Share

Chapter 2: The punishment

AGAD na humiwalay si Lily kay Tyler. Feeling niya ay umakyat ang lahat ng dugo niya sa kaniyang mukha dahil sa hiya. Namumula na siya dahil sa nangyari. Ito ang first kiss niya.

Samantalang si Tyler ay walang emosyong tinignan si Lily. Nawala na ang pagkagulat sa kaniya pero nakakatulala ang kagandahan ng babaeng nasa harap niya. Simple lang ang pananamit nito at halata na hindi ito galing sa mayamang pamilya pero iba ang sinasabi ng kutis nitong malaporselana at ang kakaibang kagandahan nitong natural lang at walang halong make up.

Ang mga mata nitong brownish at inosente. Sa physical na anyo nito ay mayaman ito pero sa pananamit at klase ng isinuot ng babae ay sinasabing mahirap lang ang babae. Inalis niya agad ang nasa isip niyang iyon at hinarap ang babae dahil sa ninakaw nito ang unang halik sa kaniya. Wala pang nakakahalik sa isang Tyler Ferrero.

"Sorry." Paghingi ng tawad ni Lily sa kaniya. Pero kilala si Tyler na hindi tumatanggap ng sorry kaya ikaw ay may kasalanan sa kaniya. Mas gusto niyang bigyan ng kaparusahan ang sino mang taong nagkasala sa kaniya.

Aalis na sana si Lily dahil ito'y nagmamadali dahil may humahabol dito. Ngunit agad niyang pinigilan ito sa pag-aalis. Hinuli niya ang kamay ng dalaga. "Wait." Cold niyang sabi saka humarap si Lily sa kaniya na nagtataka at may halong hiya.

"Ahm, kuya can I go now? I really need to go, nagmamadali kasi ako." Pagpapaalam ni Lily sa kaniya. Nagtaka siya dito. Nakakapagsalita ng english ang mahirap na babaeng 'to? Maganda pa ang pagkakabigkas ng bawat salita ng kaniyang english. Mayaman ba talaga ito? Baka nakapag-aral ng english kaya nakakapagsalita ito ng english.

Aalis na sana ito ulit ngunit agad niyang hinarangan ang dadaanan nito palabas. "You are not allow to go without my permission." Authoritative na sabi niya sa babae. Napakunot ang noo ni Lily sa sinabi niya. "And why? Hindi naman kita kaano-ano para lang hingin ko ang permiso mo." Nagagalit na sabi ni Lily sa kaniya dahil nakakaabala na siya sa babae sa pagtakas nito.

"Bakit ka ba nagmamadali? May tinataguan ka ba?" Nagtatakang tanong niya sa babae dahil napaghahalataan na niya na kanina pa ito nagmamadaling umalis. "It's none of your business." Masungit na sabi ni Lily sa kaniya na nakapagpagalit sa kaniya. How dare to say that to him? Hindi ata kilala ang binabangga nito. Siya lang naman si Tyler Ferrero, ang CEO ng Ferrero Group Company. Ang isa sa mga top company in the Philippines.

"I won't let you go, I will give you a punishment for stealing my first kiss." Deretsong saad na sabi niya kay Lily. Napatulala pa si Lily ng ilang segundo at agad ring natawa. "You are funny, that is your first kiss. Never been kiss, never been touched? HAHAHAHA!" Natatawang sabi nito at biglang nagseryoso ang mukha nito ng isang segundo lang "We are the same. First kiss ko din ang kinuha mo. So, we are quit." Seryosong sabi ni Lily.

Nandilim naman ang paningin niya sa sinabi ng babae. "We are not the same, my lips are so precious, I will just give it to my future wife." Sabi niya at agad ding napahinto dahil sa sinabi niya. Naalala niya ang nangyari kanina lang.

**FLASHBACK**

Kakauwi niya lang galing sa trabaho nang madatnan niya sa mansyon ang buong pamilya niya na may kausap. Ang mga ito ay ang pamilyang Bueno. Alam na naman niya ang dahilan kung bakit andito sila. Ang ipakasal ang anak nila sa kaniya na si Janice Bueno, ang nag-iisang babaeng anak ng kaibigan ng kaniyang lolo Fernand Ferrero.

Kabusiness partner ng kaniyang lolo sa negosyo ang mga Bueno kaya't madali sa kanilang magkipagdeal sa arrange marriage. Minamadali na kasing ipakasal siya dahil gusto ng kaniyang lolo at ng buong pamilya na siya ang magmamana except sa kaniyang tiyuhin na gusto lamang ay makuha ang lahat ng negosyo ng kaniyang lolo dahil ito ang anak.

Lumapit ang isang kasambahay kay Fernand. "Señor, si sir Tyler andito na po." Sabi ng mayor doma. Nagsilingon sila sa kaniya na papasok ng bahay. Aakyat na sana siya sa hagdan para pumunta sa kwarto niya nang biglang tawagin siya ng kaniyang lolo.

"Tyler, come here first." Utos ng matandang Ferrero. Wala siyang nagawa kaya walang emosyon siyang naglakad papuntang dining area.

Nakahanda na sa lamesa ang mga masasarap ng pagkain ng mga mayayaman. Maraming putahe ang naroon na para bang may selebrasyon ang pamilya Ferrero. Eh pamamanhikan lang naman iyon.

"Katrina, William, and Janice. This is my only grandson, Tyler." Pakilala sa kaniya ng lolo niya sa pamilyang Bueno. "Tyler, apo. Ito ang Bueno Family. This is Katrina and William and their only beautiful daughter, Janice. Your fiance." Hindi na siya nagulat sa sinabi ng kaniyang lolo na si Janice ang kaniyang fiance, ang soon-to-be niyang asawa.

