili ko no'n kung bakit ko 'to ginagawa. I almost lost everything because of this but I still chose to play. Pakiramdam ko kasi, dito ako sumasaya ng todo. 

"Guys, ready na, tayo na raw ang sunod d'yan," pagtukoy ni Jew sa bandang ngayon ay tumutugtog. 

Ito na 'yon. Nakakakaba man pero wala na 'tong atrasan pa. 

"Hi, good evening! Kami po ang bandang Sublime Outlander at bago kami tumugtog, gusto ko lang ipakilala 'yong mga kabanda ko." Prime started entertaining the audience with his charms. "Ephraim on keyboard," then there Ephraim comes doing exhibitions on the keyboard. "Brix on bass," like Ephraim, he did the same way. "Jew on lead guitar," umalingawngaw na naman ang lead guitar ni Jew. "Of course, Gail on drums," I just did some rolling when he call me. "And yours truly, your vocalist, I'm Prime."

The audience started screaming and at that very moment we started doing our thing as if that would be the last time that we will perform on stage. People are head banging and you can see that they are enjoying. Naisip ko, the most important thing about being a musician is that you can reach out people through music. 

When we ended the last song on our line-up, I almost stand on my seat not until Prime approached the mic stand and started talking to audience once again. 

"This will be our last song for this night. Ang title nito ay "Bituin". Sinulat ko 'tong kantang 'to para sa babaeng noon ko pa gustong-gusto. I know you're watching. This is for you."

Na-estatwa ako sa mga salitang lumabas sa kan’yang bibig. 

Sinong babae? Bakit hindi n'ya sinasabi na may nagugustuhan na pala s'ya?

Dala ang drumsticks ay agad akong nagtungo sa backstage. Ano 'tong nararamdaman ko? Why did I felt uneasy? 

"Sa bawat kislap ng 'yong mga mata, kumakabog ang dibdib~"

"Hindi mo ba nadarama, ako sayo'y nahulog na~"

"Alam kong maikli lamang ang pinagsamahan~"

"Ngunit totoong hindi ko naiwasang, ibigin ka."

Gusto kong kiligin. Pero alam kong hindi ako ang tinutukoy n'ya. Sino ba ako para magustuhan n'ya? Matapos ang hindi ko magandang trato sa kan’ya, siguradong malabo pa sa pagputi ng uwak ang iniisip ko. 

"Ika'y bituin, laging nagniningning, 'di mo man pansin, ikaw ang liwanag ko~"

"Ako'y nandito lang, nagmamahal sa'yo, dumating mang mawala ang ningning mo~"

"At kung sakali mang, mangyari nga iyon~"

"Hayaan mong sabay nating hanapin ito."

That sucks. It's like a courtship song and I hate it. Not because it's not beautiful, but because I know it's for the girl he likes. 

"Gustong gusto kita..."

Loud scream of the audience ate the stage. I almost came back to the stage but I chose to refrain from bursting out. Our eyes met. He's intently looking at me. I can feel the tension dominating the space between us. 

And the last phrases he uttered moved me to the highest level of joy I've ever felt in my lifetime. 

"Gustong gusto kita, Gail. Wala na 'tong atrasan, na-torpe ako ng matagal na panahon, pero hindi ko na hahayaang kainin ulit ako ng ka-duwagan ngayon."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status