Share

CHAPTER 62—Bulacan for the Burial

“Birthday mo pala mamaya. 10 minutes na lang,” sabi ko at tumingin sa relo ko.

Inilabas namin ang papag at itinapat sa walang bubong na parte ng bahay para makita namin ang buwan at mga bitwin. Nakahiga ako ngayon sa braso niya habang nakapalupot ang kamay ko sa baywang niya.

“Ano kayang magandang iregalo?” Mapang-asar na ngiting tanong ko at hinarap siya. Nagulat ako nang nakatapat ang kanyang labi at ilong malapit sa labi ko. “Uy, baliw!” Lumayo ako ng bahagya at bahagyang pinalo ang labi niya.

“Pfft…isa lang naman ang regalong gusto ko,” natutuwang sagot niya.

“Ano?” Curious na tanong ko. “Kiss?” ngising dugtong ko.

“Presensya mo lang, Faye.” Iniipit niya ang hibla ng buhok ko sa likod ng tainga ko.

Nakaramdam ako ng matinding kiliti banda sa tiyan ko. Kinurot ko siya ng mahina sa tagiliran niya at niyakap ang baywang niya ng sobrang higpit.

“Ang bilis mo talagang kiligin. Cute mo talaga.”

“Hush! 5 minutes na lang oh tapos gurang ka na naman,” pang-aasar ko. Bumusangot siya
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Ylevol Capili
wow nice update Author slamat
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status