Share

KABANATA 17

KABANATA 17 

Hindi ko namalayan ang pagtayo ni Spruce nang narinig niya ang kaluskos ng dahon mula sa lugar na may kumalabog kanina. 

Pigil-hininga ko itong sinundan ng tingin and to my surprise bumungad sa akin ang tatlong baboy ramo. Nakita kong gumalaw si Cazsey at Spruce, pomusisyon sila at nagbabadyang tirahin ito. Si Cazsey ay sibat ang gamit habang si Spruce naman ay pana.

Tinitigan ko sila bago binalik ang tingin sa mga baboy ramo na naglalakad. Tatlo sila and I know kapag pinana at sinibat yan ni Spruce at Cazsey dalawa lang ang tatamaan at makatakas ang isa. I need to do something. 

Nakita kong lumingon si Spruce kay Cazsey kaya palihim kong inayos ang arrow ng pana ko. Ilang sandali pa ay pinosisyon na ni Spruce ang pana at sinisinta ang target, ganun din ang ginawa ko. 

Tinaas ni Spruce ang kamay niya at nagbilang ng tatlo gamit ang mga daliri  niya. Sa pagbaba ng huli niyang daliri, I held the arrow tight and I made sure na tatamaan ko sa paa ang target. I release my arrow and it’s just in right timing, halos magkasabay na naglanding sa katawan ng mga baboy ang mga arrow at sibat namin. 

Agad na natumba ang tatlo at nagsimulang mag-ingay. I run towards it para hulihin ang mga ito at baka ay makatakas pa. 

“Impressive huh?” pagpuri ni Spruce sa akin saka ako tinapik sa balikat.

Ngumiti lang ako. “If you’re not informed I was once an archer back when I was in Manila” I chuckled. 

“I see” bulong naman nito. 

“Magaling ka palang mag pana Brazinn, nakakahiya naman sa kagaya ko na walang ambag sa buhay” saad ni Avierry habang nakayuko at nakanguso. 

Nagtawanan lang kaming tatlo dahil sa sinabi ni Avierry. Halata naman na takot siya dahil sa inaasta niya at kung paano siya kumapit sa akin kanina. She and Cazsey were two opposite person. 

“Ayos lang yan Avi, kahit hindi ka marunong nag insist ka parin na sumama para tumulong” I said then smiled at her. 

Tinalian na namin ang tatlong baboy ramo sa paa para hindi na makawala. I’m so happy, nakatatlo agad kami in just one shot. Anim nalang ang kulang dahil may isa nang nakuha sina Spruce kanina. 

“Kailangan nating maghiwa-hiwalay para mas marami ang makuha natin” seryusong saad ni Cazsey.

Napa-isip ako dahil sa sinabi niya, she has a point kailangan namin maghiwa-hiwalay para nang sa ganun ay mas marami kaming mapuntahan. 

“Pero paano itong nakuha natin?” biglang sumabad si Avierry. 

“Iiwan nalang natin dito” saad ni Spruce bago inayos ang sarili dahil maraming dumi ang damit niya gawa nang pagtatali sa baboy. 

Umupo ako at kinuha ang bimpo sa bag na dala ko.

“Spruce” saad ko at hinagis yun sa kanya na agad naman niyang sinalo, he mouthed thankyou so I nodded before I look at Cazsey. 

“Hindi ba’t sabi ni Donya Allura maraming nanghuhuli dito? Baka mamaya pagbalik natin dito wala na ang mga ‘yan” saad ko.

I don’t think may babalikan pa kami dito mamaya. Recalling all the informations that Donya Allura told us, I’m sure may kukuha nito dito. Sabi kasi ni Donya Allura panahon ngayon ng mga Sigbin and that only mean na marami ang nangangailangan ng pagkain para sa alaga nila. 

“Oo nga, tama si Brazinn” Avierry interrupted. 

“Kailangan may isang ma-iiwan dito” 

Bumaling kaming lahat kay Spruce dahil sa sinabi niya. “Sino?” I asked.

Hindi kami nagsalita at parehong bumaling kay Avierry, I don’t think may iba pang pwedeng magpa-iwan sa amin bukod sa kanya. 

Habang tinitigan namin siya, nakita ko ang gulat sa reaksyon niya. This is not a good idea. 

“Ako nalang magpa-iwan” I volunteered.

Bumaling sila sa akin. “Alam kong natatakot si Avi kaya ako na” I said. 

“Hindi, ako nang magpapa-iwan dito tutal wala naman akong matutulog sa panghuhuli. Basta balikan niyo ako ah” saad ni Avi at ngumiti bago umupo sa mga tuyong dahon na nasa lupa. 

“Sigurudo ka?” I asked. 

