Share

Chapter 16 Odd feeling

Ang malakas na tunog ng cellphone ni Jessica ang nagpagising sa kanya.

Masakit pa ang ulo niya at tinatamad pang bumangon dahil sa naging celebration kagabi sa Romano residence. Tiningnan ni Jessica ang pangalan na nakarehistro sa screen ng cellphone niya. Ang kaibigang si Bridget ang tumatawag. Tiningnan niya ang oras at napasimangot ng makitang alas sais palang ng umaga. Tamad na tamad na sinagot naman niya ang telepono.

"Hello. Ano ba yun? Ang aga aga mo naman mambulabog eh." Reklamo ni Jessica sa kaibigan.

"Hindi ako makapaniwalang nakalimutan mo, Jess!" Pagalit na tugon nito sa kanya.

Maang na napamulat ng mata naman ang dalaga at pilit na inaalala kung ano nga ba ang meron sa araw na iyon. Maya maya pa ay naalala na ng dalaga at saka napabalikwas ng tayo sa kanyang higaan. "Ow sh*t! I'm sorry baks! Nawala talaga sa loob ko! Eto na at mag aayos na ko. Then I'll be there in a few, okay? See ya' in a bit. Bye!" Nagmamadaling bumangon si Jessica at saka tinungo ang closet para mamili ng isusuot na damit.

Birthday nga pala ngayon ng Mama ni Bridget at nagpatulong ito sa kanya na i-surprise ang mama nito. Pumayag naman siya dahil sa susunod na araw pa naman ito pagkatapos ng graduation ni Althea. Kaya hindi niya naisip na magkakaron siya ng problema sa pag gising kinabukasan.

Naparami ang nainom niya kagabi dahil sa naging pag uusap nila ni Aaron. Bahagya pa siyang napatigil ng maalala ang mga sinabi nito sa kanya. Lalo na ang pag aalok nito ng kasal. Sa totoo lang ay tempting naman talaga ang offer nito. Kung naiba iba lang siya ay siguradong umoo na siya dito at nag pakasal kinabukasan. Maliban sa pagkakakilanlan dito na playboy at wala naman itong ipinakitang masamang ugali sa kanya. Sa katunayan ay mababait sa kanya ang buong pamilya ng Romano. Simula sa mga magulang, hanggang sa magkakapatid ay wala siyang masabi sa mga ito.

Kahit mas mataas ang estado ng buhay nila sa kanilang pamilya ay never nitong pinaramdam sa kanya ang pag kakalayo ng agwat nila. Sa katunayan, sobrang welcome siya sa mga ito at itinuring pa siyang tunay na pamilya.

Matipuno din si Aaron tulad ng kapatid nitong si Alexander. Gentleman at masaya din kasama. Walang dull moments dito dahil palabiro ang binata. Nga lang ay kay Alexander nahulog ang loob niya at ito talaga ang naging mas malapit sa puso niya, hindi lang bilang kaibigan o pamilya, bagkus minahal pa niya ito ng todo.

Pagkatapos na gumayak at mag almusal ay umalis na ng bahay si Jessica para puntahan si Bridget. Napagkasunduan nilang magkita sa isang shop sa bayan para mamili ng ilan pang kulang na gagamitin nila sa sorpresang ihahanda ng kaibigan sa mama nito. Meron naman ng mga gamit na nabili pang dekorasyon sa bahay nila pero gusto ni Bridget na dagdagan ito at mas pagandahin pa ang gagawin.

"Finally! Akala ko wala ka ng balak sumipot sa usapan naten." Nakalabing sabi ni Bridget kay Jessica.

"Sorry na. Naparami lang ng onti ang ininom ko kagabi kaya medyo nalate ako ng gising ngayon. But hey! Here I am. So... where do we start?" Pag iiba niya ng topic para hindi na sumama ang loob ng kaibigan at magtanong pa ng mga nangyare kagabi.

Naging busy ang umaga nila sa pamimili ng mga gamit at nang abutin na ng tanghalian ay napag pasyahan nilang kumain nalang sa pinakamalapit na fastfood. Nasa trabaho ang mama ni Bridget at hapon pa ito makakauwi. Kahit may edad na ay nagtatrabaho pa din ang mga magulang ni Bridget dahil parehong workaholic ang dalawa. Kaya nga hindi na nagkaron ng kapatid si Bridget at swerte na ngang nagkaanak pa ang dalawa.

Minsan ay naaawa din siya dito dahil halos lahat ng okasyon ay mag isa lang na sine-celebrate ng kaibigan. Birthday, pasko o minsan kahit pa nga bagong taon ay mag isa ito. Kung hindi ginagabi sa trabaho at nasa business trip ang mga magulang sa kanya kanya nilang trabaho. Kaya nga nang magkakilala sila ay siya na ang palaging kasama nito sa mga okasyon sa buhay nito.

Pagkatapos nilang mananghalian ay nagpatuloy sila sa pamimili. Kailangan nilang makauwi sa bahay ni Bridget at least before 3 o'clock.

Nasa isang store sila ng mga bulaklak ng may dalawang pamilyar na bulto ang pumasok din dito. Abala sa pag kukwentuhan ang dalawa kaya hindi napansin ang presensya ni Jessica. Pero hindi nakaligtas sa dalaga ang nakasukbit na kamay ng dalaga sa braso ng kasama nitong binata habang nag lalakad.

Si Alex at Mara! Anong ginagawa nila dito? At bakit hindi manlang ako napansin ni Alex ng pumasok dito?

Sigaw sa isip ni Jessica habang nakasunod ang mga mata sa dalawa. Lumapit sa kanya si Bridget at nagtatakang sinundan nito ang tingin niya. Namilog ang mga mata nito at napanganga ng makita ang pares na bagong pasok sa flower shop.

"Hindi ba si Alex iyon? Sino yung babaeng kasama niya?" Inosenteng tanong ni Bridget.

Hindi naman nakasagot agad si Jessica sa kaibigan dahil siya man ay may biglang hindi maipaliwanag na nararamdaman.

Nagtatawanan ang dalawa habang namimili sa mga bulaklak na naroon. Napatingin sa kanya si Mara at saka siya binati ng dalaga.

"Jess? Ikaw pala yan! Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Mara sa inosenteng paraan. Hindi maiwasan ni Jessica na mapansin ang talim ng mga mata ng dalaga pero naguguluhan siya dahil nakangiti naman ito sa kanya. A very odd feeling, ngayon lang siya tinitigan ng ganoon ni Mara. Hindi sila close pero wala naman siyang alam na may galit o inis ito sa kanya. Bandang huli ay binalewala lang ni Jessica ang pakiramdam na iyon saka siya gumanti lang ng isang tipid na ngiti.

Nagulat naman si Alexander na napatingin sa kanya. Wari'y ngayon lang siya napansin ng binata. Malapad naman ang ngiti nito at lumapit sa kanya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status