Share

Chapter 5 Dependent

Alexander's POV

Natapos ang Graduation ceremony pero hindi na ulit bumalik si Jessica sa venue. Hanggang sa makauwi ay pilit na tinatawagan ni Alexander ang dalaga ngunit nakapatay ang phone nito. Sinubukan na din niyang tawagan ang kapatid nito pero wala namang sumasagot. Hindi na niya tinangkang kulitin ang mga ito pero late na siya nakatulog dahil sa guilt feelings niya para kay Jessica.

Aminado si Alexander na naging selfish ang desisyon niyang pag punta ng America. Matapos kasi siyang ireject ni Mara, kinausap niya ang ama na gusto niyang magpakadalubhasa sa larangan ng negosyo nila at gusto niyang marami pang matutuhan. Nang tanungin siya nito kung ano ang nasa isipan niya, sinabi niyang pupunta siya ng America para kumuha ng magagandang experience sa kumpanya doon para mas mapalawak na din niya ang koneksyon pag siya na ang nagpalakad ng kumpanya.

Labis namang ikinatuwa ng ama ang narinig mula sa panganay na anak, sa wakas ay nag seryoso na ito at mag fofocus na din sa wakas sa Family Business nila. Walang pag aalinlangan na sumang ayon ang ama sa ideya ni Alexander. Sa sobrang tuwa na wala siyang nadinig na pag tutol sa ama, nawala sa isip ni Alexander si Jessica.

Lumipas ang ilang araw at dumating ang Graduation day nila ng hindi nasasabi sa kaibigan ang pag alis niya. Alam niyang magtatampo ito sa gagawin niyang pag alis pero lalong lumala ang sama ng loob nito ng malaman pa sa iba ang pag alis niya.

Kahit may ibang kaibigan si Jessica bukod sa kanya, alam na alam niya kung gaano kadependent ito sa kanya magmula noong mamatay ang ama nito. Simula sa panali sa buhok, damit na isusuot, pantalon, medyas at sapatos, siya ang tinatanong nito. Hindi ito kahit kailan naunang kumain sa kanya. Palagi siyang iniintay nito kahit gutom na gutom na ang dalaga. Madalas pa nga, itatanong pa nito kung anong pagkain ang masarap kainin, saka palang ito oorder pag nagbigay na siya ng suggestion.

Imbes na mairita, hindi naman maiwasan ni Alexander ang matuwa dahil pag kasama niya si Jessica, ramdam na ramdam niya ang pagiging lalake niya sa kanilang dalawa. Kung panong kahit boyish ito ay kailangan niya itong protektahan at kailangan siya nito sa kadalasan ng oras. Sobrang nabubuhat ng pagiging needy ni Jessica ang pride niya bilang isang lalake. Nakikinig sa lahat ng sabihin niya ang dalaga kahit na minsan ay nagtatalo sila. Sa oras na magseryoso na siya, hindi na ito kikibo at susundin na ang gusto niya.

Kaya nga laking gulat niya ng araw na nireject siya ni Mara, hindi niya alam na meron palang naitatagong maturity si Jessica. Ang buong akala niya ay sobrang isip bata nito kaya kahit magkaroon ng crush o boyfriend ay hindi sumagi sa isip ng dalaga.

Pero pano na ngayong aalis na siya? Ngayon lang sumagi sa isip niya si Jessica. Kung paano na mag sisimula ang dalagang ilang taon na dumepende sa kanya ang buhay. Bawat sulok ng mundo nito, bawat oras, palagi siyang nandun at kung wala man ay hahanapin agad agad ng dalaga.

Nalungkot din siya ng maisip na maiiwan niya ang pinaka matalik niyang kaibigan. Kahit lalake siya, babae ang naging matalik na kaibigan niya dahil simula noon hanggang ngayon, naging sandalan nila ang isa't isa. Nagagawa nilang matulog ng magkatabi minsa'y magkayakap pa nga ng walang malisya sa mga utak nila. Sobrang komportable siyang kasama ang dalaga at ganun din naman ito sa kanya.

