Share

My One and Only Love
My One and Only Love
Author: R.M.

Chapter 1 The Start of it all

Alexander's POV

"Rise and shine!."

Gising ni Jessica sa mahimbing na natutulog na si Alexander.

"Hoy! Gumising ka na at baka malate pa tayo sa school."

Pupungas pungas naman si Alexander na pinipilit bumangon pero humiga ulit pagkalipas ng ilang segundo. "Inaantok pa ko Jess. Pwede bang bigyan mo pa ko ng kahit 5 minutes? Lumabas ka muna ng kwarto". Sabi ni Alexander habang nakangudngod pa ang ulo sa unan.

"Hindi pwede! Late ka na naman natulog kakakausap kay Mara. Kasalanan mo yan at hindi tayo pwedeng malate sa school ngayon dahil may exams tayo, ano ka ba?". Ani ni Jessica.

Late na naman nakatulog si Alexander dahil kausap niya si Mara. Ang kaklase, kinakapatid at best friend na din ng bunso niyang kapatid na si Althea.

Nasa 1st year college na si Alexander at Jessica habang nasa 2nd year high school palang sina Althea at Mara. Noong bata pa lamang sila, nakababatang kapatid lang din ang tingin niya sa dalagita, pero habang lumalaki sila, unti unting nakita ni Alexander ang pag bloom ni Mara sa isang mahinhin ngunit kaakit akit na dalagita.

Mahaba at malantik ang mga pilikmata nito, bagay na bagay sa bilugan at inosenteng mga mata. Ilong na makipot at matangos, hindi nag ma-make up pero palaging rosy cheeks ang dalagita dala ng kutis nito na malaporselana. Mahaba ang buhok na hanggang bewang. Medyo kulot ito at kulay brown pag nasikatan ng araw. Natural din na brown ang kulay ng mga mata nito kaya lalo itong nagmumukang mestisa.

Hindi niya alam kung kelan at paano nagsimulang umusbong ang nararamdaman niya para dito, ang alam lang ni Alexander ay nagsimula ang lahat sa isang munting paghanga. Masaya siya sa twing kausap ito kaya kahit pang umaga ang pasok nya at ito naman ay tanghali hanggang gabi ang pasok, inaantay niya itong makauwi at makikipag usap dito hanggang antukin at makatulog silang pareho.

Nasa ganun siyang pag mumuni muni ng daganan siya ng bestfriend niya na si Jessica at wrestling-in nito.

"Aray! Ano ba? Umalis ka nga dyan! Ang bigat mo kaya!". Sabay hagis kay Jessica sa kabilang panig ng higaan. Nagkalang naman ang mga kamay nila kaya ng ihagis na niya ito sa higaan, natangay din siya at napadagan dito. Nagkalapit ang mga muka nila at ito ang unang beses sa loob ng ilanpung taon na pagkakakilala nila na matitigan niyang mabuti ang muka ni Jessica.

Maganda din ito. Kabaligtaran ni Mara na maputi at medyo kulot, ito naman ay morena at natural na straight ang black na buhok. Mahaba din at malalantik ang pilikmata, matangos ang ilong, makinis at pantay ang kulay ng balat. Napadapo sa labi ng dalagita ang mga mata ni Alexander. Maninipis at makipot iyon. Tila ba kay sarap halikan. Kahit morena ay hindi maikakailang may kakaibang aura ito na makakapang akit ng mga kalalakihan kung gugustuhin niya, pero wala sa galawan ni Jessica ang pang aakit. Sobrang inosente nito at boyish, gawa na din siguro ng kakasama sa kanya.

"How do I rate?". Sabay silay ng pilyang ngiti sa mga labi ng dalagita at tinulak na siya saka ito tumayo. "Iintayin kita sa baba, maghanda ka na, pag wala ka pa in 15 minutes, iiwanan talaga kita". Sabi nito saka kinuha ang bag na dala at akmang lalabas na ng kwarto.

"Sandali! Grabe ka naman sa 15 minutes. Pwede bang kahit mga 20 minutes naman?" Tawad niya sa babae.

"Hindi. Kanina ka pa nandyan sa higaan mo. Sinabi ko sayo, may exams tayo today at hindi pwedeng malate." Pagtanggi nito sa kanya, sabay labas ng pinto. "Meron ka nalang 14 minutes and 35 seconds." Pahabol ng dalaga saka tuluyang lumabas ng kwarto ni Alexander. Iiling iling nalang na tumayo na si Alexander para maghanda.

Natatawa siya dahil alam naman niya sa sarili na kahit abutin pa siya ng 30 minutes, hindi siya iiwanan ni Jessica, pero kailangan pa din niyang mag madali dahil ang oras na tinuring nito ay ang oras na mang gugulo ito sa kwarto niya sa oras na hindi pa siya bumababa.

Pag baba niya,naabutan niya si Jessica sa kusina at doon nakikipag kwentuhan sa kasambahay nila na si Erica habang nanginginain. Natawa siya sa nakita. Mag kaibigan na sila mula bata, ni minsan wala siyang nakita o nakilalang boyfriend nito. Boyish si Jessica at puro sports ng lalake ang nagugustuhan. Basketball player ito simula high school sila hanggang ngayon. Ito palang din ang nag iisang nakatalo sa kanya sa larangan ng swimming.

Pano ba namang hindi, eh lumaki ito sa tabing dagat. Bago sila magkakilala, nanirahan ito sa Siargao kasama ang ina niya habang nasa Maynila ang ama na nag aasikaso ng negosyo nila. Kaya naman kapag nadikit ito sa tubig, akala mo isda sa bilis lumangoy. Nang mapalago ng ama niya ang negosyo nila sa pamamagitan ng pakikipag tie-up sa Romano Corporation, kinuha na sila ng ama nito at sa Maynila na pumirmi. Nga lang, ilang taon palang nakakauwi dito sa Maynila ang mag iina, pumanaw naman ang ama nila sa isang plane accident.

Tanging ang ina nito ang nagtaguyod sa kanila matapos ang trahedya gamit ang naiwan na negosyo ng kanilang ama. Dalawa lamang silang magkapatid at bunsong anak si Jessica.

Mahilig din itong maglaro ng video games kaya nagkasundo silang dalawa. Puro babae at part ng LGBT ang kasama ng dalaga pag hindi sila magkasama kaya hindi malabong matuluyan na nga itong maging tomboy pag tagal pa.

Sayang lang kung hindi ito magpapakasal sa lalake at magkakaroon ng sariling anak dahil sigurado siyang magiging maganda ang lahi ng dalaga pag nagkataon. Napailing nalang siyang bigla sa naisip.

"How do I rate?". Dinig ni Alexander na tanong ni Jessica sa kanya. Napansin na pala nito ang pagtitig niya sa dalaga mula sa pintuan ng kusina nila. Lumapit siya at ginulo ang buhok ng dalaga habang tumatawa. "Wala, bagsak!". Napangiwi naman ito at namilog ang mga mata sabay sabi, "Wow ha! Coming from you talaga yan, Xandie?".

Sumimangot naman siya at sinabing, "Sabi ko sayo wag mo ko tinatawag ng ganyan eh! Para naman akong bakla sa pangalan na yan". Natawa lang ito ng malakas at hinatak na siya palabas ng kusina. "Salamat sa kwento at pagkain, Erica. Bukas ulit! Halika na....... Xandie. Ha ha ha."

Nakasimangot man pero sumunod na din siya sa dalaga. Sumakay na sila sa sasakyan nito at umalis.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status