Share

Kabanata 3

370 Days

"Aray!" Napangisi ako sa sigaw ng ka-sparring ko "Okay, you stop!" Utos ni Sam at tinatapik na ang sahig, hudyat na tinanggap na ang pagkatalo. May narinig akong palakpak sa madilim nasulok ng gym.

"Napaka galing talaga, Shantal" ngiti ni tito. Bumaba ako para lapitan siya. "Kumusta ka na? Hindi ka na dumadalaw saamin. Nagtatampo na si Timo sa'yo."

It's been six months nang makapasa ako sa board exam at napagpasyahang bumukod na kila tito. Napili ko na ring magtrabaho bilang isang social researcher kaysa ang magtabaho sa mismong field ng kurso ko. Gusto kong mabuhay nang hindi na umaasa kina tito at tita kaya minsan na lang ako dumalaw roon para hindi na kulitin ni Timo na bumalik sa kanila.

Alam kong hindi pagdalaw saakin ang sadya ni tito. Kundi trabaho na matagal niya nang sinasabi saakin noong hindi pa ako graduate. Isa rin sa dahilan kung bakit ako umalis saamin dahil sa madalas na pagtatalo nila ni tita tungkol sa pera at trabaho.

"Tito, kung 'yong traba--"

"Yes. And this time, it's serious, Shantal." Putol saakin ni tito. May inilabas siyang brown envelope at inabot saakin. Kunot noo ko itong tinignan. Wala akong balak na kunin 'yon.

"Have you heard about Jaxon Laxamana after your graduation?" Kunot noo ko siyang tinignan. "Magmula noon, hindi na siya nagpakita sa kahit anong business event, gatherings, sa mga emergency meeting sa kompanya. Maraming nagsasabi na may nagyaring hindi maganda sa kanya."

Doon napukaw ang atensyon ko at kinuha ang brown evelope. Hindi na ako nakikibalita, ngunit minsan nang nabanggit saakin ni Zebia ang bagay na 'yan. Jaxon Rayleigh Laxamana was nowhere to be found.

"But he's family clearly denied it. Kinumpirma ng mga magulangn ni Jaxon na nasa bakasyon siya. All of his works and projects are frozed sa Laxamana Holding Group. Until kahapon, pumunta doon ang mga magulang niya sa opisina namin." Napaangat ako nang tingin kay tito.

"Tito, alam mo ang opinyon ni tita sa trabahong iyan. Mahirap maigapos sa kamay ng mga Laxamana. Magiging magulo ang buhay natin. Kaya na nga po ako umalis dahil ayoko pong magkaroon kayo ng alitan ni tita kapag tinanggap ko ang trabahong ito" paliwanag ko ngunit parang walang narinig ni isang salit si tito saakin.

"This case is just between you and our private team. Hindi pwedeng malaman ng kahit sinong Pincio Pillato, Shantal. Bilang isang higher official, nagdesisyon ako na ikaw ang pinaka-angkop para sa misyong ito. I can't trust someone else. Ikaw ang pinakakilala kong tao na hindi nasisilaw ng pera." Tumayo na si tito at kinuha ang kanyang itim na attache case.

"I know you will refuse, but still pag-isipan mo 'tong mabuti. Sa apartment mo na buksan ang laman niyan. Bibigyan kita ng tatlong araw para mag-desisyon."

Tumango ako at hinatid siya nang aking paningin palabas ng gym. Napahilot ako saaking sentido at binasa ng mata ang pangalang nakalagay sa sa brown envelope.

CEO, Engineer Jaxon Rayleigh Tejano Laxamana. 29 yrs old.

Jaxon maybe rude noong una naming pagkikita ngunit may ginampanan siyang malaking parte noong graduation ko. He was the one who stand as my guardian at sinamahan ako sa pagtatanggap ng aking mga parangal. Hindi rin ako nakapag pasalamat nang maayos sa kanya dahil pinaligiran agad siya ng mga school officials noong matapos ang graduation program.

Nanginginig kong tinignan lahat ng mga litrato pati na rin ang mga statments sa voice record ng mga magulang ni Jaxon. Napaupo ako at tulalang nakitingin sa nakakaawang litrato ni Jaxon.

Binitawan ko ang mga hawak ko at dali daling pumunta sa glass window upang isara pati na rin ang mga kurtina. Muli kong binalikan ang mga litrato. Malayong malayo sa Jaxon na ma-awtoridad ang mga tindig, nakakatunaw na titig at nakaka-akit na mukha.

