Share

Chapter 42

HIRAP pa ring magpasya si Monica dahil sa takot. Pero alam niya sa kan’yang puso na gusto niyang magpakasal kay Federico. Hinanap pa ng paningin niya si Duke. Namataan niya itong nakaupo sa unahang silya karga si Kenji. Nang sumenyas ito at nagsasabing umoo na siya, saka niya muling tinitigan si Federico. Buo na ang loob niya.

“Yes, magpapakasal ako sa ‘yo, Federico!” sagot niya sa tanong ng binata.

Umugong na ang palakpakan. Nakangiting tumayo si Federico at dagling isinuot ang singsing sa kan’yang palasingsingan. Pagkuwan ay siniil siya nito ng halik sa mga labi. Kinakabahan man ay maagap siyang tumugon sa halik nito. Ipinaubaya na niya sa May Kapal ang kan’yang kapalaran.

“Thank you, Monica!” ani Federico nang maghiwalay ang kanilang mga labi.

“Salamat din, pero….” Natutukso na siyang magtapat kay Federico ngunit niyaya na siya nitong bumaba ng entablado.

Nagsimula na ring kumain ang mga bisita. Hindi sila makaalis sa crowd dahil binabati sila ng mga investors. Nilapitan din n
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
josephine
woohh pati ako kinakabahan hehe
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status