Share

Chapter 9 We meet again

Jessica's POV

Mabilis na lumipas ang dalawang taon.

Kasalukuyang nagtetake ng Master's Degree si Jessica. Isang taon nalang ay matatapos na niya ito at hindi na siya makapag intay na magsimula sa Doctoral's Degree niya. Pagkatapos nun ay magpapakadalubhasa naman siya sa pangarap na maging surgeon.

Masaya si Jessica sa tinatakbo ng buhay niya. Nakikita na niya ang pag abot sa pangarap kahit maraming taon pa ang kailangan niyang gugulin para dito. Bukod doon ay constant ang communication nila ni Alexander kahit nasa ibang bansa ito.

Tumatawag ang binata once a week sa pamilya nito at ganun din sa kanya. Simpleng kamustahan at biruan na hindi din nagtatagal dahil pagod din sila sa kanya kanya nilang araw. Pag tumawag ito sa gabi ay naghahanda na si Jessica na matulog habang ito naman ay naghahanda palang sa pag sisimula ng busy na araw nito.

Sumunod na din dito ang kapatid na si Aaron pagkalipas lang ng isang taon na magpunta ito sa America, kaya hindi nagagawang magpabaya ni Alexander. Kailangan nitong mag focus maigi para hindi mapag iwanan ng kapatid.

Isang gabi ng tumawag si Alexander sa kanya. "Malapit na ang graduation ni Althea, Jess. Nagbook na kami ni Aaron ng flight pauwi diyan." sabi ni Alexander na lihim na napalundag sa tuwa kay Jessica pero pinigilan ang sarili na mapatili. "Talaga?! Kelan ba ang uwi mo? Baka kasi meron akong pasok nun pag biglaan mong pinaalam, sabihin mo na para maiset ko na ang schedule ko." Sabi niya na tinatago ang excitement sa boses.

"We'll be there in two weeks time, saka summer ngayon, bakit may klase ka?" Tanong ni Alexander sa kanya.

"Well, simula ng umalis ka, nag take na ko ng summer classes. Since wala na din naman akong gagawin buong summer, might as well itutok ko nalang sa pag aaral ko para mapabilis din ang pag dodoktor ko, diba?". Sagot naman niya. Actually, totoo din naman na isa yon sa dahilan niya kung bakit, pero hindi na niya sinabi na kaya din niya ginawa yon para hindi masiraan ng ulo sa sobrang pagkamiss sa binata.

Pag wala siyang pasok ay bumibisita pa din siya sa bahay ng mga ito. Winewelcome naman siya ng maayos ng pamilya nito kaya natutuwa siya sa pag bisita. Madalas siyang tumambay sa kwarto nito para kahit papaano ay parang kasama pa din niya ang binata.

"Wow, baka naman tuluyan ka ng maging nerd niyan kakaaral mo ha?" Biro naman ng binata sa kabilang linya. "Hindi no! Hindi ko naman pinababayaan sarili ko eh. Gusto ko lang maenjoy ng matagal ang pagiging doktor ko kaya gusto kong maagang makatapos." Sagot ni Jessica.

At hindi ko din naman hahayaang pumangit ako sa paningin mo. Baka lalo ng mawala ang pag asa ko. Hi hi hi. Sa isip nalang naidugtong ni Jessica ang mga salitang iyon dahil hindi niya pa kayang umamin ng saloobin kay Alexander.

"Oh sya. Mag aasikaso na ko Jess. Kailangan kong mag pasa ng reports ngayon kaya kailangang maaga ako. Ingat kayo dyan. I'll see you soon." Sabi ni Alex na hindi na din naman kinontra ng dalaga kaya nag paalam na din siya at nag handa ng matulog.

2 weeks pa, pero ngayon palang ay sobrang excited na niya sa pag balik ni Alexander. Alam niyang hindi mag tatagal ang binata, pero natutuwa pa din siyang muling makita ito makalipas ang dalawang taon. Pinuyat ng husto si Jessica ng isipin niya na iyon. Magdamag biling-baligtad si Jessica sa higaan at hindi na namalayan kung anong oras na din siya nakatulog.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status