Bago pa kasi maipakilala si Janice sa kaniya ay pinag-uusapan na nila ang magpapakasal niya para maipamana na ang business ng kaniyang lolo sa kaniya.

He needs it also para makuha na niya ang Ferrero Group Company na pinatayo ng kaniyang lolo. Ayaw niyang masayang ang kaniyang pinaghirapan dito ng ilang taon para lang lumago at makilala sa buong Pilipinas lalo.

Sayang ang efforts, dugo at pawis na pinuhunan niya rito kung hindi niya ito makukuha. Kaya't gagawin niya ang lahat upang hindi ito mawala sa kaniya. Kung magpapakasal lang ang kailangan ay hindi siya tatanggi. Ang gusto lang naman ng Ferrero Family ay magkaanak siya ng lalaki at maipapamana din ang Company. Kaya't atat silang ipakasal siya, gusto ng kaniyang lolo na bago ito mawala ay may susunod nang magmamana kay Tyler.

----

Lumipas ang ilang minuto ng hapunan ay nagpasyang umuwi na ang Bueno family. Sa hindi inaasahan, ilang oras lang ang lumipas bago umalis ang Bueno family nang mapanood nila ang nasa balita. Isang car accident ang nangyari.

Kitang kita nila ang pamilyar na kotseng iyon. "Hindi ba sasakyan 'yan nila Katrina at William?" Nagulat na tinuro ni Marina (ang mommy ni Tyler) nasa flat screen tv. Sinabi din sa balita na dead on arrival na daw ang tatlo sa ospital.

"Mukhang minamalas kayo na ipakasal si Tyler kay Janice." Nakangising sinabi ni Danny (tiyuhin ni Tyler). Halata sa mukha nito na nasisiyahan ito dahil gusto nitong makuha ang kompanya mula sa kaniya.

"Why did you still happy? Masaya kang may namatay? They will be our family members yet they are so early to die." Sabi ng kaniyang lolo Fernand. "Kung sa'kin niyo na lang ipamana yan papa, eh edi sana wala ka ng problema ngayon." Pagpaparinig nito kaya't sumagot si Marina dito.

Ayaw ni Marina na mapunta kay Danny ito dahil baka hindi nito maalagaan at mapalago ng maayos ang business nila lalo na ang Company. Lalo na't wala itong kahit isang katiting na ambag sa company.

"Sakim ka lang kamo." Sabi ni Marina dito. Agad namang umusok ang ilong ni Danny sa kaniyang narinig mula kay Marina. "Hindi ka dugong Ferrero kaya wag ka umastang kadugo ka namin.!" Sigaw nito kay Marina. Nagiging mainit na ang laban sa pagitan nina Marina at Danny kaya agad na nagsalita na si Fernand.

"Tama na! You don't need to fight infront of me. You should help each other para umangat pa tayo. Please, you're not a child anymore, be matured enough!" Pangaral ng matanda sa dalawa kaya napatahimik silang dalawa.

***END OF FLASHBACK***

Kaya simula kahapon ay problema na nila ang kasal na magaganap next week. Namatay kasi ang magiging bride niya. Lalo na ang bride na iyon na si Janice ay makakatulong sa pagpapalago ng kanilang business dahil maaaring mapag-isa ang Ferrero Group Company at ang Bueno Group Company.

Lalo na ngayon, natatalo na sila ng ibang company. Hindi pa naman sila bumabagsak pero ayaw nilang mangyari iyon na malagpasan na sila ng ibang Company. Gusto nila na maging top 1 sa Pilipinas ang Ferrero Group Company.

"What now? Kuya o sir o sino ka man, nagmamadali ho ako kung pwedi kung may sasabihin ka man, sabihin mo na." Napabalik sa wisyo si Tyler nang magsalita si Lily. Habang ito'y naiinip na sa tagal niyang magsalita.

"Marry me." Deretsang sabi niya kay Lily. Ang maliit na mga mata ni Lily ay biglang lumaki sa gulat nang marinig nito ang sinabi niya. Wala na siyang choice, kaya aalukin na niya si Lily na pakasalan siya. Alam na rin kasi ng karamihan na ikakasal na siya kaya ayaw niyang mapahiya ang pamilya niya sa bagay na iyon at para sa kaniya makuha ang Company na pinagpaguran niya ng oras bilang CEO dito.

"Are you out of your mind? Nakuha ko lang ang first kiss mo and yet nakuha mo din sakin but I don't even know you, so bakit kita pakakasalan?" Sabi ni Lily.

"No, I have no choice. This is your punishment of stealing my first kiss na para lang sana sa magiging asawa ko. Kaya kailangan mong panindigan ang pagkuha sa first kiss ko." Seryoso niyang sabi.

Samantalang si Lily ay iniisip kung nababaliw na ba ang lalaking na nasa harap niya. Agad namang narinig ni Lily ang mga goons na nasa malapit lang sa kanila na hinahanap siya.

"Search everywhere, we need to find her as soon as possible." Rinig niya sa mga ito. She have no choice but to accept the offer. Labag sa loob niya ang gagawin dahil sa totoo lang kahit gwapo ang kaharap niya ay hindi niya pa rin ito kilala.

Huminga siya ng malalim at pikit matang nagsalita. "Okay, I accept, kailangan ko lang ay matutuluyan." Napangisi si Tyler sa sinabi niya.

"No problem."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status