Share

Kabanata 5

Playing games

Maaga akong nagising upang aralin ang pagsusuot ang white cap sa buhok ko. Nagulat rin ako nang kasya saakin lahat ng puting uniporme na inabot ng mga kasambahay saakin kahapon. Mas lalo na ang puting pants, na kuhang kuha ang hubog ng balakang at binti ko.

Kakausapin ko rin mamaya si Vaughn. Ang sabi niya saakin ay uuwi muna siya sa mansyon nila rito dahil may aasikasuhin siya sa kanilang kompanya. Gusto kos siya pasalamatan dahil sa pag-aasikaso niya ng mga kailangan ko hanggang sa makarating ako rito sa Batanes.

Napili kong bumaba sa kusina para magtanong sa mga kasambahay. Since sila ang unang nakasama ni Jaxon ay alam kong mas marami silang alam tungkol sa kanya. "Magandang umaga po sa inyo" tipid kong bati at ngumiti sa kanila.

Nakita kong nahihiyang ngumiti ang iba at ang iba naman ay marahang tumango lamang. Lumapit ako sa kanilang mayordoma upang sana'y magtanong kay ms. Merceda.

"Sumama ka saakin, ms. Shantal at pag-usapan natin ang mga dapat at hindi dapat na gagawin sa oras na ikaw na ang mag-aalaga kay sir Jaxon. Lalong lalo na sa mga kinakain niya at ang pag-inom niya nga mga gamot" estrikta niyang hayag saakin. Tipid akong tumango.

"Ms. Merceda, hindi po ba ay mas alam po ni ms. Shantal ang mga bagay-bagay na iyan. Lalo na sa pag-aalaga ng pasyente dahil isa siyang nurse." Singit ng isang nasa trenta anyos na kasambahay.

Gamit ang malamig at iritang mukha ay nilingon siya ni ms.merceda. "Huwag mo akong pangunahan, Rosa. Sumusunod lang ako sa mga habilin ni Ms. Felicia. Ngayon kung may reklamo ka ay sa kanya ka lumapit, maliwanag ba?" At tuluyan nang lumabas ng kusina.

Lumapit ako kay ate Rosa at tinapik siya sa balikat. "Hayaan niyo na lang po" pag-aalo ko at sumunod kay ms.merceda.

"Oats, blendered fruits at leafy vegetables iyan ang madalas na ipakain kay sir Jaxon. Ang pag-inom niya ng gamot ay nakasulat sa planner na ibibigay ko sa iyo mamaya." Kumunot ang noo ko, bakit parang pagkain ng may edad na pasyente ang ipinapakain sa kanya. This is really weird.

"Madalas alas kwatro ng madaling araw ay nagigising na si Sir, una mong gagawin ay tatanungin mo kung nanaginip ba siya na ng masama. Ano ang napaginipan niya o natandaan niya. Lagi niyang gustong pumwesto sa loob ng library sa kwarto niya kaya doon mo siya dalhin paggising niya."

"Lahat ng parte ng mansyon pwede mo siyang ipunta, maliban na lang sa dalawang kwartong pagitan ninyo. Iyan ang mahigpit na pinapabilin ni Ms. Felicia. Kung may katanungan ka, saakin ka magtanong huwag kung kani-kanino lang." Malamig siyang tumingin saakin at inabot ang planner ng mga gamot ni Jaxon.

Nang abutin ko iyon ay parang gusto niyang iatras ang mga kamay niya. Napansin ko ring nanginginig siya. Kumunot ang noo ko.

"May problema po ba, Ms. Marceda?" Tanong ko. Umiling siya at inabot nang buo ang planner saakin.

"Nawa'y mahanap mo ang totoong dahilan ng trabaho mo, Ms. Shantal. Babalik na ako sa ginagawa ko." Aniya at tuluyan nang nawala sa paningin ko. Nilibot ko ang paningin sa buong mansyon.

Tahimik at malungkot  ang paligid. Hindi ako makapaniwala na nandirito ako ngayon sa teritoryo ng taong kinakainisan ko.

"Hi ate" nagulat ako nang may magsalita sa likuran ko. Ang bunsong kapatid ni Jaxon. Umupo ako upang mag-lebel ang aming mukha. Kamukhang kamukha niya ang bata. Ang pagkakaiba lang ay ang kulay ng kanilang buhok.

"Hello, Johan. May kailangan ka ba?" Tanong ko. Ngumiti ako sa kanya. Bigla ko tuloy naalala si Timo dahil lagi ko siyang inaalagaan noong sanggol pa lamang at naging malapit na saakin hanggang paglaki.

"I need someone to fix my things ate. Pero busy sila yaya. They went out" maiyak-iyak na hayag niya. Tumayo ako at hinawakan siya sa balikat.

