Share

Kabanata 2

Congratulations

Ngumisi ako at tumingin sa salimin. I did chip up, breast out and butt out. May curve naman ako a, saka naiinggit pa nga saakin sina Mona dahil fit at maganda 'yong proportion ng katawan ko. Dahil na rin sa extensive training namin sa ROTC at taekwondo ay gumanda ang naging hubog ng kalamnan ko.

"Ako unfuckable?" Turo ko sa sarili ko sa salamin at tumawa nang walang saya.

Hindi ko alam kung bakit mas iniisip ko 'yong sinabi saakin ng antipatikong Jaxon na 'yon na unfuckable ako kaysa sa nawawala kong graduation dress. Binalikan ko kanina doon sa pinaghintuan ko ngunit wala akong nakita kahit ni paper bag manlang.

"Ano ba tita Shantal kanina ka pa unfuckable nang unfuckable diyaan. Tawag ka ni mama kanina pa." Napatigil ako nang marinig ang pamangkin kong nasa bungad ng pintuan. Busangot ang mukha at nakatingin sa saakin na para akong baliw.

"Timo, bawal sabihin ng bata ang unfuckable, ha? Pang-mantanda lang 'yon, okay?" Bilin ko sa kanya at sabay kaming bumaba. Ngunit bago pa kami makababa ay narinig kong nagtatalo sina tita Hana at tito Randy sa kusina.

Magmula noong nawala si mama,ang kapatid nitong si tito Randy ang kumupkop saakin at nagpa-aral hanggang kolehiyo. Mabait naman si tita Hana, ngunit madaldal lang kapag may problema sa trabaho ni tito.

"Sabihin mo lang saakin kung may babae ka! Malilintikan kayong dalawa saakin! Laging late ka na umuuwi o kaya'y halos hindi ka na magpakita rito!" Sigaw ni tita. Tinakpan ko ang tenga ni Timo at pinasok siya sa kwarto niya.

"Huwag kang lalabas hanggat hindi kita tinatawag ha? Baba lang ako at kakausapin ko sila, okay?" Bilin ko at tumango naman ang bata. Mabilis akong bumaba para pigilan sila lalo pa at medyo magabi na.

"Mahal, may iniimbestigahan kaming kaso. This is exclusive kaya hindi ko masabi-sabi sa'yo kung tungkol saan." Pagpapakalma ni tito. Agad akong lumapit sa kanila. Hindi nagagalit si tita nang ganito ngayon pa lang siya nagbintang na may babae si tito.

"At uuwi ka lang rito para hanapin si Shantal? At isama sa pag-iimbestiga? Hindi pa naka-graduate 'tong bata! Ni hindi pa lisensyado!" Angil ni tita.

Nakita kong tumingin sa banda ko si tito at yumuko na parang bang may na-realize. Bumuntong hininga itong malalim at tumingin saamin.

"Babalik ako kapag sigurado na ang ipapagawa ng mga nasa taas. Shantal, kung sakaling makabalik ako at may ipapakiusap nawa'y pagbigyan mo ang ipapagawa kong misyon sa'yo."

"Anong pinagsasabi mo, Randy? Kita mong ga-graduate palang si Shantal! Kung ano man 'yang misyon na ipapaagwa mo sa kanya, sa iba mo na lang ipagawa." Pagtatanggol saakin ni tita.

Nawalan man ako ng magulang, swerte ko pa rin kina tito at tita dahil tinuring nila akong parang tunay na anak. Prinotektahan nila ako sa lahat at binigyan ng maganda buhay.

"Tatanggapin ko po tito kung anuman ang ipapagawa niyo saaking misyon. Ayos lang po kahit hindi po muna ako magtake ng boards . Uunahin ko po ang pinapagawa niyo bilang pagtanaw ng utang na loob sa mga kabutihan niyo saakin." Sagot ko.

Sa loob ng mahabang panahon ngayon pa lang humingi saakin si tito ng pabor at base sa iniimbestigahan niya at hindi ito basta basta. Ni hindi niya masabi kay tita ang detalye at hinayaan na lamang na pambababae ang bintang sa kanya.

"Say cheese!" Sigaw ni Mona at sabay-sabay kaming ngumiti sa camera.

Umalis din si tito nang gabing iyon at tuluyang iniwan si tita na nagagalit. Wala akong kasamang gurdian ngayon dahil kailangan ni tita na pumunta rin sa graduation ni Timo.

