Share

Chapter 14 Marry me

Graduation day.

Dumating na nga ang araw ng graduation day nila Althea at Mara.

Tapos na ng pag aaral lahat ng anak ng Romano family at mag sisimula na sila sa karera ng totoong buhay nila. Cum Laude si Althea at Magna Cum Laude naman si Mara. Tuwang tuwa ang mag asawang Romano sa achievements ng mga anak nila dahil hanggang sa bunso nila ay nakakuha ng magagandang grades sa pag aaral.

"Congratulations, Thea!" Bati ni Jessica.

"Salamat, Jess! Ngayon makikisabay na ako sa paligsahan ng mga kuya ko." Nakangiting sagot nito sa kanya.

"I know you can do it. Ikaw pa ba?" Pagpapalakas ng loob ni Jessica sa dalaga. Nakangiti ito ngunit hindi naitago ng dalaga ang lungkot na nadarama dahil sasama na ito sa pag punta sa America ng dalawang kapatid.

"Ayoko sanang umalis, pero wala naman akong choice. Buti nalang at kasama ko dun si Mara kaya kahit papaano ay hindi naman ako masyadong maninibago." Sagot nito na kinagulat ng husto ni Jessica.

"Ka...kasama si Mara?" Hindi halos madinig ang tanong na iyon ni Jessica sa dalaga.

"Oo, nirekomenda kasi siya ng Dad niya sa kaibigan nito sa Michigan na may ari ng hospital. Doon siya mag sisimula. Mga ilang taon din siguro siya dun bago siya mag hanap ng trabaho malapit sa amin sa New York." Mahabang paliwanag nito sa kanya. Hindi napansin ni Althea ang takot na naramdaman niya.

Kasama si Mara sa pag lipad sa America at mas makakasama nito si Alexander. Alam niyang mahal pa din ni Alex ang dalaga hanggang ngayon at kahit hindi sabihin ng binata ay umaasa pa din itong magkakaroon siya ng tyansa sa dalaga at tatanggapin ang pag ibig ito. 

Magkahalong lungkot, inggit at takot ang nararamdaman ni Jessica. Lungkot dahil hindi niya magawang makasama ang taong pinaka mamahal niya, inggit kay Mara dahil makakasama nito si Alex at takot na baka sa panahon na lumipas na makasama nito si Alex ay mahulog na din ito sa binata.

Madaling mahalin ang binata, walang matigas na puso ang hindi mapapalambot pag nakasama si Alex. Masungit ito pero pag naging ka-close na, saka malalaman na may ginintuan itong puso.

"Girls, tara na, kumain na tayo at nagugutom na ako." Biglang nagbalik sa kasalukuyan ang pag iisip ni Jessica ng tawagin sila ni Aaron. Tumalima naman sila at sumunod na sa sasakyan.

May hinandang salu salo sa bahay ng mga Romano. Wala doon si Mara dahil may sariling handa din ito sa kanila pero pakiramdam ni Jessica ay nasa buong paligid niya si Mara. Hindi siya komportable at hindi din makakain ng maayos. Habang nagkakasiyahan ang mga bisita doon ay nakatitig lamang sa kawalan si Jessica at nakaupo sa isang tabi.

"A penny for your thought?" Basag ng tinig sa malalim na pag iisip ni Jessica.

Laking gulat niya ng makita si Aaron sa tabi niya. Hindi niya namalayan na nakalapit na pala ito sa tabi niya at nakaupo na din.

"Aaron, ikaw pala." Sagot ni Jessica na pilit na ngumingiti.

"Iba ba ang inaasahan mong lalapit sayo?" Biro nito na siyang nakapag pangiti naman na sa kanya ng totoo.

"There you go. Nakangiti ka din ng totoo sa puso. You know Jess, your eyes are pretty. And it's the prettiest when you smile genuinely." Seryosong sabi nito sa kanya. Napatingin naman si Jessica sa binata. Hindi niya ito nakikitang mag seryoso kaya medyo nag aalangan pa siya kung maniniwala ba sa sinasabi nito.

"Alam mo, sa totoo lang, naiinggit at the same time naiinis ako kay kuya." Dugtong nito ng hindi siya naringgan ng sagot sa unang sinabi.

"Ha? Naiinggit na naiinis? Bakit naman?" Takang tanong ni Jessica sa binata.

"Yep! You heard me right. Naiinggit ako sa kanya kasi meron siyang tulad mo. I mean, babaeng nagmamahal sa kanya na tulad mo. Pero naiinis din ako dahil hindi ko alam kung talaga bang hindi niya nahahalata o hindi lang talaga niya pinapansin ang nararamdaman mo para sa kanya." Mahabang paliwanag ni Aaron sa kanya. Nakatitig ito sa kanya ng seryoso at walang bahid ng pag sisinungaling.

"Aaron, ano bang sinasabi mo? Mahal ko ang kuya mo bilang matalik na kaibigan. Nagkakamali..." 

"You can't deny that to me Jess. Magkakakilala na tayo kahit noong mga bata palang at alam kong noon pa man ay mahal mo na si Kuya." Pag putol ni Aaron sa mga sasabihin pa niya.

"Alam kong playboy ako sa paningin ng lahat. Pero iyon din ang dahilan kaya alam ko ang pagkakaiba ng simpleng pag hanga at totoong pagmamahal pag nakita ko ito sa mga mata ng babae." Saglit na tumahimik ito at tumingin sa mga bisita na nagkakasiyahan.

"You see them? Most of them are here because of our family name. Some are here because they admire our looks but only a few are here because they truly care. Like you." Binalik ng binata ang tingin nito sa kanya. Nakaramdam ng pagkailang si Jessica at nag init din ang muka niya.

Tumawa ng malakas si Aaron na dahilan kaya napatingin ang ilang bisita na malapit sa kanila.

"You're cute when you blush." Sabi nito na lalong nagpainit ng muka ni Jessica.

"Aaron, tigilan mo ko sa mga mabulaklak na salita mo. Hindi ako madadala sa ganyan." Sabi niya dito sabay irap sa binata. Lalo namang lumakas ang pag tawa nito dahil sa mga sinabi niya.

"But seriously, Jess. I really admire you. You're simple and beautiful. Beautiful inside and out. That makes you stand out of the rest." Nawala ang kapilyuhan sa muka nito at biglang sumeryoso ulit ng tingin sa kanya.

"Marry me, Jess."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status