Maraming salamat sa pag-aabang at sa gems. nakapag update na ako ng three chapters kay amazing twins.
"Friend, alam ko na kung bakit nagustuhan mong gawing body guard ang mangingisda na 'yan," Nabaling ang atensyon ni Hera sa direksyon kung saan nakatingin ang kaibigan niyang si Daphney. Nakita niya si Dwayne na nakaupo sa malaking tipak na bato, habang nagmamasid lang sa kanila na naliligo sa dagat. Maliwanag ang parte na inuupuan nito kaya malinaw sa kanila kung saan ito nakatingin."Bakit ang bodyguard ko naman ang pinapakialaman mo?" Sita niya sa kaibigan."Naku, kunwari ka pa, ayaw pag-usapan. Kaibigan mo 'ko dhay, matagal na, hindi tayo naging magkaibigan kahapon lang. Kanina pa kita minamasdan panay ang sulyap mo sa kanya!" Agad niyang tinakpan ang bunganga ng kaibigan ng tumaas ang boses nito."Ba't ba kailangan mataas ang boses mo? Ang lapit natin sa isa't-isa, kailangan pa bang sumigaw?" Nairita niyang wika sa kaibigan at kinalas ang kamay sa bunganga nito."Ikaw kasi, kailan ka na natuto na paglihiman ako, huh? Nakikita ko, mula pa kanina, panay ang sulyapan niyo sa isa't-is
“Kahit ikulong mo man ako, Dad, hindi pa rin magbabago ang pasya ko. Mamamatay muna ako, bago mo ako ipakasal kay Hector!” Tumayo si Hera mula sa inupuan na couch. Ngunit hindi niya inaasahan na tatayo rin ang kanyang ama upang sampalin siya.SLAP!Napapikit si Dwayne ng makita ang pagsampal ni Don Fernan, sa babaeng mahal niya. Gustong-gusto na niyang pumagitna sa mga ito, ngunit pinipigilan siya ng mga nagbabantang tingin ni Hera. Nakuyom niya ang kamao. Hindi niya kayang tingnan na makita itong sinasaktan ng ama. Pagkatapos ng mainit na gabi nila ni Hera sa dagat, mas lalo niya itong minahal, at masaya siya na makita kung paano nito pinaglalaban ang kanilang pagmamahal kahit palihim lang. Ngunit ganito pala kahirap kapag langit at lupa ang kanilang pagitan. Wala man lang siyang magagawa upang protektahan ito laban sa ama.“Wala sa’yo ang karapatan upang magpasya! Anak lang kita! Ako pa rin ang masusunod, magpapakasal ka kay Hector!” Napuno ng tensyon ang buong mansyon. Ramdam n
Di nagtagal pinarada ni Dwayne ang kotse sa harapan ng maliit na kumpanya ni Hera. Bagamat isang taon pa lang niya itong pinatayo, Sampu pa lang ang empleyado niya sa loob ng opisina. “Good morning Ma’am,” Bati sa kanya ng mga empleyado niya pagpasok niya sa loob. Kitang-kita niya ang pag-awang ng labi ng mga ito lalo na mga kababaihan, habang nakatingin kay Dwayne. Hindi na siya nagtataka dahil kahit saan sila pumunta ng binata, laging habulin ito ng mga mata ng mga kababaihan. Minsan gusto na niyang magselos, kung hindi lang siya umiiwas na malaman ng kanyang ama ang tungkol sa relasyon nila, gusto niyang laging nakapulupot ang braso niya sa mahal niya upang ipabatid sa lahat na taken na ito. Pagpasok sa loob ng opisina, agad niyang ni lock ang pinto at siniil ng halik ang labi ng binata. Alam niyang nagtataka ito sa inasal niya, ngunit gumanti pa rin ito ng yakap at halik sa kanya. Humihingal siya bago rin nito bitawan ang labi niya.Nakita niya ang pagsilay ng ngiti sa labi ni
“Tell him to call later.” nagmamadaling sagot niya sa sekretarya at tinungo ang IT Department. Pagdating niya, agad naman tumahimik ang Voice Control Recognition System at agad niyang nakita ang naiwan na boses nito nagconvert into Text message sa bawat Computer ng mga ito. “Goodmorning, this is Dwayne Villamor, speaking. Can I get an appointment with the CEO?” — ito ang nakasulat na sa mga computer nila. Dahil sa nabasa, hindi na nagtanong pa si Rheniel, agad na siyang tumakbo pabalik sa opisina niya. “Yung Dwayne, tumawag na ba ulit?” nataranta na tanong niya. “Hindi pa sir eh.” nagtataka ang sekretarya niya. “Call him back.” utos niya habang nakapamewang. Agad rin naman na sinunod ng sekretarya ang sinabi niya. Ilang sandali pa, kumonekta na ang call ng sagutin rin nito iyon. “Good morning, this is Dwayne Villamor, speaking.” “VIP Voice System Activated..5..4..3..2…1” Muling nag-ingay ang system operator. Inagaw ni Rheniel ang telepono mula sa kabilang linya. Malakas ang kut
“Love, tama na muna ‘yan, binilhan kita ng pagkain sa labas, alam kong gutom ka na.” Umangat ng mukha si Hera ng marinig ang boses ni Dwayne. Kaya pala biglang nawala ito sa loob ng opisina niya, ‘yon pala bumili ng pagkain sa labas. Sinulyapan niya ang oras sa wrist watch niya. Napatakip siya ng bibig ng makita na past 12 midnight na pala. Umabot talaga siya ng ganitong oras sa pagpupuyat matapos lang ang lay-out plan niya. Isang linggo na niya itong ginagawa. Napangiti siya habang tinitingnan ang binata na abala sa paglalagay ng mga pinamiling pagkain sa maliit na mesa. Hindi niya maiwasan ang kiligin dahil sa sobrang maasikaso nito sa kanya. Binalingan siya nito. “Love, halika na, mamaya mo na balikan iyan. May naisip akong ideya, sigurado akong matatapos agad ang Lay-out mo.” Nagtataka ang kanyang mga mata na tinitigan ito? Anong idea na ‘yan?” “Basta, hindi ko sasabihin hanggat hindi ka muna kumakain. Hindi na tama itong pagpapalipas mo ng gutom.” Tumayo siya at lumapit rito.