Hindi ko na sinabi sa mga kaibigan ko ang engkwentro namin ni Jaxon lalo na 'yong part na unfuckable ako? Hindi rin naman sila maniniwala kapag sasabihin ko. Bukod sa walang babaeng kayang sagut sagutin si Jaxon ng ganoon ay baka hindi nila ako patatahimikin.

Kinudit ako ng isang faculty dahil nakitang wala akong kasamang guardian. Ngumiti lang ako at tinuon ulit ang pansin sa harap. MInsan, nakakainggit din ang magkaroon ng magulang sa tabi lalo na sa panahong kailangan natin ng agapay nila.

Napahawak ako sa red dress na suot ko sa ilalim. Kay mama ito at ito ang suot niya noong unang date nila ni papa sa Paris. Ngumiti ako nang mapakla, natanto ko na wala pala akong masyadong alam sa mga magulang ko.

"And may we welcome our beloved guest of honor and speaker! Youngest bachelor and most admired by woman, has a competitive companies abroad, my we call on CEO, Engineer Jaxon Rayleigh Laxamana!"

Gamit ang mga nanunubig kong mata ay napatingin ako sa stage, suot ang puting loongsleeve and itim na slacks na parang galing lang siya ng trabaho Jaxon stood arogantly in the podium.

Puro hiyawan ng mga kababaihan ang mga narinig ko. Agad din naman silang nanahimik nang nakitang magsasalita na si Jaxon. Napangisi ako dahil sa kakayahan niyang pasunurin ang lahat.

Tumagal ng kinse minutos ang speech niya bago tuluyang ipaubaya sa MC ang mic.

"Shantal? Where are your guardians? Marami kang awards at cumlaude ka pa. Wala manlang magsasabit ng mga medalya sa'yo, Hija?" Marahang tanong saakin ng aming dean.

"Parehas pong wala ang tito at tita ko, Ms. Cacatian."

"Alright, I'm gonna find someone. Someone na mag-sasabit sa'yo ng medalya." Pagkatapos ay umalis na siya.

Ngayon lang ako naawa sa sarili ko. Like anong silbi ng mga awards ko kung wala naman akong pag-aaalayan ng mga 'yon. Kung wala ring magiging proud saakin?

"Magnayon, Shantal Alleiah Flores. Daughter Alfonso and Shanya Magnayon." Nangpapa-akyat ako sa stage ay parang akong mahihilo sa kaba. Si Jaxon ang nakaabang saakin. Siya ang nakita ni Dean na magsasabit saakin ng medalya?

Nanginginig ang mga tuhod kong humakbang sa hagdan dahil sa bigat ng intensidad ng titig niya saakin. Nakita kong sinenyasan ako ni Dean para abutin ang kamay ni Jaxon na kanina pa pala nakalahad saakin.

Ang mga tao ay nagulat lalo na ang mga kaibigan ko. May mga naiinggit pa, sila nalang kaya rito. Nakarinig ako ng tikhim mula kay Jaxon kaya ay napilitan akong inabot ang kamay niya bago kami pumunta sa gitna ng stage para sa mga awards ko.

"Ms. Magnayon, Cum Laude. She will also recieve a gold medal being a Kick of the Year player. Another gold medal she will recieve for winning in the Nationals held at Batac, Ilocos Norte." Napalunok ako dahil may mga iba pang silver medals na isinabit saakin si Jaxon. Napakaseryoso ng mukha niya at para ko siyang kuya sa asta niya. Natawa ako sa isip.

Akala ko ay hahayaan niya na akong bumaba mag-isa sa stage ngunit hinawakan niya ako sa siko bago magpakuha ng picture. Nakita kong nasa harap ang tatlo kong kaibigan at dala-dalawa pa ang hawak na cellphones sa pagkuha ng litrato. Napailing na lang ako sa kalokohan nila.

Tila para sa iba ay isang karangalan ang makatabi si Jaxon but for me it's just like a curse, a sweet curse that will eventually will ruin your heart. Sa kalibre ni Jaxon ay hindi na ako magtataka kung mga babae na mismo ang lalapit para ialay ang sarili nila sa kanya.

"Answerte mo, Shantal!" Hindi pa nakuntento si Mona ay pinisil niya pa ang magkabilang pisngi ko.

