Share

Make Him Better in 370 Days
Make Him Better in 370 Days
Author: Line_Evanss

Prologo

Habang dinaramdam ko ang malamig na hangin na humahalik saaking porselanang balat, pinapaalala nito ang sakit ng kahapon na nagbigay saakin ng rason upang gumawa ng mabibigat na desisyon sa buhay.

Ang mga kumikislap na bituin sa itaas ng madilim na kalangitan ay nagsasabi sa akin kung gaano na ako kalayo. Napangiti ako nang mapait kung paano ako napunta sa ganitong sitwasyon.

“Ate Shantie ‘di po ako makatulog.” Humahagos na lumapit sa akin si Tin habang hawak-hawak ang manikang tanging regalo sa kanya ng kanyang ina bago pumanaw.

Lumapit ako sa kanya at lumuhod upang mag-lebel ang aming mukha.

“Gusto mo bang kwentuhan ka ni ate para makatulog ka na?” Tanong ko saka siya hinaplos ng masuyo sa buhok. It makes me feel better whenever I take care of these cute little angels in this orphanage.

Tumango siya at pumanhik kami sa silid nila. Silid ng mga batang inabandona, namatayan at iniwan ng mga magulang.

Ang bahay ampunan na ito ang tahanan ko sa nakalipas na anim na taon nang mawala ako sa sarili ko para sa taong mahal na mahal ko. Ang lugar na ito ay nagbigay sa akin ng pangalawang pagkakataon upang mabuhay muli sa isang makabuluhang paraan.

“Ako ate Shantie, gagawin ko ang lahat ng makakaya ko upang mahanap ang mga magulang ko.” Inosenteng turan ni Ej habang kinakausap ang sarili.

May naalala akong tao na aking kilala, hindi lang pala basta kilala. Naalala ko kung paano niya gawin ang lahat makuha lang ang taong mahal niya, ang babaeng pinakamamahal niya. Isang taong bumago sa buhay ko, pagbabagong naging bangungot para sa saaming dalawa.

Muli akong bumalik sa kasalukuyan ng may tumawag sa pangalan ko.

“Shantal! Jusko hija, halika nga rito!” Tawag sa akin ni miss Perfecta. Siya ang head rito sa orphanage.

Lumapit ako sa kanya at nakitang may mga tanong naka business attire sa labas. Natataranta niya akong hinawakan sa magkabilang braso.

“Ipapademolish nila itong bahay ampunan. Hindi ako pumayag! Ngunit bibigyan lang nila tayo ng dalawang buwan na palugit.” Umiiyak na turan niya.

No! This can’t be! Hindi rin ako papayag na mawawalan ng tahanan ang mga batang andirito. Ito na lang ang tanging ligtas na tahanan na mayroon sila. Gagawin ko amg lahat kahit lumuhod pa ako sa harap ng may ari ng lupang ito. Huwag lang nilang sirain ang mumunting bahay ampunan na ito.

“Pakiusap hija, sumama ka sa kanila. Kausapin mo ng masinsinan ‘yong amo nila. Pakiusap, this is the only place where these hopeless children can live safely.” Humihikbing pakiusap sa akin ni miss Perfecta. Gagawin ko ang lahat, manatili lang na nakatayo ang bahay ampunan na ito.

Wearing a simple white dress with my pitch strap sandals, pumanhik ako sa nasabing palapag kung nasaan ang opisina ng kanilang amo.

“Yes Miss? Do you have any appointment with engineer Laxamana?” Tanong sa akin ng babaeng secretary.

Agad akong nanlumo sa narinig. No, this can’t be happened pero sabagay marami naman ang Laxamana dito sa Pilipinas. This is impossible dahil nasa Germany ang lalaking ‘yon. He’s really a full grown man, bulong ko sa isip. I smiled bitterly.

“Uhmm, I don’t have one but I want to talk to him regarding the Santra orphanage demolition.” Sagot ko at agad naman siyang may tinipa sa computer niya.

“Your name, Ma’am?”

“Shantal Alleiah Magnayon” sagot ko.

Then she made some calls before leading me to the big double doors.

“He’s in the meeting, kindly wait for him inside his office, Ma’am. ‘Yon po ang utos ni Sir Laxamana.” She smiled sweetly before leaving me.

Pinihit ko ang double doors at unang bumungad sa akin ang organisadong ayos ng opisina. Black with shade of gray ang kulay na nakikita dito sa loob.

Agad na nangunot ang mata ko nang mabasa ang pangalan ng taong may ari ng kumpanyang ito. Para makumpirma ay tumingin ako sa mga picture frames at paintings.

All I can feel is numbness. I can’t breathe and think properly. All I want to do is to leave this office right now! Agad na uminit ang gilid ng mga mata ko. Damn it! Stop fucking crying and leave this effin office!

Before I could pull the double doors, someone pushed it outside. Agad akong nanlambot ng mapag-sino ‘yon.

“Long time no see, miss Magnayon. You want to discuss something?” He asked me mockingly and he threw his business coat na hindi tinatanggal ang matalim na titig sa akin.

Fuck him! Paano siya naging ganto? Hindi na siya ang lalaking nakilala ko mabait at may pakikipagkapwa tao. All I can see is hatred in his eyes. Kalupitan at walang awa. Wala nang bakas ng dating Jaxon Laxamana, na minahal ko nang sobra. Ang lalaking nasa harapan ko ngayon ay hindi ko na kilala.

"Tungkol sa demolisyon ng Santra orphanage. Mangyaring isaalang-alang ang mga batang walang pamilya. Magiging malupit ka kung sisirain mo ang nag-iisang tahanan na mayroon sila.” Sagot ko nang gumagaralgal na ang boses at kahit anong oras pwede na itong mabasag.

"May mukha ka pa talagang ihaharap saakin Magnayon. Your are pathetic" angil niya. Hindi ako nakasagot agad na nanuyo ang lalamunan ko na para bang may nagbara dito.

“I will be more cruel kung may hihilingin ako sa iyo bilang kapalit para magbago ang isip ko tungkol sa demolisyon.” Mapusok niyang sabi. Fuck sa kanya sa kanyang walang katapusang mga kondisyon.

“What is it that you want, this time?” I fired back before looking at him. Tinitigan ko siya ng pabalik sa paraang pagtitig niya rin sa akin. Nanghihina ako at ayaw ko nang tumagal dito sa loob. Nakakasakal, ang sakit sakit sa damdamin.

He stepped forward and whispered in my right ear.

“Make me live again.” He said coldly.

Siya ang lalaking tinulungan kong umahon sa isang bangungot at maging mas better. Ngunit siya ay naging isang taong walang puso at walang awa. O ganoon nama talaga siya bago ko siya makilala.

“And I will make you die this time. You traitor.” He whispered lethally before storming out of the office. Leaving me here fucking crying again.

Para akong sinaksak ng punyal nang marinig na naman iyon sa kanya. Bumuhos ang luha ko ath hindi ko na napigilang hindi humikbi.

“I’m dead long time ago, since I lost our baby. Kung alam mo lang kung paano kita prinotektahan noon. Hindi kita trinaydor, Jax.” I whispered achingly. Oo, nakunan ako sa baby naming dalawa at wala akong naging pagkakataon na sabihin iyon sa kanya dahil nilamon siya ng galit. Ngayon kaya? Masasabi ko pa ba ang rason kung bakit ko siya nasaktan noon?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status