Share

Chapter 18 I missed you

Mabilis na nagmulat ng mata si Jessica at napabalikwas ng tayo sa kama nang madinig niya ang tinig ni Alexander.

"Anong ginagawa mo dito?" Gulat na tanong ni Jessica sa binata.

"Iniintay ka. Obvious ba?" Sagot sa kanya ng binata. "Ginabi ka naman ata masyado ngayon. Muntik na kong makatulog kakaintay sayo." Dugtong nito na mahahalata ang pagka irita sa muka.

"Bakit mo naman ako iniintay? Saka diba sinabi ko naman sayo na may gagawin ako kaya busy ako buong maghapon." Sagot ni Jessica na iniiwas ang tingin kay Alex. Ayaw niyang makita nito ang nanunumbalik na sakit na nararamdaman niya.

Bumuntong hininga si Alex at naupo sa kama sa tabi niya. "Jess, I'm sorry kung hindi ko agad nasabi sayo. Magpapasama naman dapat ako sayo kanina, kaso dumating si Mara at nag presintang samahan ako. Hindi na ko nakatanggi sa kanya." Paliwanag ni Alex habang hindi pa din tumitinag si Jessica.

'Hmp! If I know. Gustong gusto mo naman talagang kasama ang babaeng yon. Hindi mo nga ako napansin at dinaanan lang doon sa shop.' Nasa isip ni Jessica na hindi din naman niya kayang isatinig. Bagkus, nagsawalang kibo nalang siya at hindi na gusto pang makipag talo o diskusyon pa sa binata.

Masyado siyang pagod nang araw na iyon at wala siya sa mood para makipag usap pa kay Alex. Isa pa, totoo namang nagtatampo siya sa binata dahil palagi ay siya ang sinasama nito sa twing mamimili sila ng mga pamalit na bulaklak sa bahay ng mga ito.

"Sus! Nagtampururut naman ang 'bestfriend' ko! Wag ka nang mag selos! Ikaw pa din naman ang bestfriend ko at walang makakapalit sayo kahit anong mangyare." Sabi ng binata at saka inakbayan si Jessica. Hindi nakaligtas sa pandinig ni Jessica ang saliang 'bestfriend'. May naramdaman na naman siyang kirot sa puso niya.

'Hanggang bestfriend nalang ba talaga ako sayo?'

'Yon lang ba talaga ang tingin mo saken, Alex?'

Mga tanong na gustong isigaw ni Jessica sa harap ng binata habang nakatitig siya dito na puno ng emosyon ang mga mata. Gustong gusto na niyang ipagtapat dito ang nararamdaman at sabihin kung gaano niya ito kamahal pero pinangungunahan ng takot si Jessica. Alam niya kung gaano kailap si Alex sa mga babaeng nagkakagusto dito gayun din sa mga nagtapat ng pag ibig sa binata. At ayaw niyang maging ganoon din ang binata sa kanya.

Pinili nalang niyang manahimik at magyuko nalang. Pagkaraan ng ilang minuto ay humarap siyang muli sa binata. Nakatitig lang ito sa kanya at nag iintay ng sasabihin. Isang ngiti ang binigay niya sa binata. Ngiti na hindi umabot sa mga mata. Ngiti na nagpapakita ng pag suko at pagkatalo.

"I'm fine Lex. Really. Tama ka nga. Siguro ay nag tampo lang ako dahil for the first time hindi ako ang isinama mo sa pamimili ng mga bulaklak. But I should get used to it, right? I mean, hindi naman na din every other week kang bumibili ng flowers. And you'll be leaving again in just a few days."

"Jess..." Balak pa sanang makipag usap sa kanya ni Alex pero pinigilan na niya ito at ayaw na niyang makinig pa ng mga sasabihin nito.

"I'm okay, Lex. No need to worry 'bout me. Pasensya ka na kung napag alala pa kita. I'm just a little tired and I guess magiging okay din ako tomorrow. I just need to rest right now. Besides, it's so late na din naman. I think, you better leave." Iyon lang ang sinabi niya saka siya tumayo at dumiretso na sa banyo para makapag linis. Hindi na niya inintay pang makasagot ang binata at isinara na din ang pintuan ng banyo.

Maya maya pa ay narinig na niyang sumarado ang pintuan ng kwarto niya. Tanda iyon na nakaalis na ang binata. Pagkatapos niyang maglinis ay lumabas na din siya para makatulog na. Sana nga lang ay makagawa siya ng maayos na tulog ngayon.

Paglabas niya ay napanganga nalang siya sa nakita. Ang akala niya ay umalis na si Alex dahil narinig nga niyang sumarado na ang pinto ng kwarto niya. Pero heto ang binata, nakahiga sa kama niya at naka boxer shorts nalang.

Napasinghap si Jessica sa nakikita niya. Sa loob ng dalawang taon nito sa America, at sa kabila ng busy nitong schedule, hindi pa din napabayaan ni Alex ang katawan niya. In fact, parang mas lalong gumanda ang bulto nito. Hindi ito maskulado na kagaya ng mga body builder at hindi din ito patpatin. Meron itong pack abs at muscles sa braso.

Saktong sakto lang ang built ng katawan. Parang ang sarap sarap humilig sa mga dibdib nito at amuy amuyin ang katawan nito. Napakaflawless nito sa paningin niya. 'His body was built into perfection', Sa isip ng dalaga. 

"How do I rate?" Tanong ng binata sa kanya habang nakangisi.

Napabalik sa reyalidad si Jessica sa tanong na iyon ng dalaga.

"Wag mo kong ngisihan, Alexander Romano! Bakit nakaganyan ka at hindi pa umuuwi? Diba sinabi ko na sayong gusto kong magpahinga at matulog na!" Bahagyang pag hihisterya niya sa binata. Hindi niya alam kung anong meron pero meron siyang kakaibang nararamdaman sa sikmura niya. Parang may paru-paro sa loob nito at walang tigil na paikot ikot doon.

"I heard you. Don't worry. Kaya nga nagpalit na ko oh. Para makatulog na tayo. I missed you, Jess." Sagot ni Alex sa kanya sa kalmadong paraan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status