Tumango lang siya at ngumiti. 

“Ayon naman pala eh, Tara na!” Cazsey interrupted.

Napagdesisyonan namin na iwan si Avi doon. Si Spruce ay naglakad papunta sa kanang bahagi ng gubat at si Cazsey naman ay sa kaliwa. Ako naman ay tumungo na sa parte ng gubat kung saan mas maraming puno at mas maskot.

“Damn I’m not good in directions” I sighed as I whispered and continued walking holding my arrow. 

Tahimik lang akong naglalakad habang tinatahak ang masikot na gubat. Masyadong matataas ang damo dito at ang kinakatakutan ko lang ay baka mamaya may lumabas na ahas at kagatin ako. Damn I hate snakes. 

Habang naglalakad ako, napansin ko ang isang bulto ng mga matataas na damo. Lumapit ako dito at dahan-dahan itong hinawi. Bumungad sa akin ang isang malawak na damuhan na may malaking puno sa gitna at may ilog sa dulo nito. 

Humakbang ako sa matataas na damo at nagsimulang maglakad papunta sa puno. I was slowly and carefully walking when I heard something behind me. 

Mabilis akong umikot at tinapat ang arrow ng pana na hawak ko. Nag-obserba pa ako dahil wala naman akong nakikitang tao o kung ano man. Ibababa ko na sana ang pana nang biglang may kumaloskos ulit doon kaya mabilis ko ulit itong tinataas. 

Maigi kong sinundan ang kaluskos ng dahon at nakita ko ang dalawang baboy ramo na naglalakad. Bigla akong napangiti at pinosisyon and sarili. 

Maingat akong humakbang para hindi nila ako mapansin. 

Sininta ko ng maayos ang paa ng baboy ramo bago ko binitawan ang arrow. 

“Bullseye” I whispered. 

Napangiti ako nang tinamaan ko ang target. Hahakbang na sana ako papalapit sa baboy ramo nang bigla akong nakarinig ng yapak ng paa kaya napa-atras ako. 

“May nakauna sa atin”

“Kap may dayo—” 

Ilang sigundo pa ay nakita ko ang dalawang lalaki na naglalakad palapit sa deriksyon ko. Mabilis akong tumakbo sa likod ng puno at nilabas ang ispada mula sa bag ko. “Fuck”

Habang mahigpit na nakahawak sa ispada ay bigla akong nakaramdam ng kaba. Sila ba ang tinutukoy ni Donya Allura na nga pirata na nagbabantay dito sa gubat? Hell no, this can’t be. 

Pigil-hininga akong pumikit at dahan-dahang humakbang. I need to get out of this place or else I’ll die. 

Huminga ulit ako ng malalim bago magsimulang humakbang, maingat akong yumuko at nagsimulang gumapang sa damuhan nang biglang  tumama ang ispada ko sa maliit na bato at tumunog. “Shit” I mumbled.

“Kap, may babae” narinig kong sigaw ng lalaki mula sa likod ng puno. 

Nanlaki ang mata ko at mabilis na tumakbo palayo. Without further, I run as fast as I can. I know they’re chasing after me and all I can do is to run as fast as I can untill I get rid of them.

Bigla akong may naapakan na kung ano bagay kaya natumba ako. 

“AHHHHHHHHH” napasigaw ako nang may mahigpit na tali na gumapos sa dalawa kong paa. 

Biglang sumakit ang ulo ko dahil sa bilang pag-ikot ng paligid. The next thing I know my vision went upsidedown... Nakabitin ako patiwarik habang hawak hawak ang ispada ko. Sinubukan kong gumalaw pero habang ginagawa ko iyon ay mas lalong sumisikip ang pagkakagapos ng paa ko. 

“TULONG! TULONG!” I shouted trying to ask for help. 

Nakita ko ang mga lalaking naglalakad papunta sa deriksyon ko na nakasuot ng bahag at maraming mga nakakabit sa mga katawan nila. 

“Ibaba niyo ako dito!” I exclaimed. 

Habang tinititigan ko sila ay mas lalong sumasakit ang ulo ko. Pakiramdam ko lahat ng dugo ko sa katawan ay literal na napunta sa ulo ko. 

“Sino ka at bakit ka nandito?” tanong ng isang lalaki na balbas sarado at mahaba ang buhok.

Mukha silang mga totoong pirata na nakikita ko lang sa mga movies.

“Ako po si Brazinn” mahina kong sabi. 

“Hindi ka maaring basta basta na pumasok nalang dito sa teritoryo namin” saad naman ng isang lalaki na nasa tabi ng lalaking balbas sarado.

Nakita kong kinuha ng isa sa kanila ang baboy ramo na natamaan ko kanina at tinali.

