Share

Chapter 1: Unexpected Kiss

"MOMMY!!"

Agad na napabangon si Lily sa kaniyang kama dahil sa kaniyang napanaginipan. Masamang bangungot ng nakaraan ay kailan ma'y hindi mawawala. Hindi na naalis sa isip at buhay niya ang masamang pangyayaring iyon.

Agad na napaluha si Lily sa kaniyang napanaginipan na paulit-ulit lang bumabalik kahit sa kaniyang pagtulog. "Nak, anong nangyari?" Nag-aalalang tanong ng kaniyang nanay Binang.

Tumingin si Binang sa kaniya at nalaman nitong galing siya sa pagkakatulog kaya't nalaman agad nito ang nangyari. Paanong hindi nito malalaman? Eh paulit-ulit nang nangyayari ang ganitong sitwasyon kay Lily. Sa loob ng mahabang panahon ay naging tunay na anak na ang turing nito kay Lily at kilalang kilala na nito ang dalaga dahil magkasama ang dalawa sa loob ng 13 years.

Umupo ito sa kaniyang tabi sa kama. "Napanaginipan mo na naman ang nangyari 13 years ago?" Tanong sa kaniya ni Binang. "Opo, nay. Hindi ko pa rin malilimutan ang araw na 'yun." Nalungkot naman si Binang sa sinabi ni Lily.

Kung may nagawa lang siya ay hindi na sana napahamak si Lorna, ang ina ni Lily. Ang trahedyang iyon ang nagpahiwalay sa pamilya ni Lily kaya't lubos siyang nalulungkot para sa kaniyang alaga.

Napalingon si Lily sa paligid ng kanilang mumunting pinagtataguan at napahinga ng malalim. Hanggang kailan sila magtatago sa lugar na 'to? Kahapon ay inataki sila ng mga goons sa kanilang mansyon. Maganda sana ang tinitirhan na sana nila ngayon kung hindi lamang sila nagtatago mula sa kadiliman.

Nagulat sila Lily nang marinig nila ang sapilitang pagbukas ng kanilang pinagtataguang bahay sa may sala. Agad namang nakaramdam ng kaba at takot si Binang para sa kaligtasan ng kaniyang alaga.

"Nay, nasundan nila tayo dito." Sabi ni Lily. "Ang dali naman nila tayo natunton." Sabi pa ni Binang. Sumikat si Lily sa buong mundo dahil sa kaniyang sipag at talino kaya't nagkaroon siya ng sariling kompanya sa Pilipinas na kilala na sa buong mundo. Ito ang ang dahilan kung bakit madali siyang natunton ng mga kalaban.

Buti na lang talaga ay hindi niya naexpose ang kaniyang mukha sa media. Iilan lang ang nagkakakilala sa kaniya at nakita siya sa personal. Ito ay ang kaniyang assistant, secretary, at ang iilang empleyado niya. Sigurado siya na may espiya sa kompanya niya. Kung sino man siya ay mananagot siya kay Lily.

Agad namang nakaisip ng ideya si Binang para ligtas na makakatas si Lily. Kahit ang buhay niya ng kapalit ay gagawin niya para lamang mailigtas ang nag-iisang tinuturing niyang anak. Humarap siya kay Lily at sinabing "Kukunin ko ang atensyon nila para makalabas ka at makatakas." Sabi niya sa kaniyang alaga.

Agad namang nabigla si Lily sa sinabi ng kaniyang nanay. "Pero paano po kayo nay?" Nag-aalalang tanong niya kay Binang. "Don't worry, nak. Yakang-yaka ni napinayagan.

Nakangiting sabi ng kaniyang nanay Binang.

Kung tutuusin ay si Lily ang kayang patumbahin ang mga iyon pero dahil sa nangako si Binang kay Lorna na aalagaan at iingatan niya si Lily ay hindi niya ito pinayagan na makipaglaban at siya pa rin ang masusunod. Wala namang nagawa si Lily kung hindi ang pumayag.

Ginawa nga nila ang plano. Lumabas si Binang para kuhain ang atensyon ng mga goons at nang mailayo ang mga ito ay agad namang lumabas si Lily para tumakas. Ngunit namali ang plano dahil nakita nila si Lily na papatakas kaya babarilin na sana nila ito ngunit agad na humarang si Binang at sinalo ang bala bago pa nila maiputok ang baril.

Agad na napahinto si Lily sa pagtakbo nang marinig niya ang putok ng baril. Napalingon siya sa likod niya at nakita niya doon ang nanay Binang niyang duguan dahil sa sinalo nitong bala para sa kaniya. Parang slow motion ang pagbagsak ng katawan ng kaniyang nanay.

