Share

Mysterious Substitute Wife
Mysterious Substitute Wife
Author: Ms_Abby03

Prologue

NAGKAKAGULO ang kaharian sa Spain. Agawan sa kapangyarihan ang dahilan. Ang pamilyang Lenz ay halos hindi magkandaugaga lalo na ang mag-iina. Samantalang ang hari ay ginagawa ang lahat ng kaniyang makakaya upang mapangalagaan ang kanilang nasasakupan.

"Evacuar ahora!!" (Evacuate now!!) Sigaw ng hari sa kaniyang mga nasasakupan. Nangangamba at natatakot ang lahat dahil sa digmaan na nangyayari sa pagitan ng dalawang magkapatid na lalaki. Ang isa ay gusto lang ay kapayapaan at ang isa naman ay kapangyarihan.

Lumapit ang mag-iina ng hari. "Albert! Anong gagawin natin ngayon? Paano ang mga bata?" Tanong ng reyna sa asawa habang hawak-hawak nito sa magkabilaan ang kambal na anak. Nakakaintindi at nakakapagsalita ng tagalog ang hari dahil ang reyna na kaniyang asawa ay isang Pilipina. "Lumikas kayo kung maaari'y dalhin mo sila sa iyong bansa." Sabi ng hari sa kaniyang asawa.

"Ngunit paano ka?" Tanong naman ng kaniyang asawa sa kaniya ng may pag-aalala. Nag-aalala sa kaniyang kaligtasan. Hindi nito makakaya kung may mangyari sa hari. Papaano na ang bansang Spain kung si Reino ang maghahari sa bansa. Paano na ang kinabukasan ng mga tao rito? Papaano na ang kanilang mga anak kung mawawalan sila ng ama?

"Huwag kang mag-alala, hindi ko hahayaang may mangyari sa akin." Sabi niya sa reyna. Sasagot sana ang reyna nang biglang bumukas ang pinto. Humahangos na pumasok mula dito ang kanang kamay ng hari na Baltazar. Yumuko ito bilang paggalang at sinabi ang nais sabihin. "Alteza están cerca del reino!!" (Your higness, They are close to the kingdom!)

"Reúne a todos nuestros hombres!" (Gather all our men) Agad na kumilos si Baltazar sa utos ng hari. Ang hari naman ay humarap sa kaniyang pamilya. "Daddy, what's happening?" Tanong ng pitong taong gulang nilang anak na babae. Yumuko ang hari para mapantayan ang kaniyang dalawang anak. "It just a mess, I need to clean this okay? You need to go with your mommy."

Sa murang edad nila ay matalas ang kanilang isip, alam na nilang hindi lang ito dumi na kailangang linisin ng hari kundi isang digmaan ang nagaganap. "Quiero ayudarte papá a luchar contra esa gente mala." (I want to help you dad fight against those bad people.)

Agad na hinawakan ng hari ang ulo ng prinsesa at saka ginulo ang buhok. "No need princess. Kaya na ito ni daddy okay?" Napasimangot naman ang mumunting prinsesa. "But I can defeat them!" Dagdag pa nito.

"Me too! We are strong enough daddy. I am top 1 in taekwando, remember?" Sabi ng pitong taong gulang naman ng lalaking anak habang sumisipa pa ng flying kick. Sa mura nilang edad ay masasabing mahuhusay silang makipaglaban. Sinanay talaga sila upang maipagtanggol nila ng kanilang mga sarili at hindi umaasa sa ibang tao na ipagtanggol sila sa masasama.

Natawa naman ng mahina ang hari sa liksi ng kaniyang mga anak. Agad niyang ginulo ang buhok ng mga ito. "Si papá necesita ayuda, llamo a uno de ustedes, ¿vale? Pero primero tienes que ir al país de mamá." (If dad needs help, I'll call one of you, okay? But first you have to go to mom's country.) Sabi ng hari sa kaniyang dalawang anak.

Tumango naman ang dalawa na para bang mababait at masunuring anak. Humarap naman ang hari sa kaniyang asawa. "Kailangan niyo ng kumilos, magmadali ka. Itakas mo ang mga anak natin. Isama mo si Binang para may kasama ka sa pag-aasikaso sa kambal." Paliwanag niya sa reyna.

Maya-maya ay dumating na rin si Binang na halata sa mukha niya na siya ay natatakot pero hindi niya ito pinahalata sa harap ng hari at reyna. Si Binang ay kanilang kasambahay na Pinay. Siya ang pinagkakatiwalaan nilang kanilang kasambahay dahil siya ay kaibigan ng reyna simula pagkabata.

Tinawag ng hari ang ilang magagaling niyang tauhan para sumama sa kaniyang mag-iina. Kung sakaling may mangyari man sa kanila ay may magtatanggol sa mag-iina niya.