Pero kailangan niyang mag move on at kailangan niyang mag focus. Bilang panganay at taga pag mana ng Romano Corporation, kailangan maging matatag ang loob ni Alexander. Kailangan niyang matuto sa buhay at hindi pwedeng palaging ang pag sesentimiento ang pairalin.

Simula sa araw na ito hanggang sa mga dadating pang panahon, siya na ang aako ng responsibilidad ng nakararami. Empleyado ng kanilang kumpanya, ang pamilya niya na umaasang mapagpapatuloy niya ang nasimulan ng ama at mapalago pa ito, lalong lalo na syempre, ang bubuuin niyang pamilya sa hinaharap. Hindi niya alam kung kelan, pero kailangan din niyang mag karoon ng taga pag mana eventually.

'Patawarin mo sana ako, Jess. Kailangan kong gawin to para din sa ikabubuti ng nakararami. Pangako, pag balik ko ay babawi ako sayo' Bulong nalang ni Alexander sa isip niya. Iyon ang paulit ulit na tumatakbo sa isip ng binata hanggang sa makatulog na ito.

Maagang nagising si Alexander kinabukasan dahil ito din ang araw ng flight niya papuntang America. Tiningnan niya ng cellphone niya kung may text na ba si Jessica doon. Medyo nakakapanibago dahil walang palya ang text nito sa kanya ng 'Goodmorning' araw araw simula ng magkaroon ito ng sariling cellphone.

Sinubukan niya ulit tawagan ito. Nag ring na ang number pero makailang ulit niyang tinawagan pero hindi manlang sinagot ng dalaga ang tawag niya. 'Sumama siguro talaga ang loob niya saken, baka nga nagalit pa ng tuluyan'. Yun ang naisip ni Alexander kaya tinigilan nalang niya ang pag tawag dito. Nag text muna siya dito na ngayon ang alis niya at 5pm ang oras ng flight niya, bago siya tuluyang bumangon at nagsimulang asikasuhin ang mga gamit.

Alas tres y media na ng hapon, nasa airport na silang mag anak para ihatid siya. Panay ang tingin niya sa phone na baka tumawag o mag text si Jessica bago siya tuluyang umalis pero bigo si Alexander. Nahalata naman ni Althea ang maya't maya niyang pag sulyap sa phone niya at sa aligagang kilos.

"Bigyan mo muna siya ng time, kuya.". Sabi ni Althea."Baka naman hindi ka din niya gustong makitang umalis kasi nga kilala mo naman yun diba? Sobrang clingy sayo. Baka hindi niya kayanin makita kang umalis at humabol pa sayo". Pagbibigay katwiran ng bunsong kapatid.

Ngumiti siya ng mapait at saka tinapik ang balikat nito. " Siguro nga, bunso. Ako man ay nalulungkot din sa pag alis ko ngayon, pero kailangan kong kayanin lahat ng 'to para sa pamilya naten at para nadin sa sarili ko."

Tumayo na siya at tinawag ang atensyon ng mga kasama. "Oh pano, papasok na ko sa loob para hindi na din ako makipag sabayan sa mga tao mamaya, mag iingat kayo ah?"

"Mag iingat ka doon anak, tatawag ka lang pag may problema ka ha?" Paalala ng ama niya. Niyakap naman siyang mahigpit ng kanyang ina at mga kapatid.

"Bro, keep safe. Susunod din ako sayo dun anytime soon". Sabi ni Aaron sa kanya. Wala pa itong alam sa nangyari noon sa kanila ni Mara at sa nalaman niya kaya wala naman siyang sama ng loob dito.

"Thanks bro. In the meantime, ikaw muna bahala dito ha? And I'll wait for you there."

Nakapila na siya para pumasok sa loob ng may tumawag sa kanya.

"ALEXANDER ROMANO!"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status