"Baka naawa lang sakanya. Syempre, walang magulang e." Rinig kong bulungan ng mga kaklase namin. Nakita kong haharapin sana sila ni Ligaya kaya pinigilan ko siya at nilayo sa kanila.

"Mga inggetera. Kala mo ang gaganda" puna ni Mona.

"Huwag na natin patulan. This is our graduation day, huwag nating hayaang masira. Common, we should make this day memorable." Hayag ko at hinila sila.

Sa huli'y napagpasyahan naming magpa-picture in different poses and facial expressions. Nang matapos ay pansamantala silang nagpaalam para pumunta sa kani-kanilang magulang. Ngumiti ako nang makitang isa-isa nilang niyakap ang kanilang pamilya.

Naisip kong pumunta na lang sa may school garden sa tabi ng infirmary para magmuni-muni. Hinubad ko na ang itim na togang suot revealing my backless red dress puff sleeves. Ang kulay gatas kong kutis ay salungat sa matapang na kulay ng aking damit.

Umupo ako sa mga isa sa swings at tumitig sa mangasul ngasul sa langit. Ano kaya ang pakiramdam na magkaroon ng magulang, na kahit anong oras ay pwede mong sandalan when things turned out not good. Sa totoo lang naiinggit ako sa iba, I never had a chance to meet my parents and feel their love, their hugs at pati na rin ang masilayan ang kanilang mukha.

Sa ibang pagkakataon, napapaisip ako kung para saan pa ang lahat ng mararating ko kung wala ang mga taong nagbigay saakin ng buhay. So what with my achievements, kung wala naman akong kasamang ipagdiwang ito?

Ngayon lang ulit ako nakaramdam ng matinding pangungulila because this day is important to me. This day is a proof kung paano ako nagsikap, naghirap at umahon all through out my college life. But no one in my love ones were here to witness it with me. Mayroon ngang andito, ngunit isang estranghero naman, si Jaxon.

Pumatak ang mga mumunting luha saaking pisngi. I should be happy? Atleast, nakapagtapos ako? Tatayo na sana ako nang may nagsalita sa likuran ko.

"It's your graduation day not a funeral day" mababang boses na saad ni Jaxon.

Pinunasan ko ang basang pisingi at tumayong hinarap siya gamit ang nakangising mukha. Sa pangatlong pagkakataon na matitigan siya, para siyang isang painting na iginuhit na sobrang perpekto. Those hazel brown cores were hiding secrets at ang kanyang tindig ay ma-awtoridad, makapangyarihan.

"I'm just happy with my another milestone" sagot ko. Marahan siyang lumapit saakin nang hindi tinatanggal ang misteryosong titig saaking mga mata. Kaya talaga nahuhumaling ang mga babae sa kanya. Isang titig lang ay parang napapasunod ka na. Isang titig lang ay bibigay ka na sa lahat ng gugustuhin niya.

Bumaba ang titig niya saaking katawan at binalik ulit saaking mukha. Halos masamid ako sa sariling laway nang gawin niya iyon. Nakaramdam ako ng kuryente sa lamig ng pinukol niyang pagpasada sa katawan ko. Halos mabundol ako mula sa kinatatayuan ko.

"Is that your planned dress along?" Tanong niya.

"Hindi. Hindi ko lang maalala kung saan ko nailagay 'yong dress na sana'y gagamitin ko" dahil ang totoo'y naiwan ko 'yon noong araw na nakita ko siya.

Nakita kong naging mapaglaro ang mata niya at tinaasan ako ng kilay at pinasadahan niyang muli ang katawan ko nang mabagal na tingin at tumalikod na. Hudyat na aalis na siya.

"By the way, congratulations to your biggest milestone today" hayag niya nang nakatalikod at unti-unti siyang humarap. Gamit ang misteryosong mata'y tumitig siya saakin, nakitaan ko ng awa iyon ngunit agad ding naglaho.

"Your sexy hot red dress looks good on you, Ms. Kick of the Year" pagpuri niya habang titig na titig sa mga mata ko.

"T-thank you, Sir" utal kong hayag. Shit? Sir? Kailan ko pa siya ginalang? Hindi ako makahagilap ng tamang salita na isasagot sa kanya dahil nagbuhol-buhol na ang mga sasabihin ko. Akala ko ba matapang ka, Shantal? Wala ka ring pinagbago sa mga babaeng nagkakandarapa sa kanya.

Nakita ko siyang ngumiti at umalis at may hawak ng maliit na red velvet box.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status