Share

Chapter 2 Stubborn Heart

Jessica's POV

Hindi na mapakali si Jessica simula pa kanina sa kwarto ni Alexander. Simula kasi ng magkakilala sila at maging magkaibigan noong mga bata pa, ito ang unang beses na magkalapit ang mga muka nila ng ganun kalapit at iyon lang din ang unang beses na tinitigan siya ng ganun ka intense ni Alexander.

Bata pa lang siya ay may crush na siya kay Alex. Kaya nga inalam niya ang mga gusto nito at inaral mabuti para meron siyang dahilan para makapag bonding kasama ang lalake. Nag kilos boyish din siya para hindi mahalata nito na may iba siyang intensyon sa pakikipag kaibigan dito at hindi din ito mailang sa presensya niya.

Naging magkaklase sila simula elementary hanggang high school. First time ngayong college na hindi niya ito kasama sa ibang major subjects dahil magkaiba ang kursong kinuha nila. Kumuha ito ng BS Management Engineering dahil ito ang panganay na anak ng CEO ng Romano Corp at magiging taga pag mana ng kumpanya pag tagal at kailangan niyang mapag aralan lahat ng tungkol sa pag nenegosyo habang maaga. Habang si Jessica naman ay kumuha ng BS Chemistry. Balak niyang maging isang magaling at sikat na surgeon. Kaya mga minor subjects lang ang mga klaseng magkasama sila ni Alex. Ayos na sa kanya yon, at least meron padin namang oras na magkasama sila. Pero alam niyang kailangan na talaga nilang tahakin ang magkaibang landas pag lipas pa ng mga taon.

Nalulungkot siya pag naiisip iyon pero may kakaibang kirot sa puso niya pag naiisip niya kung paanong unti unting naho-hook si Alex kay Mara. Habang tumatagal, nakikita niyang lumalalim ang nararamdaman ng binata. Kaya nga kahit kelan na mag kwento ito ng tungkol kay Mara, palagi niyang iniiba ang usapan at hindi nagpapakita ng interes sa mga kwento nito.

Selos? Ito ba ang tamang tawag sa nararamdaman niya ngayon?

Pero crush lang naman ang nararamdaman niya para kay Alex at hindi niya kahit kailan aaminin iyon sa binata dahil ayaw niyang mapalayo ang loob nito sa kanya. Mas masaya na siyang ilihim ang nararamdaman basta manatili lang siya sa tabi ng lalake.

"Jess! Baka naman mabangga tayo! Nakatulala ka lang diyan. Ako na kaya ang mag drive?" Tapik ni Alex sa kanya na nasa passenger's seat ngayon.

Nasa malalim na pag iisip si Jessica ng mapansin siya ni Alex, madaldal siya at hindi iyon maaawat kahit pa nag da-drive siya. Pero ngayon, pag sakay nila ng sasakyan niya, hindi manlang siya nagsalita ni isang salita. Bagay na napuna ni Alexander at sinubukan mag simula ng topic ngunit parang hindi siya nadidinig ng dalaga.

"Ayoko nga! Oras ko ngayon para mag drive diba? Bukas ikaw ang mag da-drive kaya wag kang atat!". Sagot nalang niya sa binata habang pilit na tinatago ang pag kailang dito.

"Ano ba kasing nangyayare sayo ngayon? Hindi ka naman ganyan, may sakit ka ba?". Sabi nito sabay hipo sa noo niya. Umiwas naman siya at nagdahilan nalang. "Wala, inaalala ko kasi yung exams naten, nagmememorize ako para hindi bumagsak. Ikaw ba? Nag review ka manlang ba?". Balik tanong niya dito.

"Sus! Masyado ka naman. Jess, minor subjects lang naman tong mga to. Napakadali lang for sure ng mga exams diyan. Isa pa, bakit ka ba sobrang seryoso ngayon? Sigurado naman akong hindi tayo babagsak dito." Pangangatwiran nito sa kanya.

Tama naman si Alexander. Napakadali lang ng mga exams para sa kanilang dalawa. Pareho silang may utak at pinapatunayan nila ito taun-taon sa mga magulang nila. Paligsahan silang dalawa kada taon sa ranking. May taon na siya ang top 1, meron namang taon na ito ang top 1. Salitan lang silang dalawa, kaya tuwang tuwa ang mga magulang nila sa pagkakaibigan na meron sila. Imbes na maging bad influence daw sila sa isa't isa, naghahatakan pa daw sila pataas. Kaya kahit anong paalam nila, hindi pa sila tinanggihan ng mga magulang nila basta malaman na sila ang magkasama.

"Oh, natulala ka na naman diyan. Multo ba ko para hindi mo pansinin?" Basag ulit ni Alex sa katahimikan at pag iisip niya.

"Ang kulit mo naman. Sinabi naman sayong nag mememorize nga ako eh." Jessica..

"Baka naman iniisip mo lang ang crush mo?" Alex..

Napaapak siya sa preno bigla, bagay na kinagalit ng nasa likuran nila. Isang malakas at mahabang busina ang nakapag pawala ng shock ni Jessica at nagpatuloy na paandaring ang sasakyan.

"Oh, tama ako no? Hindi ka nakakibo, nashock ka pa! Ha ha ha". Pang aalaska pa nito sa kanya. "Tigilan mo nga ako, hindi ako gaya mo na puro ganyan ang laman ng isip." Pag dedeny nalang niya.

"Ano naman ang masama doon?" Namilog ang mga mata ni Alex sa sagot niya.

"Alam mo Jess, we're not getting any younger, ika nga. Normal lang na makaramdam na tayo ng romantic feelings sa iba. Nakakatakot pero masaya. Alam mo yungang gaang gaang ng feeling mo kahit simpleng marinig mo lang boses niya. Yung tipong kumpleto na araw mo kahtit 'Hi' lang ang sinabi niya?" Pag dedemonstrate pa nito na alam naman niyang para kay Mara ang sinasabi.

Napangiwi nalang siya sa tinuran ng binata. Medyo meron kasi siyang kuryenteng naramdaman na dumaan sa puso niya. Nadismaya din siya at nalungkot dahil totoo naman ang mga sinasabi nito. Dahil ganun ganun ang nararamdaman niya para sa lalake. Kahit alam niyang walang katugon ang nararamdaman para dito, sumigi pa din ang makulit niyang puso.

Hindi nalang kumibo si Jessica sa sinabi ni Alexander. Bagay na hindi na pinahaba ng binata at nanatiling tahimik nalang din sa byahe hanggang sa makarating na sila sa school.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status