“HOY TEKA AKIN YAN” pagprotesta ko.

Hindi sila sumagot at lumapit sa akin ang isang lalaki. Tumingala siya bago magsalita. 

“Hindi ka namin papatayin kung sasama ka sa aming hanay” saad nito at nilapit ang mukha niya sa mukha ko. 

Gosh did he even tried to brush his teeth before? His breath smells odd, nakakasuka. 

Tinaas niya ang kamay niya at hinawakan ako sa pisnge bago binaba sa balikat ko. Gusto kong umiyak dahil sa ginagawa niya, who gave him a permission to touch me? Hindi manlang ba siya nahihiya na halos Lolo ko na siya?

“Mapakikinabangan ka pa!” saad nito sa nakakainsultong paraan. 

Dahil sa inis, marahan kong pinikit ang mata ko at huminga ng malalim bago siya dinuraan sa mukha. “I’m not that desperate, asshole!” I uttered. 

Bigla kong naalala na hawak ko ang ispada  kaya mabilis kong tinaas iyon at tinutok sa kanya. 

Napaatras siya dahil sa ginawa ko kaya nakakuha ako ng pagkakataon na gumalaw. Hinawakan ko siya sa ulo at inuntog ko ang ulo ko sa kanya nang sa ganun ay makakuha ako ng bwelo na umugoy ang katawan ko. 

Nag-ipon ako ng lakas na itaas ang sarili ko at gamit ang hawak na ispada ay sinubukan kong putulin ang dulo ng lubid na nakatali sa paa ko pero hindi iyon sapat. Ilang sigundo kong sinubukang gawin iyon pero hindi gumana. “ARGGGHH” I scream out of irritation. 

Lumapit sa akin ang lalaking dinuraan ko kaya bigla akong nakaramdam ng kaunting takot. My head still hurts because of what I did and I guess he felt the same. 

Bigla akong napapikit nang hinawakan niya ako sa leeg at malakas na sinakal. Sinubukan ko siyang pigilan pero sobra‘ng lakas niya. Ilang sigundo niyang ginawa yun sa akin, I can’t bearly breath.

“Akala ko ba makakatakas ka?” bulong nito sa tainga ko. 

“Cough* cough*” I gulped as he released my neck. Mabilis kong hinabol ang hininga ko nang bitawan niya ako. 

“Bagay lang yan sayo, masyado kang mayabang!” saad niya. 

Mabilis niyang kinuha ang ispada mula sa gilid niya at tinutok sa akin kaya napapikit ako. Hinintay ko na lumapat sa balat ko ang matatalim na ispada na hawa niya. Ilang sigundo pa ang lumipas at imbis na sa mukha ay sa d****b ko iyun lumapat. Agad kong minulat ang mata ko nang bigla kong naramdaman ang pagkasira ng damit ko sa bandang d****b.

Tinaas ko ang kamay ko at tinabunan iyon nang bigla akong nakaramdam ng hapdi. Hinawakan ko iyon at doon ko lang napansin na may dugo. Pilit kong tinatakpan ang d****b ko dahil alam kong nakikita nila iyon.

Bigla naman niyang tinapik ang kamay ko gamit ang ispada, agad kong inalis ang kamay ko at nakita kong dumudugo din ito. 

“TAMA NA!” pagmamakaawa ko. 

“Nagsisimula palang tayo” bulong nito. “ Kumuha kayo ng tubig” dagdag pa niya. 

Bigla akong kinabahan dahil sa naisip ko, is he going to drown me? 

Ilang sigundo pa ay inabot sa kanya ng isang lalaki ang balde na may lamang tubig. Hinawakan ito ng isa at tinapat sa ulo ko. 

“WTF? ANONG GAGAWIN NIYO?” protesta ko at sinusubukang ilayo ang sarili.

Hinawakan niya ako sa ulo at binabad sa loob ng balde, ilang sigundo niyang ginawa iyon hanggang sa nanghina na ako at hindi na ako makahinga. Ilang besis niyang akong nilunod at lahat ng tubig ay pumapasok sa ilong ko. 

Ilang minuto pa ay naramdaman kong tumigil na sila sa ginagawa habang ako ay nanatiling nakapikit at hinahabol ang bawat hininga na kanina ko pa pilit na hinahabol. 

“uhhhh” bigla akong napasinghap nang maramdaman ko ang malakas na paghagis ng tubig sa aking katawan. 

Hindi ko na kinaya at sobrang nanghihina na ako. Paunti-unti kong pinikit ang mata ko. 

“ITIGI NIYO ‘YAN!” 

Bago pa man ako tulyang mawalan ng malay, narinig ko ang sigaw na iyon na  dahilan para magkaroon ulit ako ng lakas na buksan ang mga mata ko. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status