Share

CHAPTER 61—Asking for a second chance

Napatigil ako sa pagnguya nang makita ko kung sino ang pumasok. Nabitawan ko ang kinakain ko sa mangkok at napairap.

"Anong ginagawa mo rito? 'Di ba sabi ko ayaw kitang makita?" naiiritang tanong ko ngunit ang mata ko ay nanatili sa kinakain ko.

Parang wala siyang narinig, dali-dali siyang kumuha ng monoblock at umupo sa tabi ng hospital bed. Kaagad namang nangamoy ang paborito niyang perfume at dumikit kaagad ang amoy sa ilong ko.

"Rome, ano ba?!" reklamo ko nang hawakan niya ang kamay ko.

"I miss you," nagmamakaawa niyang sambit pero kinuha ko ang kamay kong nakahawak sa kanya.

"Francis! Paalisin mo nga 'to! Kung gusto niyo akong gumaling, paalisin niyo 'tong lalaking 'to dahil naiinis ako sa mukha niya!" Pagalit kong sambit kay Francis na mukhang nabigla sa pagsigaw ko.

Pabagsak kong binitawan ang isang mangkok na prutas at humiga patalikod kay Rome.

"Faye, sorry na," pakiusap niya habang nakahawak sa baywang ko. Mabilis kong inalis ang kamay niya.

"Kung mababalik lang sana ang l
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status