Share

Chapter 5: The Necklace Camera

HAPON na ng dumating ang mga kakailanganin nila sa kasal kaya hapon na rin naisukat niya ang wedding gown. Ito ay sukat sa katawan ni Janice. Buti na lang at magkaparehas lang sila ng pangangatawan at tangkad. Mas sexy at may hugis nga lang si Lily compared kay Janice kaya medyo maluwang ang bandang tiyan ng wedding gown.

Ginawan niya ito ng paraan, tinahi niya ang bandang at sinikipan para humugis sa katawan niya. Tutal magaling naman siyang magtahi dahil hilig niya ito.

Nang sinukat niya muli ay sumakto at mas lalong gumanda ang gown na gagamitin niya. Wala namang masama sa ginawa niya dahil hindi rent ang gown na iyon. Binili na iyon ng mga Ferrero, saka ang gown na suot niya ay mismong siya ang gumawa. Sa kaniya galing ang gown na isusuot niya mismo sa kasal.

"Oh dear, nagmukha kang tao." Sabi ni Melanie sa kaniya. Walang galang itong nagsalita na akala mo'y ito ang mas matanda sa kaniya. "But it doesn't deserve you. You don't deserve my brother." Dagdag pa nito sa kaniya pero hindi niya ito pinapakinggan. She don't want to waste her time just because of a bitch!

Naasar naman si Melanie sa kaniya kaya hindi siya nito tinigilan. "Saan ka ba napulot ni Kuya? Kahit anong isuot mo dukha at muchacha ka pa rin! You don't deserve this everything." Lumapit sa kaniya si Melanie at pinagpupunit ang gown niya gamit ang isang gunting.

Napairap na lang siya sa ire dahil sa immature na pag-uugali na mayron sa kapatid ni Tyler. "A bitch is always a bitch!" Bulong niya sa kaniyang sarili.

Nakangisi namang humarap sa kaniya si Melanie at tinignan niya ang gown. Punit-punit na ito na para bang gown ng isang pulubi. "Now, it is more suits you." Nakangising sabi sa kaniya nito. Walang ganang tinignan naman niya ang gown na gutay-gutay. Napabuntong hininga na lang siya sa kagagawan ng malditang kaharap niya.

'Binigyan niya pa ako ng trabaho to repair it.' Sabi niya sa kaniyang isip. "Immature." Bored na sabi niya kay Melanie. Napantig naman ang tenga nito sa sinabi niya. Halos magkadikit na ang dalawang kilay nito sa galit.

"What did you say?!" Galita na tanong sa kaniya ni Melanie. Napataas naman ang isang kilay niya. Deaf? "Bingi ka ba?" Nakangiti niyang sabi na nakapagpagalit lalo dito. "How dare you!" Galit na sigaw nito at akmang sasampalin na sana siya nito nang masalo niya ang palapulsuhan kaya hindi umabot sa mukha ni Lily ang kamay ni Melanie.

"Ikaw nauna." Asar na sabi niya kay Melanie at malakas na binitawan niya ang kamay nito. Dahil dito ay na-out of balance si Melanie kaya natumba. Agad namang nakita iyon nila Marina at sinigawan siya nito. "HOW DARE YOU TO TOUCH MY DAUGHTER!" Galit na sigaw nito kaya nagsipuntahan na ang ibang Ferrero sa eksena.

"Are you okay, baby?" Nag-aalalang tanong ni Marina sa anak. "No, mommy! She push me, it hurts!" Sumbong nito sa ina kaya galit na galit na tumingin si Marina kay Lily.

"Alam mo isa ka lang naman hampas-lupang dukha dito, ang lakas ng loob mong saktan ang anak ko!" Bored lang na nakikinig si Lily habang tinitignan niya ang kaniyang mga kuko.

Si Tyler naman ay nanonood sa kanila. Ayaw pa niyang umawat sa kanila dahil nag-eenganyo siya sa nakikita sa reaksyong pinapakita ni Lily sa mag-ina.

"What's happening here?" Nagtatakang tanong ng matanda sa kanilang tatlo. Agad namang tumayo si Melanie at lumapit sa lolo nito. "Grandpa, that bitch! She push me." Sumbong pa ni Melanie at itinuro pa si Lily gaya ng ginawa niya kaninang pagsusumbong sa ina nito.

