Share

Chapter 17 Jealous

"Nandyan ka pala, Jess."

Sabi ni Alex habang papalapit sa kanya ang binata. Nag iwas ng tingin si Jessica sa binata para maitago ang nararamdaman niya ng mga oras na yon.

"Sinamahan ko lang ang kaibigan ko para mamili ng mga gagamitin namen sa sorpresa sa birthday ng Mama niya." Mahabang paliwanag niya sa binata. Hindi pa din niya magawang tumingin dito dahil hindi niya alam kung ano ang mararamdaman sa nakikitang pagkakadikit ng dalawa.

"Ganun ba? Mukang busy ka ngayon ah. Aayain pa naman sana kitang mag dinner sa bahay." Parang nadismayang salita ni Alex. Hindi batid ng binata ang sakit sa mga mata ni Jessica dahil sa hanggang ngayon ay nakakapit pa din sa braso niya si Mara.

"Oo nga, Jess. Sa isang araw kasi ay aalis na kami papuntang America. Alam mo naman, ilang taon na naman ang aabutin bago kami makabalik dito. Kung suswertehin doon ay baka madagdagan ang taon na ilalagi namen sa New York." Pagbibigay diin ni Mara sa kanya na para bang lalo pa siyang inaasar ng dalaga.

'Yeah right! Muka namang hindi na ako kailangan doon at kung hindi ko pa kayo nakita dito ay wala naman ata kayong balak na ayain ako!' Sigaw ni Jessica sa isip niya pero hindi niya magawang isatinig ang mga iyon kaya pinili nalang niyang sarilinin.

"Nako! Pasensya na kayo. Matagal ko na kasing naipangako ang araw na ito sa kaibigan ko at ayoko namang iwanan nalang siya basta sa ere. Mahirap kaya ang naiiwan sa ere." Pilit ang ngiting sagot ni Jessica sa dalawa. Hindi na din niya nagawang itago ang nararamdamang pighati sa mga kaharap kaya nabigyang diin na din niya ang huling salitang binitawan.

"Jess. Ano bang sinasa.."

Nag aalalang napatingin naman sa kanya si Alex at akmang hahawakan siya nito pero nag iwas siya.

"Pasensya na kayo pero kailangan ko nang mauna. Marami pa kaming gagawin. Ingat kayo." Pag putol ni Jessica sa sasabihin pa ni Alex sa kanya sabay talikod at mabilis na lumabas ng flower shop. Sumunod naman sa kanya ang kaibigang si Bridget na walang imik.

Sa tanang buhay ni Jessica ay ngayon lang niya naramdaman ang ganoon. Sobrang bigat ng pakiramdam niya at hindi siya makahinga ng maayos. Mabilis din ang tibok ng puso niya na para bang ilang milya ang tinakbo niya. At bawat hinga niya ay parang may tumutusok na kung ano sa dibdib niya. Nasapo nalang ni Jessica ang kanyang dibdib at pilit na nilalabanan ang pag patak ng mga luha sa mata.

"Jess, okay ka lang ba?" Bahagya pang nagulat si Jessica ng haplusin ni Bridget ang likuran niya. Medyo nakunsensya pa siya dahil nawala talaga sa isip niyang kasama niya ito ng lapitan sila ni Alex. Iniwanan niya ito doon sa shop at basta nalang umalis na parang mag isa lang siya.

"No Bridge.. I'm not. I'm sorry kung naiwan kita doon mag isa. Hindi ko na kasi kinaya ang ambiance sa paligid." Hingi niya ng paumanhin sa kaibigan saka yumakap dito. Saka nag unahang maglabasan ang mga luha sa mga mata niya na kanina pa niya pinipigilan.

"Hindi ko alam kung bakit ang o.a ng reaksyon ko. Hindi naman niya ako girlfriend pero nasaktan ako ng makita ko siyang kasama si Mara. Knowing na isa rin tong si Alex na umaasa na mapansin ni Mara." Pangangatwiran niya sa nararamdaman.

"It's okay, Jess. Wala namang mali sa nararamdaman mo. It's okay to be jealous. Normal yun sa taong nagmamahal. Pero Jess, don't you think it's about time to let him go?" Marahang salita ni Bridget sa kanya.

Pinahid niya ang luha saka humarap kay Bridget.

"I'll work on that. Pipilitin kong kalimutan ang matagal na panahon kong inalagaang pag ibig sa kanya." Pag sang ayon ni Jessica sa kaibigan.

Hindi niya alam kung paano niya sisimulan pero tama si Bridget. It's about time to move on. Hindi niya gustong mawala ang friendship nila pero kailangan niyang isakripisyo iyon pansamantala para makalimot siya. Babalik din naman ang friendship nila sa oras na makalimutan na niya ang pagmamahal niya sa binata.

Nahihirapan na siyang itago ito at hindi na niya magawang magpanggap pa. Natatakot siyang dumating ang araw na hindi niya mapigilan ang sarili at mag tapat dito. Pero mas kinatatakot niya na matuluyang mapalayo sa binata sa oras na magtapat siya ng saloobin dito. Baka mailang ito sa kanya at umiwas. Mas masasaktan siya pag pati ang pagkakaibigan nila ay mawawala pa.

Maayos naman nilang naisagawa ang sorpresa para sa Mama ni Bridget at masaya siya dahil naappreciate ng Mama ni Bridget ang efforts nila. Habang sabay sabay silang kumakain ay panay din ang text at tawag ni Alex kay Jessica.

Nag aalala daw ito sa kanya at gusto din siya nitong makasama sa hapunan ngayon. Sabi pa nito ay siya lang ang kulang sa hapag ng gabing iyon.

Ayaw ni Jessica na madistract dahil kay Alex at kilala niya ang sarili. Pag nag tagal ay hindi din niya matitiis ang binata at pupuntahan din niya. Kaya pinatay nalang niya ang kanyang telepono para hindi na makabasa pa ng mga messages nito.

Past 11 o'clock na nakauwi si Jessica at pagod na pagod din ang katawan niya. Actually, katawan at isip niya ang pagod ng araw na iyon. Nag paalam naman siya sa mama niya na gagabihin talaga siya ng uwi at sa labas na kakain kaya hindi na siya inintay nito. Pag uwi ay dumiretso na siya sa kanyang kwarto.

Pabagsak na hiniga ni Jessica ang katawan sa malabot niyang kama. Hindi na niya kayang mag palit at maglinis ng katawan. Ang gusto lang niya ay matulog ng mahimbing.

"Yuck! Hindi ka manlang ba maglilinis kahit ng muka mo?"

Isang pamilyar na boses galing sa pamilyar na bulto ng katawan ang nakapag padilat sa mga mata ng dalaga.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status