Share

Chapter 4: Meet Familia Ferrero (Part II)

PAGKALIPAS ng isang oras ay nakarating sila sa mansyon ng Ferrero Family.

Tumingin si Lily sa mansyon na nasa harap niya. Tinignan niya ito na para bang wala lang. Ang ineexpect niya ay mas malaki pa at elegante ang mansyon ng Ferrero ngunit nagkamali siya. Tinignan niya lamang ito na parang normal lang na bahay para sa kaniya.

Pero kung tutuusin, ang Ferrero Family ay top 5 na mayaman sa Pilipinas.

"What's with that look huh? You are not amaze of what you saw?" Cold na pagkakatanong ni Tyler sa kaniya. Nakikita kasi nito sa mukha niya na hindi siya interesado dito. Ni hindi man lang daw siya namangha sa mansyon ng mga Ferrero.

Sa totoo ay malawak at malaki ang mansyon ng Ferrero. Maganda, malinis at makikita ang karangyaan pero bakit hindi pa rin namangha ang isang dukha at walang tirahan na katulad niyang babae.

'She's a poor girl but it seems like she doesn't care about our wealth. She's have no reaction at all, she's so interesting.' Sabi ni Tyler sa isip nito.

Habang si Lily naman ay nililibot ng tingin niya sa labas ng mansyon na parang nabobored lang siyang tumitingin sa kung saan-saan.

"Let's go." Cold na pagkakasabi ni Tyler. Agad naman siyang nakasunod habang bored pa ring nakatingin sa kaniyang mga nakikita.

Maganda ang mansyon at masyadong makulay ang loob ng mansyon. Ayaw na ayaw pa naman ang matitingkad na kulay.

'Nice place, but the designs are not fit to my taste. Who the hell designs like this?' Sabi niya sa kaniyang isip habang patuloy siyang nakasunod kay Tyler. Sa bawat nadadaanan nila ay yumuyuko at bumabati kay Tyler na mga kasambahay.

Sa pagtingin-tingin niya ay may nakita siyang painting na sobrang familiar sa kaniya. Ito ang painting ng isang babaeng nakatalikod na may signature pa sa kanang ibabang bahagi nito.

"This painting--" Naputol na sabi niya nang mabunggo niya ang likod ni Tyler. Hindi niya pala alam na huminto ito.

Napahinto pala ito dahil may isang kasambahay na humarang sa kanila pero iba ang uniform nito compared sa mga kasama nito. Sa tingin agad niya dito ay isa itong mayor doma ng Ferrero. Yumuko ito at bumati. "Maligayang pagbabalik po sir Tyler, kanina pa po kayo hinahanap ni señor. Kayo na lang daw po ang kulang sa meeting ng pamilya niyo." Magalang na sabi nito sa harap nila. Saka ito tumayo ng tuwid.

Agad naman dumako sa kaniya ang tingin ng kasambahay nang may pagtataka pero hindi na lang ito nagsalita. "Where are they?" Walang ganang tanong ni Tyler dito.

"Nasa office po ni señor, sir." Sabi nito at saka naunang maglakad. Sumunod naman sila dito.

Nang makarating sila sa sinasabing office ay pinagbuksan sila ng kasambahay. Pumasok sila at ang lahat ng mga mata ay napunta sa kanila. Lalo na kay Lily. Ang mga mata ng mga andun ay nagtataka at nanghuhusga sa paraan ng titig pero baliwala lang ito kay Lily.

'Kung makatitig akala mo ngayon lang sila nakakita ng normal na tao.' Sabi niya sa kaniyang isip.

"You are finally come. You are always late." Pangungutya ng tiyuhin ni Tyler dito. "And who's that girl with you? Pretty huh." Dagdag pa nito.

Cold lang na tumitig dito si Tyler at hindi sumagot kaya nainis si Danny (Tiyuhin ni Tyler). Agad namang tumayo ang babaeng may mahabang buhok pero elegante kung manamit. Bata pa ito kung titignan mo. Lumapit ito kay Tyler at yumakap.