“Baka gusto mong tumabi sa akin na umupo sa harapan, my future wife. Nakakahiya naman kasi kung dito ka lang sa likuran.” Nakangising wika ni Hector. “Excuse me Ma’am, kayo po ba si Engr. Hera Harrigan?” Nabaling ang atensyon nila sa isang naka unipormeng babae na kung hindi sila nagkakamali, isa sa mga staff ng Dome. “Yes,” tipid na sagot ni Hera. “Pwede po ba kayong sumama sa akin? Isama n’yo na rin po ang bodyguard ninyo. May ilang katanungan lang po tungkol doon sa Bid proposal na, na-submit ninyo.” Tumingin si Hera kay Dwayne, ngunit nagkibit-balikat lang ito. Hindi niya alam na may ideya na si Dwayne kung bakit sila ipinatawag. “Huh, mukhang hindi na kayo makakasali, Hera. Tsk. tsk. Kawawa naman ang pinagpuyatan mo.” “Hera, tandaan mo, huwag mong mabanggit-banggit ang pangalan ng kumpanya, kapag tinanong ka nila, kumpanya mo lang ang sasabihin mo.” Humihingal na wika ni Don Fernan. Kararating lang ng mga ito. Halatang nahihiya ito sa ibang mga contractors na sumali rin sa b
“Love, thanks God at gising ka na.” Nanatili pa rin siyang tulala ng niyakap siya ni Hera. Matagal siyang nakatitig sa pisngi ng dalaga, habang nakasandal ito sa dibdib niya. Kumalas ito ng yakap sa kanya at umangat ng mukha upang titigan siya. Sandaling nagtama ang kanilang mga mata. “Nashmin?” sambit niya dahilan upang mag-iba ang ekspresyon ng mukha nito. Nakita niyang nanlabo bigla ang mga mata nito dahil sa namumuong luha. “Love, Ano ba ang nangyari sa’yo? At sino si Nashmin? Babae ba siya sa nakaraan mo? O, pinagsabay mo lang kami?" Napakurap siya ng mga mata at umiwas ng tingin. Pakiramdam niya, natulog siya ng mahabang panahon at ngayon lamang nagising. Si Nashmin ang huling babaeng nakita niya sa kanyang panaginip, kaya napagkamalan niya si Hera na si Nashmin. Inikot niya ang paningin at nakita niya sina Rheniel at Nathan na nakatingin lamang sa kanya. Tinapunan niya ito ng makahulugang tingin, at naintidihan naman ng mga ito ang ibig niyang sabihin. Mabilis na lumabas ng
“Magpahinga ka na, Hera. Bukas na natin ituloy ang pag-uusap.” wika ni Don Fernan, ng makita na umalis na si Hector. Labis ang tuwa sa mga mata ni Hera na sumulyap kay Dwayne. Sandaling nagtama ang kanilang mga mata, at silang dalawa lang ang nagkakaintindihan kung ano ang nais nilang ipahiwatig sa isa’t-isa.“Dwayne, pakidalhan na lang ako ng pagkain sa silid ko.” utos niya sabay talikod sa mga ito.“Teka, bakit si Dwayne, ang magdadala ng pagkain mo? Andyan naman ang yaya Rosita mo." Saway kaagad ni Donya Hailey."Mom, ano oras na, ayaw kong nanggigising pa ng katulong para dalhan ako ng pagkain." dahilan niya sa ina."Okay lang po, Ma'am may mga binili po kasi kaming pagkain sa restaurant kanina. Hindi na ni Ma'am Hera nakain dahil nagmamadali na siyang umuwi. Ito na lang po ang ihain ko para sa kanya." Itinaas niya ang bitbit niyang plastic bag na may mga laman na pagkain.Ilang beses pang nag palipat-lipat ng tingin si Donya Hailey sa kanilang dalawa, waring nagdududa."Halika