Share

Chapter 20 Pain worse than death

Ilang araw lang ang lumipas ay bumalik na din sa America ang magkakapatid na Romano. This time, kasama na si Althea at Mara. Mabigat man kay Jessica ang pag alis ni Alex lalo na at kasama nito si Mara ay sumama pa din siya sa pag hatid sa mga ito.

Mas mahihirapan siguro siya pag hindi niya ito nakita bago umalis dahil ilang taon na naman ang lilipas na hindi niya ito makikita. May pangamba din siya na sa pagsama ni Mara doon ay madevelop ang relasyon ng dalawa at tuluyan na ngang mawala ang pag asa na mapansin pa siya ni Alex bilang isang babae at hindi lang basta kaibigan.

Pero nagdesisyon na siyang suportahan si Alex ng buong puso kahit hindi siya matutunang mahalin ng binata. Kailangan niyang kayanin ito. Hindi lang para kay Alex kundi para sa sarili na din niya.

"Jess!" Pagputol ni Bridget sa malalim na pag iisip ni Jessica habang nasa gitna sila ng klase. Ilang linggo na din ang nakalipas ng umalis papuntang America si Alex. Pagkatapos nitong tawagan siya pag dating doon ay hindi na ulit siya nito nagawang tawagan.

"Nakalutang na naman ang isip mo. Sabi ni Ma'am meron daw tayong activity." Pag patuloy ni Bridget ng lingunin lang niya ito at hindi nag abalang sumagot.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya saka sinubukang mag focus sa activity nila. Kahit anong mangyare ay hindi dapat maapektuhan ang pag aaral niya dahil ang pangarap na maging surgeon naman ang masisira pag nagkataon. Isa pa, ayaw din niyang madismaya ang Mama niya dahil napakataas ng expectations nito sa kanya.

Habang tumatagal na wala sa tabi niya si Alex ay natututo na din siyang makibagay sa ibang tao sa paligid niya. Nadadagdagan na din ang mga kaibigan niya. Si Alex naman ay paminsan minsan nalang din makatawag sa kanya dahil lalong nagiging busy ito sa trabaho. Hindi na niya gaanong hinahanap si Alex ngayon. Kahit papaano ay naibsan na din ang pangungulila niya sa binata at hindi na gaanong nalulungkot.

Sinubukan na din niyang makipag date sa ibang lalaki noong una. Ang akala niya ay tuluyan na siyang nakamove on kay Alex pero nagkamali siya. Hindi pa pala gaanong naghihilom ang lahat. Dahil kahit anong gawin ng nakakdate niya ay si Alex ang nakikita at hinahanap niya. Kaya naisip niyang wag biglain ang sarili at dahan dahanin lang ang process ng pagmo-move on niya.

"Sabi nga nila, absence makes the heart grow fonder, but it can also make the heart forget." Parang wala sa sariling nasabi ni Jessica sa hangin habang nasa isang coffee shop siya at iniintay ang mga bagong kaibigan.

Napagkasunduan nilang mag unwind ngayon dahil simula sa mga susunod na araw ay magiging madugo na ang labanan sa pag aaral nila. Ilang linggo nalang kasi ay matatapos na nila ang masteral nila at ang kailangan naman nilang pag handaan ay ang Physician Licensure Examination. Sobrang naexcite si Jessica sa naisip niya. Onting onti nalang at makakamit na niya ang matagal ng pinapangarap.

Sa oras na makapasa siya ay pwede na siyang mag undergo ng surgical residency at ilang taon pa'y makakakuha na siya ng lisensya bilang isang surgeon.

Nasa ganoong pag iisip siya ng biglang tumunog ang cellphone niya. Ang akala niya ay isa ito sa mga kaibigan na iniintay kaya hindi na niya tiningnan ang screen ng cellphone niya at sinagot nalang ito.

"O ano na? Inugat na ko dito kakaintay sa inyo. Nasan na ba kayo?" Pabirong sabi niya sa nasa kabilang linya.

"Jess, are you busy? Can we meet?" Sabi ng pamilyar na boses sa kabilang linya.

Sandaling napahinto si Jessica ng madinig ang boses na yon.

"Lex?! Nandito ka sa pinas ngayon?" Gulat na tanong niya sa binata. Hindi pa din makapaniwala dahil sa pagkakatanda niya ay nasa America pa ito noong huling pag uusap nila sobrang excited pa ang tono ng boses nito at sinabing meron daw itong magandang ibabalita sa kanya sa susunod na magkausap sila.

Sa pagkakatanda niya ay mahigit dalawang linggo na ang nakakaraan noong huli niya itong makausap. Nagtataka siya kung bakit parang iba ang tono nito ngayon. Hindi ito ang tono ng may bitbit na magandang balita. Mabilis siyang tumayo at kinuha ang bag saka lumabas ng coffee shop. Tinungo niya ang sasakyan saka ito pinaandar.

Alam niya kung saan pupuntahan si Alex pag ganoon ang tono ng boses nito kaya hindi na niya tinanong ang lokasyon ng binata at sinabi nalang na intayin siya nito dahil on the way na siya. Iyon lang at tinapos na nila ang tawag.

Mabilis na pinatakbo ni Jessica ang sasakyan at tinungo ang kinaroroonan ng binata. Nagpunta siya sa lumang park sa subdivision na kinaroroonan ng bahay ng mga Romano. Simula ng magawa ang bagong park sa subdivision doon, wala ng masyadong nagpupunta sa lumang park na iyon. Hindi na din ito masyadong nalilinis kaya madami ng damo at ligaw na halaman na tumubo dito. Ito ang madalas puntahan ni Alex sa twing masamang masama ang loob nito para makahanap ng katahimikan.

Doon sa isang lumang duyan niya nakita ang binata. Nagulat siya sa itsura nito. Nangangalumata ito at bagsak ang katawan. Siguro ay ilang araw na itong hindi kumakain ng tama at mukang wala ring sapat na tulog. Naawa siya sa isiping iyon. Nang lapitan niya ito ay Napangiwi siya dahil amoy alak din ito. Napansin niyang hindi pa ito nagshe-shave at parang tumanda din ang itsura nito.

Nang makita siya ay hindi ito tuminag sa pagkakaupo. Tumitig lang ito ng makahulugan sa kanya habang nakatingin din siya dito. Wari ay nag uusap ang mga mata nilang dalawa.

It looks like he's gone through pain worse than death.  Awang awa siya sa binata kaya niyakap lang niya ito kahit walang salitang namutawi sa mga labi nila.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status