Share

Chapter 21 I love you so much

Parang batang binully na nakahanap ng kakampi ang itsura at pakiramdam ni Alex ng yakapin siya ni Jessica. Mula ng huling makausap niya ito dalawang linggo na ang nakakaraan ay hindi na siya nakatulog ng maayos.

Hindi niya sinabi kay Jessica na makalipas ang ilang bwan na magbalik sila sa America kasama ni Mara ay sinagot na siya nito sa wakas. Gusto sana niyang sorpresahin ang kaibigan kaya nilihim niya ito ng mahabang panahon. Nang 2nd anniversary nila ay tinangka niyang mag propose kay Mara pero nireject siya nito.

Nitong mga nakaraang bwan ay nararamdaman na ni Alex ang panlalamig ni Mara sa kanya pero binalewala niya lang ito dahil mahal na mahal niya ang dalaga. Ngayong binigyang tugon na din nito ang matagal niyang iningatan na pag ibig para dito, ayaw naman niyang maging toxic na boyfriend at bigyan ito maraming intindihin sa relasyon nila.

Pero hindi naging ganoon ang tugon ng dalaga sa approach niya, nireject pa din nito ang alok na kasal at inamin nito sa kanya na hindi siya nito nagawang mahalin kahit na katiting sa loob ng dalawang taon. Sinubukan daw niya na mahalin siya pero wala daw talagang naramdaman si Mara para sa kanya.

Parang gumuho ang mundo niya ng talikuran siya ng kasintahan. Ang akala niya ay magiging maayos na ang lahat pero nagkamali pala siya.

Magmula noon ay nagkulong lang siya sa unit niya at hindi na pumasok sa trabaho. Wala na ding laman ang tyan niya kundi alak. Pakiramdam niya ay mababaliw siya sa ginagawa niya kaya minabuti niyang umuwi nalang ng Pilipinas. Naisip niya bigla si Jessica. Ang tanging taong alam niyang makakaintindi sa kanya at makakapag pagaan ng loob niya.

Kahit ang mga magulang at kapatid niya ay hindi alam ang ginawang pag uwi sa Pilipinas. Si Jessica ang unang tinawagan niya pag dating niya sa bahay nila. As usual, mga kasambahay lang ang nandoon at nasa opisina ang mga magulang kaya hindi alam ng mga ito ang pag dating niya.

------

"Iniwan na niya ako, Jess." Sabi ni Alex pagkatapos ng mahabang katahimikan.

Takang napatingin naman si Jessica kay Alex. Hindi niya maintindihan ang sinasabi ng binata.

"Iniwan? Nino? Kelan? Ano bang nangyare?" Sunud sunod na tanong ni Jessica kay Alex.

"Si Mara..." Malungkot na sabi ni Alex.

"Sorry kung hindi ko sinabi sayo, gusto sana kitang sorpresahin na sinagot na niya ko pagkaraan ng ilang bwan pagbalik namen ng America. Nag propose ako sa kanya 2 weeks ago nung 2nd anniversary namen, pero nireject niya ako at iniwanan na ng tuluyan." Mahabang paliwanag ni Alex sa nalilitong kaibigan.

Napanganga lang si Jessica sa narinig. Hindi niya malaman kung nananaginip lang ba siya. Hindi din alam ang unang mararamdaman kung iintindihin ito, maiinis, masasaktan, magagalit o magtatampo.

"I'm really sorry, Jess. I guess this is karma. For not telling you about this." Sabi ni Alex nang hindi siya sumagot sa mga sinabi nito.

Gusto niyang mag sumigaw, umiyak sabay mag walk out. Pero hindi niya maigalaw ang katawan. Hindi din niya kayang iwan si Alex sa ganitong estado.

'Ganito na ba ko talaga katanga o ganito ko na siya kamahal?'  Tanong sa isip ni Jessica. Dahil bandang huli ay mas pinili niyang tanggapin ang sorry nito at intindihin lahat. Pinili niyang kimkimin ang sakit na nadarama.

"Honestly, Lex. I don't know what to say. I want to be mad at you, but I just can't." Sabi nalang niya sa binata, dahilan para mag yuko ito lalo. "Because I love you so much! You fool!' Sigaw ng puso ni Jess. Pero hindi na niya isinatinig ang lahat.

Mahabang katahimikan ang sumunod na nangyare at wala ni isa ang nagtangkang bumasag nito. Ang daming tumatakbo sa isip ni Jessica ng mga oras na iyon habang nakaupo siya katabi si Alex. Maya maya pa ay tumayo siya at hinawakan ang kamay ng binata.

"Let's get you fixed." Biglang sabi niya dito. Nagtatakang nakatingin lang ito sa kanya pero hindi nagtanong. Pagkatapos ng ilang minuto ay tumayo na din ito at iginiya na niya sa sasakyan niya.

Imbes na sa bahay nila Alex ay dinala ito ng dalaga sa bahay nila. Kasalukuyang walang tao doon kundi ang kasambahay nila dahil parehong nasa trabaho ang kapatid at mama niya. Pagdating nila sa kwarto niya ay inabutan niya ito ng tuwalya at sinabihang maligo at mag shave. Hindi na nagtanong ang binata at sumunod nalang sa utos niya.

Nakakapanibago ang Alex na nasa harap niya ngayon. Para lang itong puppet na sumusunod sa bawat sabihin niya. Daig pa nito ang isang bata na masunurin.

Habang naliligo ito ay inilabas niya ang set ng damit nito na naiwan doon sa kwarto niya. Sana ay kumasya pa din iyon kay Alex dahil ilang taon na din ang nakakalipas mula ng huling maisuot ito ng binata.

Pag labas ni Alex ng banyo ay wala na ang dalaga doon. Marahil ay bumaba na ito. Pero nakita ni Alex na nasa kama ng dalaga ang mga damit niya na naiwan niya doon ilang taon na ang nakakaraan. Dali niyang isinuot ito at lumabas na ng kwarto para hanapin si Jessica. Paglabas palang ng kwarto ni Alex ay naamoy na niya ang napakabangong pagkain na niluluto marahil sa kusina ng dalaga.

Nang sinundan niya ang amoy ay hindi nga nagkamali si Alex dahil nandoon si Jessica sa kusina at niluluto ang paborito niyang sinigang na baboy.

Wari ay naramdaman na ni Jessica ang pag lapit ni Alex kaya nilingon niya ito at nginitian.

"Wait lang ha? Patapos na din naman itong niluluto ko. Kumain ka ng marami dahil ayokong makipag inuman sa taong walang laman ang tiyan. Siguradong madali kang malalasing pag ganon at ayokong mag alaga ng lasing. Maaga pa ang pasok ko bukas." Sabi ni Jessica na kinagulat ng binata.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status