Share

Chapter 18

Itinulak ko si Miguel nang biglang tumunog ang kaniyang phone. Ngumisi siya bago ito tiningnan kung sino ang tumatawag.

"Yes, Ma. Kumusta na po si Mich- ano?!"

Napalingon ako sa kaniya. Biglang namutla si Miguel at napansin ko ang panginginig ng isa niyang kaniyang habang nakahawak ito sa manobela ng sasakyan.

"Pero hindi pa rin sapat ang perang naipon ko para sa operasyon niya. Baka pwedeng operahan si Michelle ngayon kahit kulang ang pera natin, Ma."

Mas lalong humigpit ang paghawak niya sa manobela. Bakas sa kaniyang mukha ang pag-aalala.

"Kumalma ka muna, Ma. Gagawa ako ng paraan para maoperahan si Michelle mamaya. Sabihin mo kay Dr. Abenson na kumpleto na ang pera natin. Mamaya na lang natin iisipin ang kulang na pera pagkatapos ng operasyon."

"Magkano ba ang kakailanganin niyong pera para makumpleto ang pera para sa operasyon ng kapatid mo? Baka makatulong ako." Singit ko kaya lumingon si Miguel sa akin.

Hindi siya agad nakasagot. Sa halip na sagutin ang tanong ko ay umiw
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status