Share

Chapter 13 Reminiscing the past

Masayang nag kwentuhan ang mag anak habang kumakain sa isang sikat na restaurant sa Makati. Kanya kanyang kwento at batian. Para bang sampung taon silang hindi nagkita kita.

Si Jessica at Alexander naman ay parang may sariling mundo sa palitan nila ng kwentuhan. Walang nabakanteng minuto sa kanila. Halos hindi na din nila magalaw ang kinakain dahil sa dami ng kwento nila sa isa't isa. Kinwento ni Alexander lahat ng ginagawa niya sa America. Simula ng pumunta ito doon. Mag isa itong naghanap ng trabaho at hindi humingi ng tulong o sustento sa ama. Ang ipon ng binata ang ginamit niyang pang gastos habang nag hahanap ng trabaho.

Hindi na niya tinanggihan na gamitin ang bahay nila doon, pero siniguro niyang siya padin ang nagbabayad ng monthly bills ng bahay pati ang pagkain at pang apply apply niya. Noong una ay wala talaga itong mahanap na trabaho kaya nag tyaga itong mag part time job sa isang fast food. Ang libreng oras ng binata ay pinang hahanap niya ng trabaho at side job para hindi siya maubusan ng pang gastos.

Maswerteng nakapasok sa isang malaking kumpanya sa Ney York si Alexander. Isa itong multinational conglomerate incorporated in New York City at doon na nga nagsimulang umusbong ang career ng binata. Nagsimula lang ito bilang office staff hanggang sa napromote ng napromote ang binata. Hindi niya sinayang kahit isang minuto sa pag tatrabaho kaya naman ngayon ay narating na niya ang posisyon na hindi kayang abutin ng marami sa loob ng dalawang taon. Isa na siyang Head ng Marketing and sales department ng isa sa pinaka malaking kumpanya sa America.

Proud na proud ang binata na kinukwento kay Jessica ang mga nangyare sa kanya sa loob ng dalawang taon sa America habang giliw na giliw namang nakikinig si Jessica sa kanya. Walang humpay ang salitan nila ng kwento at salita.

"Kaya kayo nagkakasundo eh." Singit ni Aaron sa kwentuhan ng dalawa.

"Kahit puro tungkol lang kay kuya ang kwento niya at hindi manlang nagtatanong ng mga nangyare sayo, Jess, hindi ka nawawalan ng ganang makipag usap sa taong yan!" Dugtong ni Aaron sabay ang malakas na tawa.

Para namang natauhan bigla si Alexander at naisip na tama nga ang kapatid. Mahigit isang oras na silang nag kukwentuhan ni Jessica pero wala pa siyang natatanong ng tungkol dito dahil tuwang tuwa siyang kinukwento dito lahat ng achievements niya.

"Sorry Jess. Hindi ko napansin na puro pala saken ang kanina pa naten pinag uusapan. Kamusta ka naman pala? Kamusta ang studies mo? Nahihirapan ka ba?" Paumanihin ni Alex sa dalaga at pag bawi ng mga tanong na patungkol dito.

"Naku! Wala iyon ano ka ba? Masaya akong marinig lahat ng kwento mo. Hindi ko nga napansin ang oras. Sa totoo lang, natutuwa akong marinig na unti unti mong nararating ang mga pangarap mo. Kung pwede nga lang ay ipakwento ko sa iyo ang araw araw na ginawa mo dun simula ng tumuntong ka sa America eh." Sabi ni Jessica na walang halong kasinungalingan.

Totoo sa puso niya ang mga sinabing ito. Kahit katiting na pag kainip ay hindi siya nakaramdam sa pakikinig kay Alex. Masayang masaya siyang malaman na hindi nagkamali ito ng desisyon sa pag punta doon.  At lalong proud siya sa lalake dahil totoo namang napaka hirap ng mga pinag daanan nito at hindi iyon kayang gawin ng nakararami.

"Napaka swerte talaga ng kuya ko sayo, Jess. Ewan ko ba dito sa kuya ko bakit hindi ka pa ligawan eh. Kung ako ang nasa lugar niya, sigurado akong pakakasalan pa kita. Ano sa tingin mo?" Biro ni Aaron na pinag tawanan ng buong pamilya. Namula naman ang mga pisngi ni Jessica sa sinabing iyon ng binata at napayuko nalang.

"Hey! Bro, hindi katulad ni Jessica ang mga babaeng nadagit mo. Jess is one in a million and don't deserve a playboy like you." Banat ni Alex na seryoso ang tingin sa kapatid.

Hindi malaman ni Jessica kung selos ba, inis o pagkayamot ang nakita niya sa itsura nito.

"Hahaha! Ikaw naman. Mukang nayamot ka na agad. Binibiro lang kayo eh. Alam ko naman na kahit gayumahin ko si Jess ay ikaw pa din ang hahanapin niya." Nakataas ang kamay tanda ng pagsukong sabi ni Aaron sa kapatid. Hindi na sumagot si Alex at siya na ang kinausap nito. Tinanong din siya ni Alex ng mga nangyare sa kanya.

Hanggang makauwi sila ay hindi sila natigil sa pag uusap dalawa. Nang ihatid siya nito sa bahay nila ay parang ayaw pa nga niyang umuwi dahil bitin na bitin talaga siya sa isang araw na kasama ito.

"Matulog ka na Jess. Bukas magkikita naman ulit tayo sa graduation ni Althea. It feels so great reminiscing the past with you. I'll pick you up at 6 o'clock. Okay?" Paalam ni Alex sa kanya.

Tumango naman si Jessica bilang pag sang ayon. Kailangan din niyang mag pahinga at mag handa para sa aattend-an na graduation ng kapatid nitong si Althea.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status