Share

Chapter 12 Great to have you back

Hindi malaman ni Jessica ang gagawin. Ilang beses niyang pinractice ang mga sasabihin at gagawin sa oras na makaharap muli ang binata pero heto siya ngayon at parang estatwa na hindi makagalaw sa kinatatayuan.

"Hi gorgeous." Bati ni Alexander

Dahan dahang humarap si Jessica sa binata. Nakangiti si Alex sa dalaga pero nawala ito ng makita ang namumuong luha sa mga mata neto.

Pak!!!

Isang malakas na sampal ang binigay ni Jessica kay Alex. Kinagulat ng lahat ang ginawa niya sa binata. Napalingon ang mga naglalakad sa paligid nila pati ang pamilya ng binata. Pati mismo si Jessica ay hindi malaman ang dahilan kung bakit niya nagawa ang bagay na iyon.

"Sorry!" Napatakip sa bibig na sabi ni Jessica kay Alex at lumapit dito sabay hawak sa muka. Sa pag kakataong iyon, mahinang sampal o mas tamang mahinang tapik sa pisngi ang ginawa niya sa muka ng binata.

"Sorry talaga. Hindi ko sinasadya. Nagulat lang ako at hindi din makapaniwala na nandito ka na nga talaga." Patuloy na paliwanag niya at patuloy pa din naman ang pag tapik niya sa pisngi ni Alex.

Isang malakas at malutong na tawa ang biglang nagmula kay Alex na lalong kinagulat ng marami sa paligid.

"Hindi ka pa din nag babago Jess! Malupit ka pa din hanggang ngayon!" Sabi ng binata sabay akbay sa kanya at iginiya na siya nito papunta sa pamilya neto na nanatiling nakatingin sa kanila.

"No worries guys, ginulat ko kasi si Jess kaya akala niya siguro, kung sinong manyakis ang lumapit sa likuran niya." Paliwanag ni Alex sa pamilya para sagutin ang nagtatanong na mga mata nito.

Nagtawanan naman ang lahat kaya pilit na din nakitawa si Jessica sa kanila.

"Oh siya. Tama na ang kwentuhan at halina kayo. Kumain muna tayo at doon tayo mag kamustahan. Okay?" Pag awat naman ni Antonio Romano sa kwentuhan na parang walang katapusan.

Tumalima naman silang lahat at sabay sabay na nag tungo sa sasakyan.

Buti nalang ay malaki ang sasakyan na gamit nila, kaya kahit dalawang malaking bulto ang sinundo nila sa airport, siguradong kakasya sila. Sa likod naupo si Jessica, laking gulat niya ng tumabi sa kanya si Alex habang sa gitna ang magkapatid na Aaron at Althea. Gaya noong una, sa unahan ang mag asawa.

"So, how have you been all these time?" Basag sa katahimikan ni Alex.

Bahagya pang napapitlag si Jessica dahil para bang nanibago siya sa presensya ni Alex. Hindi malaman sa sarili kung bakit biglang naging awkward ang bawat segundo na katabi ito.

"Okay lang naman, ikaw? Kelan ang balik niyo sa America?" Balik tanong niya sa binata.

"Ouch! Grabe ka naman! Kababalik ko palang, yung pag alis na agad ang tinatanong mo saken." Salita ni Alex na hinawak pa ang kanang kamay sa kaliwang dibdib kung nasaan ang puso nito.

"Hindi naman sa ganon. Naisip ko lang kasi, diba kaya lang kayo umuwi dahil sa graduation. Eh sa isang araw na din naman iyon. Baka pag katapos nun, kinabukasan babalik na ulit kayo sa America." Depensa ni Jessica sa binata habang nag iwas din ng tingin dito.

Natawa ng malakas ang binata sa sinabi niya. Napalingon naman dito ang iba pang kasama nila sa sasakyan na lalong nakapag pailang kay Jessica. Inirapan naman niya ito at saka kinurot sa tagiliran. Lalong nagpalakas ng tawa ng binata ang ginawa ni Jessica.

Inakbayan na naman siya neto at saka tumingin ng seryoso sa muka ng dalaga. "But seriously, Jess, I missed you so much."

Hindi malaman ni Jessica ang naramdaman. Nanuyo bigla ang lalamunan niya nang mapatitig sa binata at pilit na lumunok, pero sadyang parang napakahirap non para sa kanya. Bumilis ang tibok ng puso niya at parang huminto ang nasa paligid niya. Pakiramdam niya ay silang dalawa lang ang tao sa mundo.

Marahil ito ang mundong ginawa niya para lang sa kanilang dalawa ni Alex. Sa tagal ng panahon na kasama niya ito, ngayon lang niya nakumpirma at naamin sa sarili na hindi simpleng pag hanga ang nararamdaman niya. Ngayon at alam na niya na mahal nga niya ang binata at hindi na niya magagawang mag mahal ng iba pa.

"I missed you too, Lex." Sagot ni Jessica sa mahina at malumanay na boses.

"Get a room!" Sabay na salita ni Aaron at Althea na dahilan para manumbalik sina Alexander at Jessica sa ulirat.

Tumawa naman ng malakas si Alex at inasar din ang mga kapatid. "Inggit lang kayo! Palibhasa wala kayong katulan ni Jessica ko!"

"Jessica 'ko'!"

Paulit ulit na tumatakbo sa isip at puso ni Jessica ang salitang iyon ni Alex. Bagay na lalong nag palundag sa puso ng dalaga. Sa wakas ay naging magaang na ang pakiramadam niya.

Matagal niyang pinipilit na lokohin ang sarili na lilipas din ang anumang nararamdaman niya sa binata. Na isang araw, may makikilala din siyang lalake na magagawang magpalimot sa kanya dito. Pero paano niya gagawin yun kung ang bawat characteristic ng lalake ang hinahanap at kinukumpara niya sa ibang makikilala.

Nag set siya ng standards na tanging si Alexander lang ang makakaabot.

Ngumiti si Jessica at tumingin kay Alexander.

"Seriously, Lex. I missed you so much! And it's great to have you back."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status