Share

Kabanata 7

Hug

"Jaxon, ako ito si Shantal. Iyong sinabitan mo ng medalya noon. Sana maalala mo ako. Ako ang mag-aalaga sa'yo" malambing kong sambit nakita kong pumungay ang ekspresyon niya habang hinahaplos ang dulo ng buhok ko.

Nakita kong kumunot ang mata niya na para bang may hinahanap saakin. "Hinahanap mo ba ang white cap? Isusuot ko iyon sa susunod." Usal ko. Nagulat ako nang bigla siyang umalis sa pagkakadagan saakin. Lumipat siya sa kabilang pwesto ng kama at umupong ulit na tulala.

Tingin ko ay ayaw niya ng kasama sa ngayon. "Liligpitin ko lang ang mga kalat mo at iiwan na muna kita para makapagpahinga ka. Babalik ako ulit dito mamaya." Palihim ko ring kinuha ang syringe at gamot na tinuturok sa kanya. Kailangan kong malaman kung ano ang mga ito.

Nang matapos na akong magligpit ay pinuntahan ko siya para tignan muli. Nakita kong mahimbing na siyang natutulog. Lumapit ako at kinumutan siya.

"Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para tulungan kang gumaling. Makakaasa ka saakin." Kitang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status