Inosente namang tumingin si Lily sa matanda. "Are you sure na tinulak ka niya?" Tanong ng matanda sa apo nito. Tumango agad naman si Melanie na parang batang nagsusumbong.

"Is it true, Lily?" Agad namang nag-bow si Lily bilang paggalang bago magsalita. "Yes, tinulak ko siya pero dahil sa gusto niya akong sampalin."

"Liar! Bakit naman kita sasampalin? Ikaw ang sasampal sana sa'kin but I grab your wrist. Naasar ka kaya tinulak mo na lang ako." Pagsisinungaling ni Melanie sa kanila.

"Huwaw! Ang galing gumawa ng kwento." Bulong ni Lily sa kaniyang sarili. "Pinalaki ako na huwag magsinungaling kaya sa buong buhay ko never pa ako nagsinungaling. Sinabi ko 'yung totoo di ba? Tinulak kita, yes I did it. Ginawa ko 'yun kasi sasampalin mo sana ako. You also did this." Paliwanag ni Lily at itinuro ang wedding gown.

Agad namang napailing-iling si Melanie at naiiyak na. "Liar, you bitch! Ikaw mismo gumawa sa sarili mo nyan and then you accusing me on that?!" Pagdadrama nito sa harap nila.

Napairap na lang sa hangin si Lily dahil sa haba ng pagsisinungaling ng babaeng 'to. "Lily, you have a prove us na ginawa ni Melanie talaga 'yan?" Tanong naman ng matanda at tinuro ang gutay-gutay na gown.

"Yes." Maikling sagot niya dahil tinatamad na siyang magsalita pa. "How she prove it? Wala namang cctv dito dahil dressing room ito." Nakangising sabi naman ni Marina sa kaniya. Napataas naman ang kilay niya at napabuntong hininga. Walang gana niyang itinaas ang gown para kunin ang cellphone sa bulsa ng kaniyang pants.

Agad namang napatakip ang lahat pati na si Tyler. "Susmaryusep!" Nagulat na sabi ng matanda at pumikit ito.

"See? Papa! Isa na nga lang hampas-lupa, isa ring hubadera para lang takasan ang kasalanan niya!" Galit na sigaw ni Marina. "Tsk! Pwedi na kayong dumilat." Agad silang tumingin kay Lily na nakapants pala sa loob ng gown.

Hawak-hawak na nito ang cellphone niya at pinakita ang isang video kung ano ang nangyari. Nakita sa video si Melanie na kumuha ng gunting at pinaggugupit ang gown na nakasuot kay Lily. Pero walang ginawa si Lily para saktan si Melanie. Kita rin sa video kung paano nagalit ito at sasampalin sana siya at nakuha ang kamay nito saka pwersahang binitawan hanggang sa na-out of balance si Melanie. Doon natapos ang video na ipinakita ni Lily sa kanila.

Nagulat ang lahat lalong lalo na si Melanie sa nakitang video. Hindi nito inaasahang magkakaroon ng proweba si Lily. "H-How?" Gulat na tanong nito sa kaniya. Napangisi si Lily dahil sa reaksyon nilang lahat at sinabi na ang dahilan kung bakit nagkaroon siya ng video sa pangyayari. Eh nasa loob ng pants niya ang cellphone.

Itinuro ni Lily ang kwentas niyang nakasabit sa itaas ng salamin. Tinanggal niya ito kanina nang isukat niya ang gown. "I turn on the camera of my necklace to know if the gown perfectly fit for me. This camera is connected to my phone at kusa ring nagsasave ang video sa cellphone ko. Hindi ko naman alam na magagamit ko pala ito ngayon for evidence." Nakangiting sabi niya at kinuha ang kwentas niya saka ito sinuot.

Napagulantang ang lahat sa natuklasan sa ginawa ni Lily at lalo na may kagamitan siyang ganyan. Imposibleng magkaroon kasi ng gamit na hightect ang isang dukha at walang alam na mahirap na babaeng tulad niya. At ang gamit pa na ito ay ginagamit ng mga agent para magspy.

Kataka-taka. Lahat ng tao doon lalo na si Tyler ay nagtaka sa necklace na gamit ni Lily. Pero pinagsawalang bahala na lamang niya ito baka may nagbigay lang kay Lily ng isang mayaman kaya nagkaroon siya ng ganon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status