"Sige, ako na muna mag-aayos ng gamit mo. Nasaan ba ang mga aayusin?" Tanong ko at nanatiling naka ngiti sa kanya. This boy is soft and pure hearted, nawa'y hindi magmana sa kuya niyang si Jaxon kapag laki niya.

"It's in kuya Jaxon's room, ate" nanlaki ang mga mata ko at parang gusto kong umatras nang binanggit ni Johan iyon. Hindi pa ako handa at kailan nga ba ako magiging handa.

"Sige, pupuntahan natin. Pero saan mo ba naiwan? Sa kama niya ba mismo?" Maingat kong tanong. Mabilis siyang umiling kaya nakahinga ako nang maluwag.

"It's in his library ate. He went hysterical last night kaya pinalabas ako kaagad nila tita" sumbong niya umakyat na kami papunta sa kwarto ni Jaxon.

Pinadaos dos ko ang kamay ko sa dalawang pinto ng kwartong pinagbabawalan si Jaxon na pumasok. Anong mayroon sa kwartong ito at tila ba ikakamatay ng lahat kapag pumasok dito si Jaxon?

"Bakit siya nagiging hysterical, Johan?" Mas mabuting sa bata na lang ako magtanong dahil mas alam kong sasagutin niya pa akong ng maayos at mas totoo. 

"I heard yaya, that they accidentally said a girl's name. Making kuya Jaxon become hysterical" sagot niya at tuluyang pumasok na sa kwarto. May namumuong ideya sa utak ko. Kailangan kong pagtagpi-tagpiin ang mga 'yon.

Nang bumukas ang pintuan una kong naramdaman ang lamig sa kwarto. Madilim at tahimik, nakababa ang mga kurtina. Naka dim ang mga ilaw at tanging tunog lang ng aircon ang naririnig. Hindi sila nagbubukas ng kurtina? Tanong ko sa aking isipan. 

"Johan, bumalik na lang kaya tayo mamaya?" Aligagang tanong ko dahil sa tingin ko ay talagang ma-iistorbo namin si Jaxon sa pagtulog niya.

"Shhh ate, kuya might wake up. I need to get my things po. Malilate na ako sa school, ate" tahimik kaming pumasok sa library at nakita ko kaagad ang black messenger bag na dinampot ni Johan. Tinulungan ko siyang ipasok ang mga notebook at libro niya sa loob ng bag.

Nang matapos na ay tatayo na sana ako nang matabig ako ang itim na tumbler sa gilid ko. Gumawa iyon ng ingay kaya lumakas ang kalabog ng puso ko nang makitang bumangon si Jaxon sa kanyang kama.

Glass wall lang kasi ang pagitan ng kwarto niya sa kanyang library. Nakita kong nagulat din si Johan.

"Johan, saglit lang ha. Ibabangon ko lang ang kuya mo" hayag ko at mabilis na pinuntahan si Jaxon.

Agad akong nag-iwas ng tingin nang makitang wala itong saplot na pang-itaas. Kita ko ang mabalbon niyang dibdib at ang perpektong pagkakahubog nito. Nakatingin lang siya sa kawalan kaya naman nang lumipat ang titig niya saakin ay kinabahan na ako.

Agad akong naghanap ng damit na isusuot sa kanya. Nakahinga ako nang maluwag nang makitang naka pajama siya. Kala ko pati  iyon ay wala siyang suot.

"Jaxon, isusuot ko lang itong damit sa'yo ha. Lalapit na ako" pagpapaalam ko sa kanya at marahang lumapit na. Napalunok ako nang hindi niya pa rin tinatanggal ang titig saakin.

Mabigat ang dalawang braso niya kaya nahirapan akong suotan siya nang damit. Alam kong tumama sa ilong niya nag kamay ko at narinig ko siyang umungol. Nasaktan ata.

"Sorry sir, natmaan ko ata kayo" napangisi ako nang may naisip. Hindi sila ang masusunod kung paano alagaan si Jaxon. Gagawa ako ng sariling paraan para mabilis siyang makarecover.

"Itatayo kita ha, pupunta tayo sa tabi ng glass window mo. Gusto kong makita mo ang sunrise, na sa bawat paglitaw nito ay may pag-asang darating, mabubuo at mangyayari. Magtiwala ka saakin, gagaling ka rin" bulong ko sa kanyang at marahang inayos ang magulo niyang buhok. Hanggang balikat niya na ito.

Pumunta ako sa likuran niya upang alalayan siyang tumayo. Nahirapan ako nang sobra dahil mabigat siya. Alam kong nabawasan ang timbang niya dahil kita iyon sa mukha niya ngunit mabigat pa rin siya.

"Ate Shantal! What are you doing?" Aligagang tanong saakin ni Johan nang makitang papatayo na kami ng kuya niya.

