Share

Chapter 3: Meet Familia Ferrero (Part I)

SUMAMA na siya kay Tyler pauwi kahit na hindi pa niya ito nakikilala. Ni pangalan ay hindi niya alam

at sumama lang siya dito basta-basta.

"Ano ba ang nasa isip mo Lily at pumayag ka agad? Hayst! Kung hindi lang talaga ako hinahabol ng mga 'yun edi sana wala ako sa sitwasyong 'to." Sabi niya sa kaniyang sarili.

Dinala siya ni Tyler sa isang condominium nito. Halata sa lalaki na mayaman ito sa paraan ng kilos at ng klase ng condominium nito ay alam na agad niya na ang lalaki ay hindi lang ito basta mayaman kundi isang bilyonaryo.

Alam niyang kumilatis ng isang taong galing sa mayaman at mga bagay na alam niyang brand ng mga mayayaman dahil siya mismo ay galing dito.

"Dito ka muna pansamantala and by next week before our wedding ipapakilala kita sa buong pamilya ko." Litanya ni Tyler sa kaniya. Habang siya ay nililibot ang condo. "The things you need here is already completed. So, if you want to eat just cook it for yourself. The groceries, foods, and ingredients you need are all in the ref. Baka hindi ka pa marunong magluto? There's no here a maid so do it on yourself. If you have a need just call me at ang number ko nasa pinto ng ref nakadikit. One more thing, hindi ako uuwi dito. Susunduin na lang kita by next week." Mahabang paliwanag ni Tyler sa kaniya. Habang siya naman ay matamang nakikinig.

Habang nagsasalita ito ay napagmasdan niya ang mukha ng lalaking kaharap niya. Makakapal ang kilay at pilik mata. Magandang nakaayos ang buhok nito na para bang nilagyan ng gel. Ang matangos nitong ilong at nang mapadako ang tingin niya sa labi nito ay agad siyang nag-iwas ng tingin nang maalala ang nangyari kanina lamang.

"Are you listening?" Cold na tanong ni Tyler sa kaniya kaya napatango na lang siya habang namumula ang mukha. "So, that's thing you need. Oh by the way, I forgot to introduce myself to you. I am Tyler Ferrero and you are?" Pakilala ni Tyler sa kaniya. "Ms- Ah, Lilybeth Le- banon yeah Lilybeth Lebanon." Muntik pa na madulas siya sa pagsabi ng kaniyang surname. Baka makilala siya at may makahanap sa kaniya rito. Malay mo di ba baka isumbong siya ni Tyler sa mga humahabol sa kaniya. Mas mabuti na iyong wala na itong alam tungkol sa pagkatao niya.

"Okay, iwan na kita. I have many things to do in the office." Sabi nito at umalis na. Naiwan na siyang mag-isa sa condo. Umupo siya sa kama at naisip na naman ang nangyari kanina. Kung paano namatay ang nanay Binang niya. May sumalo na naman ng bala para sa kaniya. May namatay na naman na mahal niya sa buhay sa kaniyang harapan.

"Sana ako na lang ang namatay hindi sila." Umiiyak na sabi niya sa kaniyang sarili. Pero nangyari na ang nangyari, wala na siyang magawa. Pinunasan niya ang kaniyang mga luha.

May nakita siyang isang closet dito at binuksan iyon. Nagulat siya ng makita ang mga damit pambabae. Puno iyon ng mga kagamitan ng pambabae. Hindi niya iyon inaasahan na may damit si Tyler na mga pambabae sa condo nito.

"Siguro, nagdadala 'yun ng mga babae dito. Hindi na rin masama parang normal lang na mga damit." Bulong niya sa kaniyang sarili. Buti na lang at may mga damit dito dahil wala siyang nadala na kahit isang damit niya. Iisa lang din ang nabili niya at iyon ay ang suot niya ngayon.

Sinunod niyang buksan ay ang ref., nakita niya na puno ang laman nito. May prutas, gulay, itlog, isda, seafood, at karne. May gatas at tubig din dito. Naoatango naman siya nang matignan ang mga laman ng ref.

"Nyerfek, complete nga." Sabi nito sa kaniyang sarili. Pagkatapos niyang tignan ang nasa condo ay napagpasyahan niyang magpahinga at matulog.

----

Dumating ang araw ng pagpapakilala sa kaniya ni Tyler sa pamilya Ferrero at ito ang araw na iyon. Pero hindi niya ito alam dahil wala namang sinabi si Tyler kung anong araw iyon ang sinabi lang ay 'next week.'

Habang naglilinis siya sa condo ni Tyler ay napatingin siya sa kaniyang cp dahil tumunog ito. May nakita siyang isang text message galing sa unknown number.

'I'm going there. -Tyler'

'Ngayon ba niya ako dadalhin sa kanila?' Tanong niya sa kaniyang isip. Agad niyang tinapos ang kaniyang paglilinis at tamang tama ang dating ni Tyler sa condo nang matapos siya.

Bumukas ang pinto at iniluwa nito ang gwapo at walang emosyong si Tyler Ferrero. "Wear it." Tapon nito sa mukha niya ng isang plastic bag na dala nito. Sapol pa talaga sa pagmumukha niya.

"Ang bastos, hindi man lang maiabot ng tama." Bulong niya.

"May sinasabi ka?" Tanong ni Tyler sa kaniya. "Ahh, wala ang sabi ko magbibihis na ako." Sabi na lang niya at pumunta sa banyo. Napatingin siya sa dress na binigay ni Tyler sa kaniya. Kumikinang ito sa dyamante. Napangisi siya at sinabing "Good taste." Sabi niya at isinuot na ito.

Lumabas siyang taas-noo at kumilos ng naaayon sa dress nito sa kaniya. Napanganga si Tyler at nagtaka kung bakit parang walang makikitang palatandaan na mahirap at walang tirahan ang babae. Tila isa siyang prinsesa, bagay na bagay sa kaniya ang kaniyang dress.

Ayaw din kasi ni Tyler na magmukhang alalay nito ang babae kaya pinili niya ang dress. Pero hindi nito ineexpect na ganito ang mangyayari.

Nahimasmasan ito at nagseryoso din ang mukha. "Hindi na masama." Sabi nito kay Lily. Si Lily naman ay napairap na lang sa ire dahil dito.

Nang matapos si Lily mag-ayos ay agad na silang nagganyak para pumunta sa mansyon ng mga Ferrero.

"Are you nervous?" Tanong sa kaniya ni Tyler. Umiling lang si Lily dito. Totoo naman, hindi siya kinakabahan. Bakit siya kakabahan? Kung ayaw sa kaniya ng pamilya nito edi wag di ba? Kung gusto naman siya, edi go.

Pagkatapos naman ng problema about sa mga taong gusto siyang patayin at humahabol sa kaniya. Kapag naayos na niya ang problemang ito ay agad naman siyang magpapaannul dito.

"You're unbelievable." Nakangising napailing na lang si Tyler sa kaniya. Samantalang siya ay wala siyang pakialam kung ano man ang sabihin sa kaniya ni Tyler.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status