Share

Chapter 6 My confidante

Jessica's POV

Masamang masama ang loob ni Jessica kay Alexander.

15 years of friendship, but still, sa iba pa niya unang nalaman ang pag alis nito. And the worse part is, nalaman niya ito a day before his departure. Ang buong akala pa naman niya ay makakasama niya ito at magiging inspirasyon hanggang sa makamit niya ang pangarap na maging Doctor balang araw.

Parang nagunaw ang mundo niya ng malaman ang plani nito na pag punta sa America. Nawala lahat ng excitement niya ng araw mismo ng graduation nila. Nawalan na din siya ng gana na tapusin ang seremonya kaya pinili na din niyang umalis nalang. Kinausap din niya ang kapatid na wag na wag sasagutin ang tawag ni Alex kung sakaling tumawag ito. Naguguluhan man pero sumang ayon nalang ang kapatid niyang si Jerry.

Buong araw pinatay ni Jessica ang telepono niya. Hindi siya agad umuwi ng bahay sa takot na baka sundan siya ni Alex sa bahay nila at hindi niya alam kung paano haharapin ito, kaya nag ikot muna siya gamit ang sasakyan. Kung saan saan siya nakarating. Huminto siya sa isang lugar na naikutan niya. Palayan ito. Doon lang napansin ni Jessica na malayo layo na din pala ang narating niya na hindi napupuna dahil sa dami ng tumatakbo sa isipan niya. Pinarada niya ang sasakyan sa gilid saka bumaba. Napaka presko ng hangin. Hindi tulad sa Maynila na puro polusyon na dahil sa dami ng sasakyan. Huminga ng malalim si Jessica at saka pumikit.

Marami siyang naisip ng mag isa lamang siya. Naalala niya ang mga araw na magkasama sila ni Alex at sigurado siyang mamimiss niya ito pag nakalipad na ito papuntang America. Sa loob ng 15 years, naging takbuhan niya ito pag may problema siya, tagapag tanggol at taga pag pasaya sa twing malungkot siya. Paano na ngayong malalayo na sa kanya ang binata? Paano siya magsisimula nang mag isa?

Hindi niya namalayan na pumapatak na ng walang tigil ang luha niya habang ninanamnam ang nakaraan nila ni Alex. Kahit alam niyang wala itong pag tingin sa kanya kundi isang matalik na kaibigan, ramdam niya na mahal siya ng totoo ni Alex. Concern ito sa kanya at kahit minsan ay hindi siya nito binalewala. Bagay na lalong nagpalalim ng lihim na pagmamahal niya sa binata. Hindi niya kayang magalit dito ng matagal na panahon, ni hindi din niya kayang magtanim ng sama ng loob dito dahil alam niya kung gaano kabuting tao ni Alex.

Pagkaraan mag puyat kakaisip ng mga nangyare sa buhay niya at kakaiyak, nakapag desisyon na siyang tanggapin nalang ang pag alis ni Alex. Mas mahihirapan siya kung aalis ito na hindi sila nagkikita at baka hindi pa niya ito magawang macontact pag nakaalis ito na hindi sila nagkausap ng matino.

Binuksan ni Jessica ang phone niya at nagulat pa siya ng makitang napakadaming missed calls galing kay Alex. May mga iniwan din itong voice mail, puro paliwanag at pag sosorry ang mga iyon. Meron din siyang natanggap na text kay Alex na sinasabi sa kanya ang oras ng flight nito. Nagulat pa siya dahil ilang oras nalang pala ay aalis na talaga ito, kaya bigla ang balikwas niya sa higaan at tumakbo na sa banyo para makaligo at mahabol pa si Alex bago ito makaalis ng tuluyan.

Wala ng panahon para makapag ayos si Jessica, kaya kung ano nalang ang nadampot niya sa drawer ang siyang sinuot. Hindi na din siya manlang nakapag patuyo ng buhok at dali daling pinaandar ang sasakyan papuntang airport.

Mabuti nalang at walang traffic. Mabilis na narating ni Jessica ang airport at hinanap agad si Alex. Napaka daming tao sa airport nang araw na iyon at nahihirapan na siyang hanapin ang kaibigan.

Malapit na sana siyang sumuko, nang may isang pamilyar na pigura siyang natanawan sa malayo.

Kilalang kilala niya ang buong pagkatao ni Alex, kahit bumbunan lang nito ang makita niya o kahit ihalo pa ito sa milyung milyong taong nandoon, siguradong makikilala niya ang binata. Hindi naman siya nagkamali ng makita itong humarap at yumakap sa mga magulang at kapatid para magpaalam.

Dali dali na siyang tumakbo at tinawag ito.

"ALEXANDER ROMANO!"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status