"Just help me open the curtains, please" sagot ko at tuluyan nang naitayo si Jaxon. Agad kong sinampay ang kaliwang braso niya sa balikat ko at inalalayan siya papunta sa glass window.

"Manang Marceda said it's bawal ate!" Concern na usal ni Johan. Umiling ako.

"No, Johan. Your kuya Jaxon needs the sun's heat. It's good for the skin" dahil totoo naman iyon. Ngunit may napansin lang akong kakaiba sa mga pinagbabawal nilang gawin kay Jaxon.

"You should go na, Johan. Mali-late kana sa school mo. Ingat ka, okay?" 

"Sige ate. I promise I won't tell manang Marceda that you let kuya watch the sunrise for the first time in a while"  at nag-pinky promise pa ito. Natawa ako ngunit sinakyan ko na lang ang pakulo ng bata.

"Thank you, sweetie" tugon ko at hinatid siya ng mata ko hanggang makalabas siya ng kwarto.

Pinaupo ko si Jaxon sa sofa at tuluyan nang binuksan ang makapal na kurtiina sa kanyang glass window. Hindi ko inalis ang titig sa kanya. Nakita ko ang marahang pagbuka ng kanyang labi na para bang nagulat siya sa nakita.

Gusto kong makita mismo kung ano ang magiging reaksyon niya sa isang bagay na ipinagkait na masilayan niya matapos niyang maging ganto.

Tumalikod ako at kukuha na sana ng tubig niya ngunit bago ko pa magawa iyon at hinablot niya ang kamay ko. Kinabahan ako dahil saobrang higpit no'n at masakit.

Agad akong napatingin sa kanya at nakita kong may namumuong galit sa mata niya. Napakagat ako ng labi dahil sa sakit ng pagkakahawak niya sa palapulsuhan ko.

"Jaxon, what's the problem? Isasara ko nalang ang kurtina. You don't like that way?" pakikipag-usap ko sa kanya ngunit mas nagulat ako nang tumayo siya at itinulak ako pailalim sa sofa.

Agad niya akong dinaganan at ang isang kamay niya ay pinirmi ang bewang ko. Samantalang ang isang kamay niya naman ang marahang hawak ang mukha ko.

Nakita kong may namumuong luha at galit sa mga mata niya. "Jaxon!"  Sigaw ko dahil hindi ako makahinga sa pagkakadagan niya saakin.

 Sinubukan kong huliin ang mga kamay niya ngunit mas naunahan niya pa ako. Kaya ikinulong niya iyon sa ulunan ko. "Jaxon! Let me go, I'm sorry kung natakot kita." Mahinahong saad ko. Ngunit mas lalo niyang hinigpitan ang lahat ng hawak niya saakin.

Sisigaw na sana ako nang dali daling pumasok si Vaughn at natatarantang lumapit saamin. Buong lakas niyang hinila palayo saakin si Jaxon.

"Dude! It's not her!" Angil ni Vaughn ngunit malakas si Jaxon at nagawa niya pa akong hablutin ulit.

"Austin!" Sigaw ni Vaughn at pumasok ang isang lalaki. Nang makita ang nangyayari ay agad siyang lumapit saamin.

"Dammit Jaxon!" Sigaw niya at dalawa silang hinila si Jaxon papalayo saakin.

"Shantal, you go!" Nagmamadaling usal ni Vaughn at may kinuha sa drawer sa gilid ng kama ni Jaxon. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang syringe at may lamang puting likido.

Hindi ko na nakayanan kaya lumabas na lang ako. Nakarinig ako ng ilang kalabog ngunit nawala rin ang mga ito hanggang naging tahimik na.

 Aalis sana ako nang bumukas ang pinto at ang iritang mukha ni Vaughn ang sumalubong saakin. Hinila niya ako sa siko at kinulong sa pader.

"Anong ginawa mo? You fucking opened sa curtains?" Asik niya. Ngumisi ako.

"I'm just checking something, Vaughn" 

"Checking" Shantal, hindi ito playground! Ano na lang ang nangyari kung hindi kami dumating ni Austin? Stop playing games, Shantal!" Singhal niya saakin. Nakarinig kami ng sipol kay Austin kaya marahan akong pinakawalan ni Vaugh.

"I'm not playing, Vaughn. Trust me, kung mauulit ulit 'yon kanina. Uulitin ko ang ginawa ko. I'm not the one who's playing game. Alam mo kung sino. Gagawin ko ang lahat gumalingl lang ang kaibigan mo." Sagot ko at iniwan sila doon.

Dahil totoo iyon hindi ako ang naglalaro. 

"Sweet" komento pa ni Austin at ngumisi saakin. Nakita kong problemadong nakatingin saakin si Vaughn.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status