Share

Kabanata 1

Unfuckable

"Ikot ka nga ulit." Utos saakin ni Mona na para bang naiinip na sa pinapagawa saakin. Ginawa ko naman ang sinabi niya at nakita kong nanliit ang mga mata niya sa ginawa kong biglaang pag-ikot.

"Ano? Nakahanap ka na ba ng dress mo, Shantal?" Usisa saakin ni Zebia at prenteng umupo sa sofa dala dala ang tatlong paper bags na sa tingin ko ay mga napili niyang susuotin sa graduation.

Narinig kong huminga nang malalim si Mona at umiling. "Zebia, bagay nga sa kanya lahat ng dress ang problema parang manghahamon siya ng away sa kilos niya." Napatawa ako sa komento ni Mona saakin.

Nandirito kami ngayon sa isang boutique sa mall para bumili ng dress na susuotin namin sa graduation isang araw magmula ngayon. Tatlo sa mga kaibigan ko ay tourism management ang kinuhang kurso samantalang ako naman ay criminology.

"Ano kaya kung mag-practice ka ng lakad mo, Shantal? Kahit isang araw lang na maging mahinhin ka." Seryosong puno ni Zebia. Ngumiti ako at kinuha ko ang isang bodycon na lavender dress at pinakita iyon sa kanila.

"Ito ang napili ko. Mona huwag kang paulit-ulit na bumuntong hininga, baka masingot mo kaming dalawa ni Zebia." Pang-aasar ko at nagpaalam na magbabayad lang saglit.

Nang makalabas na kami ay agad kaming humanap ng makakainan dahil tanghali na kaming natapos. Naghanap na rin kasi kami ng heels, syempre complete package para naman maging presentable kami sa araw ng pagtatapos namin.

"Hoy Ligaya! Tumingin ka nga sa dinaanan mo hindi diyaan sa billboard. Hampas ko sa'yo 'yan e!" Puna ko sa kadarating namin kaibigan na si Ligaya. Patawid kami kasi sa kabilang daan para kumain.

Saaming apat, ako lang ang naiiba, while they wear make-ups here I am being just natural. They like parties samantalang ako ay mas gustong may ka-sparring na punching bag. They are soft and girly, while I'm rough and fierce. Siguro ay dahil kabilang ako sa taekwondo at mas madalas magtraining kaysa sa mga pag-aayos sa sarili.

"Shantal! Ang hot at ang dreamy ng nasa billiboard kasi! Masama bang tumingin?" Reklamo ni Ligaya kaya nilakihan ko siya ng mata. Agad namang tumingin sina Mona at Zebia sa billboard na tinutukoy ni Ligaya.

Napatawa na lang ako nang nag-unahan ang mga gaga sa pagkuha ng cellphones nila at nagmamadaling nag-picture. Tiningala ko rin ang billboard at napabuntong hininga na lang sa pamilyar na lalaking naroon. Kaya pala maraming babaeng tumigil para lang kuhaan ng picture ang taong nasa billboard.

"Jaxon Rayleigh Laxamana." Basa ko. Naka suot siya ng itim na tuxedo at naka-side view dahilan upang mas nakadepina ang panga niya at ang kanyang matangos na ilong na para bang aristokrasya. Inaayos niya ang kanyang relo sa para bang nagmamadali. Madrama pang sumabog sa hangin ang dark brown niyang buhok na parang may importanteng lakad.

Maraming babae ang nagkakandarapa sa kanya dahil bukod sa itsura at yaman siya rin ang matalino at kilala sa mga gawa niyang proyekto bilang isang sikat na engineer sa loob at labas ng bansa.

He's mysterious at wala pa siyang babaeng sineseryoso puro lahat fling lang at mga one-night stand or fuck buddy. Hindi ko rin maintindihan kung bakit maraming babae ang minamahal siya, he's cold and not gentleman to those women who flock him.

"Kahit isang gabi lang Jaxon!" Sigaw ng kung sino mula sa maraming tao.

"Asa kayo! Ikakasal na 'yang si papa Jaxon e!" Singit ni Zebia agad ko siyang nilapitan at tinakpan ang bunganga. Tuluyan ko na silang inalis sa palumpon ng mga tao. Dahil mapapaaway na naman kami gaya ng dati. Lagi kasing sinasabi ni Zebia na may fiancee si Jaxon at napapag-initan kami ng mga fangirls niya.

"Zeb, can you please stop saying those?" irita kong sabi. Hindi na tuloy kami nakakakain dahil sa ginawa niya.

"Shantal, totoo kaya! I'm telling you, totoo sinasabi ko girl." Napailing nalang kaming tatlo sa kaibigan.

"Kung totoo nga 'yang sinasabi mo, Zeb. Sino namang maswerteng babae 'yan?" Usisa ni Ligaya.

Nagkumpulan silang tatlo at hinayaan ko na lang ang kawerduhan nila. Lagi nilang sinasabi na baka raw balang araw mababaliw din ako kay Jaxon gaya raw kung gaano ako kabaliw sa taekwondo.

Napangisi ako, taekwondo is my realiy while Jaxon is just a fiction character for me. Hindi siya nahahawakan ng sinuman at tila ba hindi kailanman. Tumingala ako ulit sa billboard para tignan ang napakalaking larawan ng lalaking kahit kailanman ay malabong tumingin sa mga babaeng hindi kaantas o kapantay ng pagkatao at yaman niya

Napagpasyahan na naming umuwi pagkatapos naming makakain sa isang karenderya at hanggang umuwi ay wala silang sawang tinutukso ako na baka raw nagpapanggap akong hindi interesado ngunit patay na patay daw pala sa lalaking 'yon.

