Share

Chapter 7 Hard to say Goodbye

Sabay sabay na napatingin ang mag anak na Romano sa ginawang pag tawag ni Jessica sa pangalan ni Alex.

Lihim namang napangiti si Althea dahil alam niyang kanina pa ito iniintay ng kuya na at muntik ng mawalan ng pag asa na hindi ito dadating.

"Oh siya, doon lang muna kami ng makapag usap kayong dalawa" Sabi ng Papa ni Alex. "Yung oras Alexander ha? Baka hindi mo mapansin, maiwan ka pa ng eroplano." Dugtong pa nito at pagpapaalala sa anak.

"Opo Pa. Salamat". Magalang na sagot naman ni Alex sa ama.

Lumapit si Jessica kay Alexander. Matagal silang nakatitig lang sa isa't isa at walang salitang lumalabas sa bibig nilang pareho. Wari'y nagtatantiyahan sila ng nararamdaman ng bawat isa at mukang parehong naubusan ng mga sasabihin. Maari rin naman na sa dami ng gusto nilang sabihin, hindi nila alam kung saan at paano sisimulan.

Tinampal ni Jessica ang noo ni Alex at saka sinabing, "Ano? Magtititigan nalang ba tayo dito? Wala ka bang gustong sabihin saken?" basag ni Jessica sa katahimikan.

"I'm sorry Jess." Sagot naman ni Alex, kitang kita sa mga mata nito ang sinseridad ng sinabi sa dalaga. "Naging masyado akong emosyonal at hindi ko na naisip ang mararamdaman mo. Nawala na din sa loob kong sabihin sayo ang naging desisyon ko pag lipas ng mga araw, pero maniwala ka, wala akong balak ilihim sayo ang pag alis ko." Dugtong pa ng binata.

"Malamang! For sure naman, malalaman at malalaman kong aalis ka!" Sabi ni Jessica sa mataray pero malungkot din na boses. "Pero hindi ko matatanggap yang sorry mo na yan." Sabi pa ng dalaga.

Namilog ang mga mata ni Alex sa narinig na sinabi ni Jessica. "Bakit naman? Nagsosorry na nga yung tao. Pababaunan mo pa ba ako ng mabigat na loob ngayon?"

"Alam mo Lex, napag isip ko lang, sa loob ng 15 years naten na mag kaibigan, lahat ng kilos ko nakadepende sayo. That's why it's hard for me to say Goodbye. Pero mas masakit yung sa iba ko pa nalaman ang pag alis mo." Paliwanag ni Jessica. "Pero kelan ko ba natiis ang ungas na tulad mo? Alam mong hindi ko kayang magalit ng matagal sayo. Pero nagtatampo padin ako. Kaya kahit nasa America ka na, you have to make things up for me." Sa wakas ay ngumiti nang sabi ni Jessica sa binata. May pait ang mga ngiting iyon, pero kahit papano, bakas ang pagpapatawad at pagmamahal niya sa binata.

Napangiti ng maluwag c Alexander at hindi na napigilan ang sarili na yumakap sa kaibigan."Of course I will. I won't forget you, kahit nasaan pa kong lugar. I promise, kahit nasa America na ko, we'll keep in touch. Kahit gaano kabusy ang sched, I will find some time para makapag kwentuhan padin tayo. And for sure, pag uwi ko dito. Babawi ako sayo, big time!" Mga pangakong binitawan ni Alexander kay Jessica.

Kumalas sa pagkakayakap si Jessica."Wag kang mangako, promises are made to be broken. Gawin mo nalang pag nandun ka na at pag balik mo. Ayaw mong tinatawag kitang Xandie dahil sabi mo ang lakas makabeki diba? Pwes, prove to me that you're a man of your word." Sagot ni Jessica kay Alexander sa mababang boses.

Napangiti naman si Alexander sa sinabi ni Jessica."Opo na nga diba? I'll see you soon Jess. I will surely miss you. Pero we'll keep in touch. Wait for me, okay?" Bilin ni Alexander bago siya hawakan sa ulo at sabay na ginulo ang buhok niya.

Yun lang at tumalikod na ito. Naglakad na palayo kay Jessica.

Nanlabo na ang paningin niya dahil natakpan na ng mga luha na nag uunahan tumulo sa mga mata niya. Hindi na lumingon si Alexander. Bagay na alam niyang ayaw nitong makita siyang umiiyak dahil hindi din nito matitiis ang ganong tagpo.

Naramdaman nalang ni Jessica na may humawak sa kamay niya. Si Althea. Napatingin siya dito at doon napansin niya na nasa likuran lang pala nila ang buong pamilya ni Alexander. Napayakap nalang siya kay Althea at tuluyan ng bumuhos ang mga luha niya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status