"Kuya, who's that girl? Saang group siya nabibilang?" Tanong nito kay Tyler. Agad ito humiwalay at pumunta sa upuan nito pagkatapos bumulong ni Tyler dito.

"You all confuse who she is. She's Lilybeth, my fiance and about what you said Melanie. She's have no group." Pagpapakilala nito sa kaniya. Agad namang tumayo ang ina nito na si Marina dahil sa gulat.

"What you are going to marry that cheap woman? Nagpapanggap lang ng mayaman para makabingwit na mayaman!" Galit na sabi nito kay Tyler at tumingin pa sa kaniya na disgusting siya.

Pero baliwala lang ito sa kaniya at napangisi. "What with this people." Bulong niya sa kaniyang sarili.

"Stop! Shut up Marina!" Galit na sabi ng lolo ni Tyler na si Fernand. "Papa?!" Angil pa ni Marina pero agad din itong sinigawan ni Fernand. "Sit down!"

Wala itong nagawa kundi ang umupo. "And you two, Tyler and Lily come and sit down." Mahinahon na sabi nito sa kanila. Nagtaka ang iba sa paraan ng pagsasalita ng matanda na para bang hindi ito tutol sa dalawa.

"Hahaha ito ba ang pakakasalan mo, Tyler? Maganda nga kapag nabihisan pero ang marumi ay dumi pa rin." Natatawang pang-aasar naman ni Danny sa pamangkin nito.

Hindi naman pinakinggan ni Tyler ang mga pang-aasar. Mahinahon lang itong nagcross arm at sumandal sa upuan nito na tipong ito ang boss.

Ipinakilala na muna ni Fernand ang lahat ng Ferrero na kasama nila kay Lily. Pero bored lang siyang tinignan sila isa-isa. Wala naman siyang pakialam kung sino ang ama, sino ang kapatid o sino man ng posisyon ng bawat isa dahil hindi siya palatandain na tao lalo na kapag hindi impotanteng tao ang kikilalanin niya.

"I already know about this. Janice was died because of car accident, our reputation will broke. Para hindi tayo katawa-tawa at mapahiya dahil malalaking tao ang naimbitahan ko sa kasal para bukas ay pumayag ako that Lily will be substitute bride." Nagulantang ang lahat maliban sa tatlo dahil sa sinabi ng matanda.

"What?! Are you serious, papa?!" Gulat na tanong ni Marina sa kaniyang ama. Agad namang sumingit si Melanie na nababatang kapatid ni Tyler. "Seriously?! Magiging sister-in-law ko 'tong hampas-lupang 'to?!"

Agad namang nandilim ang mukha ni Lily sa narinig. Tinawag ba siyang hampas-lupa? "Watch. your. words." May diing pagkakasabi niya dito. Nahalata naman na nangilabot si Melanie sa paraan ng pagsasalita ni Lily.

"See? How dare she to scared me! Hindi pa siya parte ng pamilya but she have now the courage para magbida-bida!" Sumbong pa nito sa lahat.

"Shut up, Melanie!" Agad namang napayuko ang dalaga dahil sa pagsigaw ng matanda. "Be thankful that she save our family from embarrassment. Without her baka kalat na sa buong Pilipinas na hindi na tuloy ang kasal. But after 5 months. So, I want you to respect her the way you respect me! Is that clear?!" Ma-awtoridad na pagkakasabi ni Fernand.

"But..!" Angil pa sana ni Marina pero agad na sumingit ang ama nito. "No, buts buts. Is that clear?!" Wala namang nagawa ang dalawang mag-ina na nakasimangot bago sumagot.

"Yes, señor!" Sigaw nilang lahat kay Fernand.

"So, Lily. You are officially Mrs. Ferrero by tomorrow."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status