Share

Chapter 15 True love

"Marry me, Jess."

Parang bombang sumabog sa tainga ni Jessica ang sinabing iyon ni Aaron. Hindi niya inaasahan ang mga salitang lumabas dito. Napanganga nalang siya sa mga nadinig. Nang makabawi sa pagkagulat ay bigla namang tumawa ng malakas ang dalaga.

"Aaron, hindi ka pa din nag babago. Palabiro ka pa din. At pati ako ay gusto mo pa talagang pag tripan ano?" Natatawang salita ni Jessica kay Aaron. Pero nawala ang pag tawa niya ng makitang walang ngiti ang sumilay sa mga labi ng lalaki. Seryoso itong nakatingin sa kanya at hindi kumikilos o tumawatawa. Walang bahid ng pag bibiro sa mga mata nito.

"Okay, seryoso na ko. Wag mo kong idamay dyan sa mga prank mo, Aaron. Hindi tatalab saken yan." Sabi ulit ni Jessica.

"I'm serious. I am really asking you to marry me." Sagot sa kanya ng binata na wala pa ding halong pag bibiro o kahit katiting na kapilyuhan. Doon napag tanto ni Jessica na seryoso ang binata sa sinabi nito at hindi talaga ito nagbibiro.

Sinapo ni Jessica ang noo ni Aaron at saka sinabing, "May sakit ka ba? O baka may problema ka? Pwede naman naten pag usapan yun. Kaibigan mo din naman ako Aaron."

"Wala akong problema o sakit. Naisip ko lang na habang tumatagal, hindi naman na ako bumabata para hindi pag isipan ang pag aasawa. And you're going to be a perfect wife for me. I mean, simula pag kabata ay kilala na kita. I even have a crush on you. Pero nakatuon lang kasi ang atensyon mo kay kuya." Sagot nito sa kanya.

"Besides, alam naman naten pareho na may ibang mahal ang kuya at hindi ka naman niya nakita bilang isang babae kundi bilang isang kaibigan lang ang tingin niya sayo." Dugtong ng binata.

Napangiwi naman si Jessica sa huling sinabi ni Aaron sa kanya. Iyon ang pinakamasakit na katotohanan na nadinig niya. Pero may punto naman ito. Lahat ng sinabi ng binata ay puro totoo at wala naman talagang pinakitang interes sa kanya si Alexander kahit noon. Tangin si Mara lang ang nakikita nito.

Pero ano nga ba ang pag kakaiba niya kay Alexander? Habang ito ay patuloy na nabubuhay sa pagmamahal kay Mara na walang tugon, siya naman ay nananatiling umaasa din sa pagmamahal kay Alexander na siya ding walang katugon. Kahit minsan ay hindi siya nagbigay ni katiting na atensyon sa ibang lalaking nasa paligid dahil puno ng imahe ni Alex ang isip niya.

"So, what do you think?" Basag ni Aaron sa malalim na pag iisip niya.

"Aaron, I have to decline your offer. Tama ka, nag iintay ako sa pag mamahal na malabong makamtan ko. I can't also marry the man I don't love." Pangangatwiran ni Jessica.

"Love? You seriously believe that love will come your way?" Namimilog ang mga matang tanong sa kanya ng binata.

"Oo naman! Bakit? Hindi ka ba naniniwala doon?" Balik tanong ni Jessica.

"I do. But compatibility is what's important. I mean, love is so easy to find and so easy to vanish but compatibility doesn't." Paliwanag ni Aaron sa kanya.

"Mahirap makakita ng taong compatible sayo. Yung taong komportable kang kasama at swak kayo halos sa lahat ng bagay. Love is so complicated na minsan yun din ang nagiging dahilan kaya maraming tao ang nagsa-suffer." Dugtong pa nito. "I mean, look at you, you believe in Love so much that it actually is the cause of your pain. So... why would I want to look for love if it will only tear me apart?" Malalim na sagot nito kay Jessica. Ito ang unang pagkakataon na makausap niya ng ganito kaseryoso ang binata.

Simula bata sila ay puro kapilyuhan ang ginagawa at sinasabi nito. Hindi mo makikitang seryoso at palaging nakangiti habang nangingislap ang mga mata lalo na kung napapaligiran ito ng mga babae. Bumuntong hininga si Jessica ng malalim saka tumingin sa hindi kalayuan.

Doon nakita niya si Alexander. Kausap ang ibang mga bisita. Nakatayo na para bang walang makakapag patumba dito. Postura at ugali iyon pareho ni Alexander. Isa sa mga bagay na minahal niya dito.

Napansin siguro ng binata na may nakatitig sa kanya kaya bahagya itong nagpalingap lingap bago mapunta sa kanya ang tingin nito. Ngumiti naman ito at itinaas ang kamay bilang pag bati at pag kaway sa kanya. Gumanti ng ngiti si Jessica dito at tumango bilang sagot.

Saka binaling ni Jessica ang mga mata sa katabi na nakatingin din sa kanya.

"Sa loob ng maraming taon, Aaron, minahal ko si Alex. Nasaktan ako ng ilang ulit na hindi niya alam dahil lahat ay itinago ko sa kanya para manatili kaming magkaibigan. Bagay na ipinagpasalamat ko din naman dahil nasa tabi niya ako nung mga panahon na mahina siya, nasasaktan at malungkot. Ako ang naging dahilan para kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya sa kabila ng mga problema niya." Mahabang salaysay ni Jessica.

"Si Alex din ang naging lakas ko at kahit kailan, hindi niya ako binigo. Maliban lang sa katugon na mahalin din ako. Pero hindi ko siya masisisi. Gaya ko, hindi naman niya pwedeng pilitin ang sarili na mahalin ang isang tao dahil lang hindi ka minahal ng mahal mo. Nag iintay din siya sa taong mahal niya tulad ko. At hindi ko gugustuhin na mahalin niya ko panandalian para lang mapag bigyan ako. Mas gugustuhin ko ang mahalin ako habang panahon ng taong mahal ko. Para saken, yun ang true love."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status