Sa mga larawang hawak ko, siya ay nakahiga, mahina at tulala. Mahaba na ang buhok pati narin ang mga balbas at bigote. Parang may parte sa kanya na kumupas, naglaho at nagiba. Nakaramdam ako ng awa at kyuryuso. Huli kong silay sa kanya ay noong graduation ko. Nakitaan ko siya ng saya at para bang excited pa itong umalis dala ang isang pulang box.

Napaisip ako sa binanggit ng kaibigan ko, na may girlfriend na raw si Jaxon at magpapakasal na. Kung may dala siyang red velvet box sa araw na iyon, posibleng iyon ang araw na nag-propose siya? Gusto kong makumpirma kay Zebia kung saan niya nakalap ang impormasyong engage at ikakasal na nga si Jaxon.

Umiling ako. Kung magtatanong ako ay baka maghinala lang siya. Ayokong ipagsabi kahit kanino ang impormasyong ito. Na para bang nakakaramdam ako ng responsibilidad na ingatan ito, na tulungan si Jaxon.

Kinuha ko ang aking cellphone upang simulan ang misyong ito. "Tito, hindi mo na kailangan ng tatlong araw. What are the terms I need to know for this mission?"

Napiling makipagkita ni tito sa gym kung saan niya ako pinuntahan kahapon. Suot ang isang white printed shirt at navy green na trousers na pinaresan ko ng white skechers shoes ay tumungo na ako.

Napiling makipagkita ni tito ng gabi. Aniya'y mas mainam para hindi masundan ng mga espiya o mga media ang kilos niya. Dahil sa ngayo'y siya ang pinupuntirya ng media sa usaping ito.

Maraming business partners ng mga Laxamana ang gusto nang umurong sa mga deals at iba pang proyekto dahil sa hindi na pagpapakita ni Jaxon sa mga meetings at pati na rin sa mga gatherings.

Nang makapasok ako sa gym ay madilim ang paligid. Tanging ang liwanag lang ng buwan ang nagbibigay ng sinag sa parte ng ring. Nakaramdam ako ng kaba. Hindi ganito ang inaasahan kong madadatnan. 

"Tito? Nariyan ka ba?" Matigas kong tanong. Binaba ko ang backpack ko at nakiramdam sa paligid. Nanlaki ako nang may naaninag na anino sa ring. Nagbundol ang aking kaba, alam kong magaling ako sa close combat. Pero kapag may baril ang kalaban, mahihirapan ako.

"Sino ka?! Magpakita ka saakin!" Buong lakas kong hayag. Bago pa ako makalapit sa gym ay may matigas na kamay ang nagtakip sa bibig ko.

Gamit ang kaliwang paa, ay kinawit ko ito sa kaliwang paa ng taong nasa likod ko at siniko siya sa tagiliran. Nakarinig ako ng d***g at nabitawan ako. Nang makabawi siya ay inambahan niya ako ng suntok sa tyan ngunit hindi niya itinama na para bang kalkulado niya ang galaw.

Bibigyan ko sana siya ng flying kick nang mabilis niya akong ginapos patalikod ngunit naunahan kong patirin ang kanang paa niya at i-lock ang dalawang braso niya sa harap ko. Sabay kaming natumba sa sahig.

Agad ko siyang hinarap at hinawakan sa leeg. "Sino ka at anong pakay mo?!" Asik ko.

Nakarinig ako ng baritanong halakhak sa taong hawak ko. Kaya'y mas idiniin ko ang hawak sa leeg niya at pati narin ang bigat ko sa kanya.

"At this close, we can kiss if you won't mind" nakarinig ako ng pilyong ngisi sa mababang boses niya.

"Shut up! Or I'm going to punch your face!" Banta ko at inidiin ko pa ang hawak sa leeg niya. Hindi ako nakikipagbiruan sa lagay at oras na ito. This case is not a joke. Isang Laxamana na ang pinag uusapan rito. Walang panahon na makipaglaro.

Biglang bumukas ang ilaw at doon ko nakita sina tito kasama ang kanyang buong team na gulat at ang iba naman ay walang emosyong nakatingin saamin.

Pumalakpak si tito at ang ibang kasamahan nito. "I told you, General. She is the most fit person for this mission. She's not an international athlete for nothing" komento ni tito.