Natuliro si Lily sa nangyari. Ganitong-ganito ang pangyayari noon. Naulit na naman ang nangyari na wala man lang siyang nagawa para iligtas ang mga mahal niya sa buhay. May nadamay na naman nang dahil sa kaniya.

Nagsi-unahan ang kaniyang mga luha dahil sa nangyari. Nakita pa niyang ngumiti sa kaniya ang nanay Binang niya sa kaniya bago sabihin ang salitang "TAKBO!"

Agad siyang kumilos para tumakbo kahit na labag sa loob niya na iwan ang pinakamamahal niyang nanay. Isang ina na nagpalaki sa kaniya sa loob ng labing tatlong taon.

"Follow her!" Narinig pa niyang sigaw ng mga mukhang goons. Lahat sila ay nakakulay black ang suot.

'Bakit pa kasi nila ako hinahanap? Pinatay na nila ang pamilya ko at hindi ko man lang sila nakasama ng matagal na panahon. Why did they this? Lord, am I bad person? Bakit sakin mo 'to pinaparanas?' Sabi niya sa kaniyang sarili.

Sa pagtakbo ni Lily ay narating niya ang isang mall. Agad siyang pumasok at bumili ng mga kakailanganin niya para makatakas. Nang mabili lahat ay agad siyang pumunta sa banyo at nagbihis. Mula sa magagara niyang damit kanina na suot-suot niya ay pinalitan niya ito ng normal na damit at ang kaniyang mala-asul na mga mata ay tinakpan niya ito ng contact lense para hindi siya makilala. Ginupitan na rin niya ang kaniyang mahabang buhok na noon ay hanggang beywang, ngayon ay hanggang balikat na lang.

Tinanggal niya rin ang kaniyang make up kaya nakita ang natural niyang kagandahan na tinatago.

Bago siya lumabas ay tumawag siya sa kaniyang assistant na si Sassy sa kaniyang kompanya. "Ikaw na ang bahala sa kompanya. You're the only one I trust to take care of my company."

["Yes, ma'am"]

Agad niyang pinutol ang call. Bago pa may dumating na ibang babae sa banyo. Huminga siya ng malalim bago isuot ang cap at magpasiyang lumabas na sa banyo.

Palihim siyang tumingin sa paligid at nakita niya ang mga ito na nagkakaundagaga sa paghahanap sa kaniya. Agad siyang napahinto nang huminto sa harap niya ang isa sa mga humahabol sa kaniya.

"Miss, can I ask? Did you see the girl with a blue dress, her eyes are shade of blue and her hair are long reaching her waist?" Tanong sa kaniya nito. Tumango siya kunwari at tinuro ang ibang direksyon na kaniyang pupuntahan. "There she go." Sabi niya. Agad namang tumakbo ang goon na 'yun kaya't nakahinga ng maluwag si Lily.

Agad niyang binaba ang kaniyang sumbrero para naitago niya ang kaniyang mukha. Normal siyang naglakad papalabas at patingin-tingin sa kaniyang paligid baka may makakita o makakilala sa kaniya.

Maraming tao sa mall kaya't hindi siya madaling mahahanap ng mga taong gustong pumatay sa kaniya. Kung tutuusin ay gusto na niyang patumbahin ang mga ito. Wala lang siyang weapon na magamit at hindi pa ito ang panahon para ubusin sila. Kailangan pa niyang magsanay dahil matagal na panahon siyang hindi nagsanay. Baka kinalawang na ang kaniyang husay sa pakikipaglaban.

Sa tamang panahon, paghahandaan niya ang araw na iyon na makabalik siya sa kaniyang bansa at paniningil sa utang ng kaniyang tiyuhin.

Dahil sa abala siya sa pagtingin-tingin sa likod niya ay hindi niya alam na may papasok na isang lalaki kasama ang kanang kamay nito na papasok ng mall. Samantalang ang lalaki na kilala sa pangalang Tyler Ferrero ay abala rin sa pagkausap ng kaniyang kasama na si Brain, ang kaniyang kanang kamay.

Nagkabanggaan sila at dahil sa lakas ng impact nito ay natanggal ang cap na nakasuot kay Lily at na-out balance pa siya kaya't dali-dali naman siyang sinalo ni Tyler at sa hindi sinasadyang pangyayari ay nagkaabutan ang kanilang mga labi.

Gulat ang namutawi sa mukha ng dalawa dahil sa bilis ng pangyayari. Para itong slow motion sa paligid ng dalawa.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status