Naluluha ang reynang tumango. "Por favor cuídate." (Please take care.) Sabi ng reyna bago umalis kasama si Binang at ang kanilang kambal na anak. Napahinga ng malalim ang hari saka hinarap ang problema sa pagitan ng kaniyang kapatid na si Reino.

Tinipon ng hari ang lahat ng kaniyang tauhan upang samahan siyang pabagsakin ang kaniyang kapatid na gahaman sa kapangyarihan.

Sa kasamaang palad habang ang hari ay abala sa pakikipaglaban sa mga tauhan ng kasamaan at paghahanap sa kaniyang kapatid, hindi namalayang si Reino ay papunta sa mag-iinang tumatakas.

Hindi naman sinasadya ng reyna na mabitawan ang kaniyang anak na lalaki. Dali-dali namang tumakbo ang munting prinsipe pabalik sa kaniyang ama upang ito'y tulungan.

Nagulat naman ang hari nang makita ang anak niyang lalaki na dumating sa tabi niya. "Why are you still here?" Tanong ng hari sa prinsipe. "I want to help you daddy." Wala ng nagawa ang hari sa kakulitan at katigasan ng ulo ng kaniyang anak na prinsipe.

Habang ang reyna ay nababalisa kung saan napunta ang anak niyang prinsipe.

Tumatawang lumapit sa kanila si Reino. "Bwahahaha! No puedes escapar de mí! Secuestrarlas!!" (You can't escape from me! Abduct them!!) Sigaw ni Reino sa kaniyang tauhan. Agad naman kumilos ang kaniyang mga tauhan para hawakan sila at hindi na makatakas pa.

Ang iba naman ay pinatumba ang ilang tauhan ng hari na kasama nila para protektahan sila ngunit nagapi pa rin sila ng mga tauhan ni Reino. Wala silang binatbat sa tauhan nito sa tauhan ng hari.

Samantalang, bago pa mahawakan sina Binang, at ang reyna ay bumagsak na sila sa lupa. Agad na sumugod ang ilang mga tauhan ni Reino sa munting prinsesa. Ngunit pinatumba lang sila ng munting prinsesa. Nagulat sila Reino sa nakita at kakayahan ng batang prinsesa. Sa isang iglap lang ay tumba na ang kaniyang mga tauhan.

Kung walang binatbat ang mga tauhan ng hari sa tauhan ni Reino, mas walang binatbat ang mga tauhan ni Reino sa iisang mumunting bata. Tinalo sila ng isang bata? Nakakahiya sila, isang bata lang ang nakapagpataob sa kanila.

Talagang sinanay ng mabuti ng hari ang kaniyang mga anak upang maipagtanggol ang kanilang mga sarili. Tama nga ang kalkulasyon ng hari sa darating na panganib sa Spain.

"Fácil." (Easy.) Mayabang na sabi ng munting prinsesa. Nagngitngit naman sa galit si Reino sa kaniyang pamangkin. Isa lang naman siyang munting bata pero kung makapagsalita ay mas malakas na siya sa kaniya.

Agad namang hinigot ni Reino ang kaniyang baril at pinaputukan ang prinsesa. "Huwaggg!!" Agad na humarang ang reyna sa anak nito kaya't nagulat ang prinsesa sa nangyari.

"Mommy!!" Sigaw ng munting prinsesa. "Mommy, why did you that? Kaya ko naman protektahan sarili ko." Umiiyak na sabi ng munting bata sa kaniyang ina. "A-Ayoko masaktan ka. Sumama k-ka kay yaya Binang mo." Nahihirapang sabi ng reyna sa kaniyang anak. Saka humarap sa katulong nila na si Binang.

"Binang, t-tumakas na k-kayo. Pumunta k-kayo sa Pilipinas. A-Alagaan mo ang anak ko, i-ingatan mo siya." Sabi niya sa pinagkakatiwalaan niyang Pinay na yaya nila. "Opo, mahal na reyna."

"¿De qué estás hablando? ¿Qué idioma es ese? ¡¡No importa, atácalos!!" (What are you talking about? What language is that? Nevermind, attack them!!) Sigaw ni Reino kaya agad na sumugod ang mga tauhan nito.

"SIGE NA UMALIS NA KAYO!!" Sigaw ng reyna kaya't kinaladkad na ni Binang palayo ang prinsesang umiiyak at ayaw pang umalis. Nasa isip niya ay malakas naman na siya pero bakit waka siyang nagawa upang iligtas ang reyna. Walang kwenta ang pagiging top strongest taekwando student sa paaralan nila. Wala siyang nagawa kundi ang umiyak lang ng umiyak dahil sa nakikitang kalagayan ng kaniyang ina na unti-unting nawawala sa kaniyang paningin.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status