Hindi ko siya type. Para saakin masyado siyang labis, ang kanyang tindig, awra, itsura at ang kanyang pamumuhay. Nakakapasong lumapit sa katulad niyang nag-aalab na kaanyuhan at kayamanan.

Napili kong maglakad na lang sa sidewalk at mamaya na lang pumara ng bus dahil susulitin ko ang sunset. Napangiti ako dahil noong mga araw na buhay pa si mama, lagi niya akong dinadala sa dagat tuwing sunset. I suffered trauma when I was young at kagandahan ng kalikasan ang nakapagpagaling saakin.

Mula sa malayo ay may nakita akong yellow lamborghini na mabilis na papalapit sa direksyon ko bago pa ako nakaiwas ay rumagasa ito sa naipong tubig sa kalsada, dahilan upang mabasa ako ng pinaghalong tubig ulan at putik niyakap ko ang paper bag ng dress ko.

Haharurot pa sana ang yellow lamborghini nang mag-red ang stop light. I greeted my teeth at napakuyom ako. Kumuha ako ng bato at dali daling lumapit sa sasakyan na 'yon.

"Gagong tao. Hindi manlang bumaba para mag-sorry. Makakatikim ka saakin ngayon." Angil ko. Tangis ang bagang kong lumapit sa sasakyan. Wala na nga akong matinong kain dahil sa letseng billboard ng Jaxon na iyon ay madudumihan pa akong uuwi!

Kumatok ako sa bintana. Ngunit hindi ako binabaan, inis kong kinatok ulit at hindi pa rin ako binabaan. Napatingin ako sa stop light. Ten seconds na lang bago ito mag-green, hudyat na haharurot ito. Dahil sa inis ay hindi na ako nag-atubiling harangan siya.

Hinawakan ko ang bato at pinakitang iaaamba kong ibabato sa harap ng sasakyan niya. Nakitaka kong nag-green na ang stoplight. Pumikit na lang ako na hinarangan siya. Bago pa ako makaramdam ng sakit narinig ko ang pag-click ng lock at pagbaba ng driver.

"Are you fucking stupid?" Malamig na boses ang sumalubong saakin. Hindi galit o inis, kundi walang emosyon. Mula sa pagkakapikit ay minulat ko ang aking mga mata. Halos mabuwal ako sa kinakatayuan nang makilala kung sino ang driver....Jaxon the man we are talking a while ago.

Ngunit hindi ako nagpatinag. "Bulag ka ba? Hindi mo ba nakita 'tong ginawa mo saakin? Halos makalamon ako ng putik! Hindi ka manlang nag-sorry!" Sagot ko. Ngunit sa loob-loob ay kinakabahan na ako.

He's too dangerous too look at. Those intense hazel brown cores where too much too mess with. HIndi ko siya kayang titigan.

"It's not my fault that you are stupid. Wala ka bang pera para maglakad ka sa basang daan?" irita niyang angill at may kinuhang pera wallet niya. "10k, is it enough?" malamig niyang tanong at lumapit saakin.

Diretso siyang tumitig saakin. Nang makalapit siya saakin, napagtanto kong matangkad talaga siya. Hanggang balikat niya lang ang mga mata ko.

Inabot niya saakin ang pera. Gwapo nga, napaka-antipatiko naman. Napangisi ako at tinignan lang ang perang nasa mahahaban niyang daliri.

"Take it. I will hunt you kapag nahuli ako sa lakad ko." Banta niya. Kita kong nakapormal siyang tux at may box ring na nasa bulsan niya, nakaluwa kasi kaya aksidente kong nakita. Kaya bigla kong naalala ang sinabi ni Zebia.

Binitwan niya ang pera sa harapan ko at tumalikod na sanap para umalis. Pero bago pa siya makalayo ay hinila ko ang kamay niya at umikot ako patalikod sa kanya at kinulong ang isa niyang braso.

"Fuckshit" rinig kong mura niya. Sinubukan ko siyang itumba ngunit mabilis niyang nahagip ang mga binti ko at kinarga ako saka sinandig sa kotse niya.

Napadaing ako sa sakit ng pagkakahawak niya saakin. "The fuck is your problem?!" Gamit ang isang kamay ay kinulong niya ang dalawa kong braso.

"You arrogant asshole!" angil ko. Nakita kong ngumisi siya nang madilim at tinignan ako nang mariin. Now I understand kung bakit nababaliw sa kanya ang mga babae. Perpekto ang bawat detalye ngmukha niya mula kilay, mata, ilong, labi at panga parang inukit.

"Don't waste my precious time. Do you want sex then? Sorry I find you unfuckable." pang-iinsulto niya saakin kaya agad ko siyang sinampal dahilan para mawala ang pagkakahawak niya saakin.

Hindi pa siya nakakabawi ay sinuntok ko rin siya sa mukha. Ni hindi manlang siya natinag at tinignan lang ako nang walang emosyonn Sa sobrang kahihiyan at kababaan na naramdaman ko sa mga salita niya ay nanunubig ang mga mata ko. Gusto ko lang naman mag-sorry siya e.

Ganyan ba ang tingin niya sa lahat ng babaeng lalapit sa kanya? Pakiramdam niyay pakikipagtalik lang ang habol sa kanya? Pwes ako, gusto ko lang ang paghingi niya ng tawad. Ngunit pati ako ay nadamay sa marumi niyang pag iisip.

"If you find me unfuckable, then I find you unlovable. You are not capable of loving someone!" Sigaw ko sa kanya at kumaripas ng takbo papalayo sa kanya.

Dahil iyon ang totoo, he's not capable of loving someone, dearly. He's known to be cold towards women who always flock him. He never laid eyes on them, he just fuck them and leave them. He's distant and will always remain mysterious.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status