Kumunot ang noo ko. Pakiramdam ko ay trinaydor ako ni tito. Alam kong may private team na nakakalaam ng misyong ito ngunit hindi ko inaasahan na sasama sila rito. Akala ko ay kaming dalawa lang ni tito ang mag-uusap. Kaya nakaramdam ako ng iritasyon at hindi manlang ako sinabihan na may iba pa palang sasama sa kanya.

Nakarinig na naman ako ng halakhak sa taong bihag ko kaya lumipat sa kanya ang tingin ko. Kung unang tingin ay parang si Jaxon ang nakikita ko, kulay brown ang mga mata nito at sing kisig niya rin. Kung si Jaxon ay pormal at misteryoso. Ito naman ay may mapaglarong mukha at parang playboy.

"You want a longer cuddle?" Patuyang tanong nito. Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto ang posisyon namin. Nakadagan ako sa kanya habang kulong ang dalawang braso at leeg niya. Inismiran ko siya at agad na tumayo.

"Tito? Ano ito?" Tanong ko. Ngunit bago pa makasagot si tito ay inunahan na ako ng nasa likuran ko.

"She can protect Jaxon. She fits well in this job." Puna niya gamit ang seryosong mata sa team ni tito. Ngitngit ang mga ngipin kong tumingin sa banda nila tito. Hindi ko gusto ang awra nila, ni ang kanilang paghinga. Para bang tinatraydor namin si Jaxon.

"Shantal. Gustong subukan ng kaibigan ni Jaxon kung gaano ka kagaling sa close combat. Sorry for the sudden changes hija." Ani tito. Lumapit siya saakin. Inismiran ko siya ng palihim at isa-isa silang sinumpa sa kaibuturan ng isip ko.

"This is Shantal Alleiah Magnayon, the chosen personnel for protecting Jaxon Laxamana until he recover. All events in this mission including sensitive informations will remain confidential. Failure to do so will have a lifetime penalty."

Nag-usap pa sina tito at ang kanyang team para sa kontratang pipirmahan ko. Napabaling ako sa lalaking makisig na nasa likuran ko.

"How dedicated you are to take this mission?" Tanong niya.

"I really hate Jaxon for good. Lahat nahuhumaling sa kanya kahit huminga lang siya. I hate his authority, his powerful aura, his strength in all things. Ayokong makaramdam ng awa sa kanya. Gusto ko siyang kainisan habang buhay. Ngunit hindi ko magagawa iyon kapag mahina siya." Sagot ko.

"Gusto kong maibalik ang lahat ng dating siya, kapangyarihan, awtoridad at matigas na ekspresyon. So that I can hate him again." Hayag ko. Pinulot ko ang backpack para sumunod kina tito.

"You are sweet huh." Aniya at naglakad siya sa harapan ko patungo sa likod at paikot at sinuri ako.

I'm salty sweet then. Hindi ko man lubos na kilala si Jaxon, alam kong playboy siya ngunit alam kong mabuti siyang pinuno ng nasasakupan niya. Dahil sa mga malalagong business niya ay maraming mahihirap na trabahante ang nagkakaroon ng hanapbuhay dahil sa mga proyekto niya.

"This mission will need patience, emotional support and of course physical strength. In one look I know you really fit well." Pagtutuloy niya at huminto sa harapan ko.

"Let's start the formality hare. I'm Vaughn Axcel Montero. Bestfriend of Jaxon Laxamana." Inabot niya saakin ang kamay niya.

"Shantal Alleiah Magnayon." Pormal na hayag ko at inabot ang kamay niya.

Handa na sana akong umalis nang tanungin niya ako muli.

"But, do you really know what is the hardest part of your mission?"

" Hindi, ano nga ba?" Balik ko.

"The range of it" mababang sagot niya at parang tinitimbang ang ekspresyon ko.

"Bakit anong mayroon sa haba ng misyon ko?" Tanong ko ulit.

"Because you only have 370 days to make him back."

Hindi nabanggit ni tito ang bagay na iyan saakin. Sa lagay ni Jaxon ay mukhang kailangan niya ng mahabang panahon para gumaling at manumbalik sa dati. This mission is likely impossible pero gagawin ko lahat ng makakaya ko upang mapagtagumpayan ito.

Kaya ko bang tulungan siya sa maikling panahon na 'yon? Mapapagtagumpayan ko kaya ang misyong ito? Can I make him better in 370 days? Ngunit isa lang ang nilalaman ng isip ko, hindi ko bibiguin si Jaxon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status